Kabanata 3: Ang Pagtataka

107 5 0
                                    

"Good evening, Mr. Daniel de Castro nice meeting you!" marepesto kung sabi sa kanya at nag beso.

"Good evening too, Ms. San Jose you look ravishing tonight. So, how is your family business?" sabi ng guwapong binata na kausap ko at ngumiti.

"It's fine as always," sabi ko pero nakakaumay talaga to paulit-ulit nalang halos sa 17 taong pagkabuhay ko dito sa mundo ganito nalang palagi.

Sa malayo nakikita ko si Terence na nakatitig sa akin na parang isang tigre ang kanyang mga mata. At sa paningin ko agad siyang pumunta sa amin at hinila ako kaya nagmadaling nagpaalam kay Mr. De Castro.

"Ano ba? Ba't bigla-bigla ka lang nanghihila? Kita na may kausap akong importanteng tao at alam mo namang may sugat ako. Hinawakan mo pa, alam mo ba masakit yun!?" Sigaw ko sa kanya dahil sa pagwalang galang niyang aksyon kanina.

Tinulak niya ako sa pader at inilapit niya ang kanyang mukha. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko at ang hininga niya.

"Di ka kasi nag-iingat," pagalit niyang sabi sa akin kaya itinulak ko siya.

"Oo alam ko! Pangalawang beses mo nang sinabi sa akin yan!" At tumingin ako sa ibang direksyon bigla nalang lumabas sa bibig ko at sinabing.

"Hindi kaba titigil sa pag-alala mo sa akin?" Tila naguluhan siya sa sinabi ko at tumingin ng diretso at sinabing,

"Hindi."

At nag walk out siya at nanatili akong nakatayo, tulalang tulala.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ako sa ilalim at umupo sa isang table. Lutang na lutang parin ang isip ko, di ko ninais na mangyari yun.

May tumakip sa akin at sumigaw, "Hoy! Okay ka lang ba Gaile?"

Nagulat ako at sumigaw ng, "Ay palaka!" Kaya tumingala ako para matanaw kung sino iyon yun pala si Laurence kala ko sino.

"Ba't nagulat ka?" tanong niya.

"Syempre! Sino bang hindi magugulat agad agad ka namang lumabas na parang isang kabuti!" sabi ko sa kanya.

"Ahhh sino ba ang iniisip mo?" matuksong sabi ni Laurence.

"Nakakaasar ka talaga?! Wala!" ma depensang sabi ko sa nakakinis na Laurence.

Kaya lumabas nalang ako at nagpunta sa pool wala kasing dagat kaya dito nalang. Kung naguguluhan ako ay palagi akong pumupunta sa dagat. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Kapag malapit ako sa dagat malinaw ang pag-iisip ko.

Sa pagdaan nang aking pagmumunimuni may biglang tumulak sa akin. Hindi ko nakita ang tumulak sa akin dahil nahinirapan na akong abutin ang aking hininga. Kahit gusto ko ang dagat hindi ako marunong lumangoy, yan ang kahinaan ko.

Ramdam na ramdam ko na pumapasok ang tubig sa ilong at sa bibig ko tila linulunod ako. Hindi ako makahinga, hindi ko alam kung sumisigaw ba ako ng tulong.

Ito naba ang katapusan ko? Mamamatay na ba ako? Hindi ko alam...

May biglang sumagip sa akin at hinawakan ako. Hindi ko alam kung sino man ang taong ito pero nagpapasalamat ako sa kanya. Dinala niya ako agad sa gilid ng pool may tumulak palayo sa taong sumagip sa akin at isinigawa ang CPR ng taong tumulak sa nag ligtas sa akin. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa akin at pumasok ang hangin paulit-ulit niya itong ginawa hanggan sa umubo ako.

Bigla akong niyakap ng taong lumigtas sa akin. Pagdilat ko nakita kung basang-basa si Nico, Rene, at Laurence na alalang alala. Si Nico pala ang nagkuha sa akin sa pool at si Terence ang gumawa ng CPR dahil siya ang nakayakap sa akin ngayon.

Inilayo niya ako sa kanya at nag tanong, "Okay ka lang ba? Diba sabi ko sayo na magingat ka! Dapat ba paulit-ulit kitang sabihan? Hindi sa lahat ng oras nandito ako Gaile!" galit niyang sabi sa akin na may pag-alala. Hindi ko alam king ano ang sasabihin, nag sorry nalang ako.

Pero di niya pinansin ang sinabi ko at kinarga ako papunta sa isang kwarto. Inihiga niya ako doon at iniwan akong mag-isa. Di ko namalayan na nakatulog ako dahil narin siguro sa pagod.

Nakita ko ang mga kaibigan ko linalamon ng isang ahas at nakita ko ang sarili ko naka higa lang umiiyak natinitingnan sila. May mga tao ring bumbaril sa ahas hindi ko alam king sino sila medyo malabo rin kasi. May humili sa akin inilagay ang panyo sa aking bibig at nakita ko ang kadiliman.

May tumatawag sa pangalan ko kaya idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko silang apat na nakatitig sa akin.

"Okay ka na ba? Parang nanaginip ka ng masama o nagugutom ka lang? Ito kainin mo ha?" sabi ni Rene na may pagalala. Lumapit si Laurence at sinabi niyang, "Magbihis ka muna baka magkasakit ka. Sige alis muna kami." pagkasabi ni Laurence ay umalis silang apat.

Nagbihis na ako at kinain ang pagkaing ibinigay ni Rene kanina. Hinabhaban ko na ang pagkain gutom narin kasi ako. Pagkatapos kung kumain ay nanood nalang ako ng anime na pinagamatang Death Note.

Nang nasa eksina na namatay si L ay bigla nalang akong umiyak ng malakas. Grabi namatay yung crush kong anime ang sakit. Hindi natapos ang pag eemote ko dahil biglang bumukas ang pinto.

"Hoy babae! Ba't ka ba naman umiiyak?" sabi ni Terrence sa akin at inirapan ko lang. Lumapit sa akin si Nico at umupo katabi ko.

"Ikaw naman Terrence nanghuhusga ka naman ng di tama," sabi ni Nico kay Terrence.

Lumapit rin si Laurence at umupo siya, "Kaya naman pala dahil namatay si L. Hahaha!" Haaay. Ang iingay nang mga taong to.

"Teka lang Gaile naalala mo ba kung sino ang tumulak sayo?" tanong ni Rene sa akin na parang isang imbestigador.

"Hindi ko nakita, patawad," sabi ko sa kanila at na dismaya naman sila. "Wag na nating pilitin si Gaile," sabi naman ni Nico sa kanila at tumango silang tatlo.

Tumayo si Terence at sinabing, "Tara ihatid natin si Gaile alas 12 na nang gabi."

Kinuha ni Laurence ang damit ko kanina na sout ko sa party na nabasa, kinuha naman ni Rene ang pinagkainan ko at inalalayan ako ni Nico. Si Terence naman ay ang nanguna patungong parking lot.

Nang nakaabot na kami sa parking lot ay natanaw na namin si Mang Ede na kumakaway. Binigyan lang namin siya ng isang matamis na ngiti at kumaway rin.

Sumakay na kami sa sasakyan at tinanung niya kami ng, "Mga bata kamusta ang pagdiriwang, masaya ba?" Tumango kaming lahat bilang sagot at nanaig ang katahimikan sa amin.

Bumaba na sila ni Terence, Laurence, at Rene kaya kami nalang ni Nico ang natira dito sa kotse. "Mag-ingat ka Gaile sa mundong ginagalawan mo," pahuli niyang pasabi.

BLACK ROYALTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon