Chapter 16

4K 64 7
                                    

"Sophia. Wala na ang anak natin. Tanggapin na lang natin na wala na siya." Niyakap niya ako. At dahil sa yakap na yon ay napahagulgol ako. Ang tagal. Ang tagal kong hinintay at inasam ang yakap niyang mahigpit. "Gagawa na lang tayo ulit kapag ayos ka na. Huwag ka na umiyak."

Ilang buwan ako nagsuffer sa depression at kung minsan ay nagspospotting pa ako. Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan to. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hawak niya ang kamay ko at nakatingin din sakin.

"I'm sorry for what i've done." Panimula niya. Kakalabas lang nila Mommy at kalmado na din ako. Nandito si Aaron. Ang lalaking pinakamamahal ko. "Sinabi na sakin ni Sydney na may depression ka at nagspospotting ka kaya napagdesisyunan kong umuwi na. Nasa USE ako kanina para bisitahin ka. Hindi ko sinasadya ang nakita mo. Alam ko na din na ako talaga ang ama hindi na natin kailangan ng DNA pa. Alam kong ako ang ama. Patawarin mo ako sa pakikipaghiwalay ko sayo at patawarin mo ako dahil nasaktan kita. Kalimutan na natin ang mga nangyari." Tinitigan niya ako at ngumiti.

"Hindi madaling kalimutan ang lahat, Aaron. Ang ginawa mo sakin ay sobra sobra. Dumating ako sa point na gusto ko ng kitilin ang buhay ko pero iniisip ako ang anak natin. Pero bakit? Bakit kinuha pa din siya sakin? Ganon na ba ako kasama? Ganon na ba ko kaselfish para kunin sakin ang mahal ko? Kasalanan mo to, Aaron. Hindi ako galit sayo, patatawarin kita. Dahil alam kong napatawad mo na din naman ako da nagawa ko. Pero hindi ko pa din kakalimutan ang lahat. Hindi ganoon kadali." Seryosong sabi ko.

"Sorry. I'm really sorry. Dahil sakin ay nawala ang anak natin. I'm really sorry." Niyakap ko siya at inalo. Ako dapat ang umiiyak dito dahil sa loob ng ilang buwan ay ako ang kasama ng anak ko. Pinapasaya ako ng anak ko kahit sa simpleng paraan. Sumipa lang siya ay sobrang saya ko na.

"Magsimula tayong muli, Sofie. Please." Hinawakan niya ang aking mukha habang nakatitig sa mata ko. "Be my girlfriend again."

I smiled and said "Ligawan mo ulit ako. Paghirapan mo ulit ako. Kausapin mo sila Mommy. Kausapin mo mga kaibigan ko."

Tumango siya at ngumiti. "May anghel na tayo. Ano ba ang dapat ipapangalan mo sakanya?"

"Syvel Cezanne A. Brooke." Nakangiti kong sambit sakanya.

"Beautiful name." He said. Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan sa balikat. "Magpahinga ka na. Dito lang ako sa tabi mo. Hindi ako aalis. Alam kong natatakot ka pa sa mga susunod na mangyayari. Huwag ka mag-alala. Hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo. Pangako." Inihiga niya ako at kinumutan. Nakaramdam na din naman ako ng pagod dahil sa mga pinaggagawa ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pumikit. I feel secured. Every time he touch me I feel so special.

"Just let me love you for the rest of my life, Maria Sophia." I heard he said those words before I fell asleep.

"Babe! Paano ba palitan ang diaper ni Baby?" Natawa ako sa narinig kong sigaw ni Aaron. Lumapit ako sakanya at kinuha ang diaper sakanya.

"Ganito kasi muna. Hanapin mo yung may dikit, magkabilang dulo. Eto yung nakatupi. Sa likod yan, sa pwetan. Eto namang may design ay sa harap." Itinaas ko ang paa ni Syvel at inilagay ang diaper sa may puwitan. "Tapos ganito ang gawin mo, buksan mo yung nakatupi, eto na mismo yung dikit. Ididikit mo sa harapan. Ayan. Tapos na." Ngumiti ako ng matapos ko ang paglalagay ng diaper. Naisahan na naman niya ako.

Matapos kong bihisan si Syvel ay kinarga niya to. "Sarap naman sa pakiramdam na may anak at nakakarga ko pa siya." Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture kami. Unang family picture namin..

Naputol ang panaginip ko nang biglang may humawak sa pisngi ko. Pagdilat ko ay si Aaron.

"Having a bad dream? You're crying." He said. Napaiyak ako lalo ng si Aaron nga talaga ang kausap ko. Niyakap niya ako. "Hush. I love you. I'm always here."

"Napanaginipan ko siya.. tayo.." Tinignan ako ni Aaron at pinunasan ang luha ko.

"I knew it. Nakita mo siya sa panaginip mo. Laki na ba niya? Naglalakad? Ano?" Mapait na ngiti niya sakin.

"New born." Matipid kong sabi.

"Don't worry. Susundan na lang natin siya. Ano ba ang gusto mo? Babae ulit?" Natawa ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga siya.

"Babae." Hinaplos niya mukha ko at tumango. I smiled. He kissed me slowly.

"Hel-" naputol ang halik namin dahil sa boses na narinig namin. "Sige mga anak. Ituloy niyo lang."

"Mom!" Napanguso ako sa sinabi ni Mommy.

"Susundan niyo agad? Pagaling ka muna anak." Natatawang sabi ni Mommy.

"Mommy naman!" Saway ko sakanya.

"Oo mommy. Payag ka ba? Kaso ay gusto niyang ligawan ko muna ulit siya pati kayo. Payag ka ba don mommy?" I laughed. Siraulo talaga.

"Oo naman 'no! Kailan ba ako humindi sayo, Melbourne este Aaron." Pumasok na din sila Daddy at nakangiti.

"Mukhang may magkakabalikan!" Tuwang sabi ni Travis. Magthumbs up siya kay Aaron at ganon din si Aaron sakaniya

Masayang kaming nagkwekwentuhan. Kahit papaano ay nawawala ang lungkot ko. Unti unti ko na din natatanggap na wala na ang baby ko. May angel na ko. Alam kong binabantayan mo kami ngayon, Anak. Hug mo si Mama. Okay?

"Can I court you again, Sofie?" He smiled. Natatawa naman sila Mommy sa kilig. Tumango na lang ako at natatawa. "Yes!! Kami na!!" Nagtatalon niyang sabi.

"Hoy! Ligaw lang tinatanong mo bakit napunta sa magboyfriend and girlfriend." Pagmamaktol ko.

"Ganon na din naman kasi yon, Babe eh. Sige na oh." At ngumuso siya.

"Alam naman naming marupok ka. So go na Sis. Wag ng pabebe. Di bagay." Narinig kong sabi ni Siena. Kahit kailan talaga!

"Oo na. Sige na!" Nagtawanan na naman kami dahil sa karupukan kong taglay. Mahal ko kasi siya kaya marupok ako. Bakit ba patatagalin ko pa? Nagpapabebe lang naman ako kanina sa sinabi ko. Napatigil kaming lahat ng may kumatok sa pinto.

"Good pm po. Bukas po ay madidischarge na ang patient." The doctor smiled. "Kumusta ka na?"

"Ayos naman na po ako." Sabi ko at ngumiti. Tumango ang doctor sakin.

"Rest muna ng 1 month bago gumawa ulit." Natawa kaming lahat.

"Narinig mo yon ha! One month! Sa itsura mo pa lang baka kakauwi pa lang ng kaibigan ko, ginegyera mo na Kuya!" Sabi naman ni Sydney.

"Paano mo nalaman?" At lalo nagtawanan ang lahat kasama na ang doctor.

Tinignan ko si Aaron.

Mahal ko talaga siya.

Sobra..

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon