Chapter 21. I'm her Man - Luhan

355 9 17
                                    

Aphrodite's POV

(Eto yung time ng date nila Saphire at Xiumin, bago sya mag gm)

Sabi nila dapat daw sabihin mo na sa taong mahal  mo na mahal mo sya kasi hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari, Now or never sabi nga nila.

Kaya heto ako ngayon magdodoorbell na sa bahay ni Usangot, magbabakasakali. Kaso bago pa man ako makapagdoorbell ay bumakas na yung pinto at iniluwa nun si Messy Luhan, pota ang HOT.

"Anong ginagawa mo dito?" nakakaasar talaga tong usangot na to, ang sungit. "May sasabihin ako sayo." seryoso kong sabi. 

"Ano ba yon? pumasok ka kaya muna sa loob." puta, dito pa naghikab sa harap ko.

Pero hindi eh, diko na kayang tiisin. "No need, dagdag segundo pa, diko na talaga kayang tiisin eh, sasabog na to Luhan, sasabog na." 

"Ano ba naman yan, naiihi ka pala, bat dika pumasok-- aray!" sinapak ko kasi sya. panira ng moment e!

"Hindi yun ibig kong sabihin ! Luhan, hindi ko alam kung anong kalalabasan nito, kung anong magiging response mo, pero hindi ko na talaga kayang itago eh, sinubukan ko namang tanggalin eh, kaso pag nakikita kita bumabalik at bumabalik lang, mahal parin kita Luhan." pumikit na ako nung sinabi ko ang magic word. puta! gantong ganto din nung nagtapat ako sa kanya dati. ilang segunda pa ang lumipas pero wala akong naririnig na sagot nya, kaya unti unti ko syang tiningnan.

At hindi ko maexplain kung ano ang itsura nya ngayon, huminga sya ng malalim. 

"I'm sorry, hindi ko kaya, magkaibigan tayo aphrodite, nasira ang pagkakaibigan natin dahil sa pag amin mo dati, at ngayon sisirain mo ulit ang pag kakaayos natin dahil dyan sa pag amin mo. Aphro, i love you as best friend." Seryosong sabi nya sakin.

Bumabalik na naman ang naramdaman ko nung unang beses na ni reject nya ako, ay mali, mas masakit pala to. "It's hard to be just friend with someone you're madly in love with." alam kong may gusto pa syang sabihin kaso tinalikuran ko na sya.

Dali dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa at tinext ang mga kaibigan ko.

----------

"Ayyyyiiiieeee ! Congrats!" bati naming lahat sa kakabalikan lang na couple na si Saphire at Xiumin, kahit na hindi maganda yung akin, ay masaya na ako para sa isa sa mga kaibigan ko. Yun nga lang maririnig ko ang walang humpay na tawagan nila.

Inaasar asar lang ng mga mapangasar kong ka classmate yung dalawa. hindi na ako nakisali kasi ayokong tingnan si Luhan. Dalawang araw na pala ang lumipas simula ng mareject ako.

"Everything's gonna be okay aphro." napatingin ako sa nagsalitang si Cesline. "Hindi nga lang ngayon pero malay mo bukas o sa dadating pang bukas." dugtong pa ni Karen. 

EXO UNIVERSITY(WE ARE ONE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon