Chapter 3.How they define crush.

511 12 11
                                    

------------------

3RD PERSON POV

SA KALAGITNAAN NG MAHABANG BREAKTIME NILA..

"Suhoooooooooooooooo! ano nato !? bakit 30,000 nalang ang natira sa pondo natin!?"

" aww, Cesline, kalma kalang" mahinahong sagot ni Suho, nasa Student Council room kasi silang dalawa.

"pano ako kakalma eh, half ang nabawasan sa pondo natin!? Gosh tingnan mo nga ! 30k lang ang binigay nila Xiumin at Kyungsoo sakin !" pagwawala pa ni Cesline. " Nakalimutan mo naba Cesline, madami tayong nagastos sa University Week natin last school year, tapos nagtayo pa kayo ng booth nyong mga girls" paliwanag ni suho.

"So pinaparating mo na ako ang may kasalanan ganon?"

"Hindi no, sinasabi ko lang yung mga nangyari kung bakit naging ganyan nalang, why would i blame you, you're the best Vice President ever" nakangiti at sincere na sabi ni Suho kay Cesline. napatahimik naman si Cesline, Naloloka ang heartbeat nya.

--

Break time at masayang naglalakad si Kristle sa corridor ng makita nya si Baekhyun na may kasamang mga babae, nilapitan nya ito para asarin.

" Hi Baek, New friends mo?" Kristle Giggle.

"Mga syota ko to, Selos ka?" sagot ni Baekhyun sa kanya. " Sus, nako girls wag kayo papaloko dyan, ginagamit lang kayo nyan para pagtakpan ang kasarian nya, bakla yan. haha" pang aasar ni Kristle. sinamaan lang sya ng tingin ni Baekhyun. " Di kasi ako pumapatol sa pangit, kaya ganyan yan" sabi ni baekhyun, na ikinatawa naman ng mga babae.

" we know naman baek eh"

"Papansin naman talaga yang si Kristle eversince"

"yeah, right hahaha"

Hindi maipaliwanag ni Kristle pero sa unang pagkakataon ay nainis sya kay Baekhyun at sa mga babaeng to. simula Third Year ay inaasar na nya si Baekhyun, pero ngayon lang sya nakaramdam ng pagkainis.

"Excuse me, ang ganda ko kaya, Bitches" sabay irap nya at umalis. Naiinis sya di nya alam kung bakit, sanay naman sya sa pakikitungo ni Baekhyun sa kanya. malapit na sya sa CR ng marinig nya ang pangalan nya sa mga lalaking naguusap nagtago muna sya saglit para pakinggan.

"Pare, ganda talaga nila no?"

"oo nga eh, kaso mga classmate na nila yung mga lalaki sa XOXO "

" Sexy ni Andromeda"

" Ako si Kristle ang type ko"

"Sure ka pare? eh muntik ng marape yun eh"

Di namalayan ni Kristle na tumulo na ang luha nya, matagal na nyang kinalimutan yon, pero bakit kailangan nya pang maalala ulit. Di nya namalayan na may panyo ng nakaharang sa mukha nya. titingin sana sya sa nagbigay non ng magsalita to.

" Tsk. ang tsismosa mo kasi" sabi ni, well si Baekhyun. gusto sana nyang magsalita kaso umalis si Baekhyun at pinuntahan yung mga lalaking nag uusap.

" Hey, kalalaki nyong tao ang tsitsismoso nyo, sa uulitin ayoko ng makita ang pagmumukha nyo ha, at kapag nakita kayo ni kristle lagot kayo sakin!" pananakot ni Baekhyun sa kanila, mukhang effective naman dahil tumango tango yung mga lalaki at umalis.

"Kailangan ko bang magthank you?" tanong sa kanya ni kristle " You're welcome nalang" sagot ni Baekhyun at umalis. Napangiti si Kristle bago tumakbo at sumabay ng lakad kay Baekhyun.

EXO UNIVERSITY(WE ARE ONE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon