Special Chapter 1

17 1 0
                                    



3rd Person POV





Dumating na ang pinakahihintay na JS Prom nang ating mga bida at isa isa nang nagsi datingan ang mga 3rd year at 4th year student sa venue. Sa isang Hotel gaganapin ang JS Prom nila.





Samantala nauna namang dumating sa venue sila Cesline, Suho, Jiwon at Kyungsoo dahil isa sila sa mga student council na naatasang magcheck ng mga attendance.






"Ang ganda mo Cesline." Puna ni Suho sa kanyang Girlfriend na si Cesline, Nasa labas sila ng venue dahil sila ang nagchecheck sa mga attendance.





Ang gown ni Cesline ay si Princess Ariel with a twist, She's wearing long sleeve lace green color on top and red elegant ball gown. "Gwapo karin Suho, bagay sayo yung suit." Mahinang sabi ni Cesline, napangiti naman si Suho sa pagiging shy ni Cesline na parang kailan lang ay di natatapos ang araw ng di sya sinisigawan ng babae.





Nasa hilera naman rin nila ang dalawa pang couple na si Kyungsoo at Jiwon. Nakausual black suit si Kyungsoo while si Jiwon ay nakatube yellow lace with glitter on top of the tube patchwork fit long gown, si Princess Belle ang ginaya nya.





"Wag kana magkakamali mamaya sa sayaw ha, taas ng takong mo e, feeling ko mas matangkad kana sakin." Kahit nagagandahan si Kyungsoo sa outfit ni Jiwon ay napangiwi sya nang magkaharap sila, nasa 5inches ata ang takong nito. Di man lang cinonsider ni Jiwon na di katangkaran si Kyungsoo.





Namula naman ng konti si Jiwon. "Sensya na Kyung, si mama ang bumili nito e." Ang gwapo talaga nang boyfriend nya na hanggang ngayon ay di sya makapaniwala na sila na.





"Hi mga lovebirds!" Bati ng bagong dating na si Heidy kasama si Kai. Blue halter balloon gown with silver clip on her hair ang suot ni Heidy si Cinderella ang ginaya nya, while naka blue suit si Kai. "San kami pipirma ng baby ko." Ganadong Sabi ni Kai.





"Sus Negie, matawag mo lang ng baby si Heidy ayan oh nasa harapan mo lang ang pipirmahan." Biglang sulpot ni Chen sa tabi ni Kai, kasama nito si Chanyeol at Baekhyun. Naka nakayellow suit si Chen while parehas na maroon ang suit ni Chanyeol at Baekhyun.





"Taena nitong si Chanyeol gaya gaya ng suot pota." Paangil na sabi ni Baekhyun. "Oy Baekhyun! Bat naman kita gagayahin!? Syempre gusto ko lang partneran yung color ng gown ni Andromeda ko!" Pagtatanggol ni Chanyeol sa sarili. Irap lang ang response ni Baekhyun.





"Ayan na mga girlfriend nyo." Nguso ni Cesline sa bagong dating na sina April, Andromeda at Kristle.
Moana ang peg ng gown at buhok ni April nakalong bridesmaid inspired gown sya na color brown with glitters on top, naka deep V neck split long gown si Kristle na blue ang top and yellow ang baba almost similar na sa damit ni Snow white, While pink turtle neck sleeveless fitted gown na may mahabang slit na hanggang legs ang kay Andromenda si Princess Aurora ang peg nya.





Laglag ang panga ni Chanyeol. "Pota kadiri ka Chanyeol." Umaktong nandidiring sabi ni Chen.




"Wow Cesline at Jiwon ang cute nyo" Nakangiting sabi ni April. "Ehem sidekick ko ang ganda mo ah." Namula naman si April sa sinabi ni Chen.




"Ano Baekhyun talbog ka no?" Nakangising sabi ni Kristle sa kanyang boyfriend. "Halikan kita dyan e." Nakangising sabi ni Baekhyun, dahil sa totoo lang ay bagay ni Kristle ang suot na gown.




"Ang ganda ganda mo mahal ko. Wag ka papayag pasayaw sa iba ha." Seryoso at parang nag aalalang sabi ni Chanyeol. Kinurot naman ni Andromeda ang pisnge ni Chanyeol. "At ang gwapo mo naman po sa suot mo Mr. Park Chanyeol." Sagot nito kay Chanyeol.





EXO UNIVERSITY(WE ARE ONE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon