Kabanata 9: Phantom Twins

45 4 0
                                    

Bumalik na ang ilaw sa lugar kung saan ginaganap ang kaarawan ni Gaile. Napansin nilang lahat na wala na si Gaile sa harap nila. Biglang nagpanik ang mga bisita sa nangyari.

"Gaile anak, nasaan ka?" pasigaw na pasigaw ng ama nito na si David San Jose makikita mo sa kanyang mga mata ang kalungkutan dahil nawawala ang kanyang anak pati na rin ang asawa nito na si Ionia San Jose.

"Pre nasaan si Nico bakit wala rin siya dito?" tanong naman ni Rene sa mga kasama kaya nagtaka na silang lahat.

"Hindi kaya?" tanong na rin ni Laurence sa mga kasama kitang kita rin sa mga kilos niya kinakabahan sa mangyayari.

"Hindi maaari! Hindi nila pwedeng kunin si Gaile pati na rin si Nico. Si Gaile ang may alam sa lahat ng sekreto na hindi natin alam!" pag-aalalang sabi naman ni Terence. Agad silang tumakbo papuntang parking lot at sumakay ng sasakyan binilisan ni Mang Ede ang pagmamaneho.

"Teka naalala niyo ba yung nilagay natin sa damit ni Gaile?" sabi naman sa kasama ni Rene na ngumingiti dahil sa nalamang ideya.

"Oo! Laurence ilabas mo yung laptop dali!" utos ni Terence sa mga kasama at tinanaw kung nasaan si Gaile. Nakita nila kung saan si Gaile nasa isang gusali sa gubat. Mas binilasan ni Mang Edie ang pagmamaneho dahil hindi nila alam ang mangyayari at baka rin mahuli sila.

Sa kabila naman ay nakikipaglaban pa rin si Gaile sa kalaban ng biglang bumukas ang pinto at dumating naman ang isang lalaki. Isang lalaking napaka-pamilyar sa kanyang paningin. Nakatingin lang ito sa kanya at hindi alam ni Gaile ang sasabihin, wala siyang mahugot ni isang salita sa kanyang bibig. Hindi niya alam ang sasabihin.

"I-ikaw?Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Gaile sa binata. Nagbabakasakali siyang baka mali ang akala niya.

"Ano sa tingin mo Gaile?" sabi ng binata sa kanya.

"Wala kang pakialam! Kahit kailan hindi ko kayo itunuring nakaibigan," sabi naman niya sa dalagang babae.

Kitang kita mo ang kanyang mga mata ay puno ng galit at kalungkutan. Kalungkutan na hindi niya inakala na pagtratrayduran siya ng isang matalik na kaibigan. Pakiramdam niya maguguho na ang kanyang mundo.

"Ganyan ka naba kahina Gaile? Ganun iiyak ka nalang sa harapan ko?

Akala ko ba isa kang reaper?

Ay oo nga pala isa kang mahina kaya nga hindi kita itinuring na kaibigan.

Ayoko sa mahihina katulad niyo!" sabi naman ng lalake kay Gaile.

Habang si Gaile naman ay hindi parin makapaniwala. Palagi niyang sinasabi sa sarili na may rason kung bakit ito ginawa ng binata dahil kilalang kilala niya ito.

"Ikaw ang mahina dahil hindi mo kayang makita na masaktan ang pamilya mo at hindi mo kayang harapin ang sarili mong problema!" galit na sabi ni Gaile sa binata.

Biglang umalis ang binata palabas ng kwarto kung saan nakakulong ang kawawang babae na si Gaile.

Habang naglalakad ang binata ay may nakasalubong siyang magara at puno ng awtoridad na matandang lalaki. Nagbigay respeto ang binata sa matanda sa pamamagitan ng pagyuko.

"Kamusta ang ipinapaggawa ko sa'yo?" tanong ng matandang lalake.

"Lord Sebastian, nakuha ko na ang nag-iisang anak ng San Jose nasa kwarto siya," sabi ng binata.

"Magaling! Alam kong magagawa mo ng matagumpay ang pinag-uutos ko sa'yo. Teka paano na pala ang iba pang miyembro ng Black Royalty?

"Sila na ang pupunta dito. Alam kong hahanapin nila si Gaile at pilit na ililigtas." sabi naman ng binata.

BLACK ROYALTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon