Kabanata 6: Cyrptic Czar

48 3 0
                                    

*WIWOOO!**WIWOOO!**WIWOOO!**WIWOOO!*

Nagulat nalang kami na nang mga ambulansya at bombero na nasa tapat nang bahay nila Laurence. Tinanaw ko siya at nakita ko sa kanyang mga mata ang pagguho ng kanyang mundo.

"Mom! Dad! Kuya Andrew!" pasigaw ni Laurence sa tapat nang bahay nila na linalamon ng apoy.

Biglang tumakbo si Laurence para iligtas ang mga mahal sa buhay pero napigilan ito nang mga bombero,"Sir, wag na po kayong magpilit na pumasok masyado pong dilikado matagal na yang linalamon ng apoy."

"Wag Laurence!" sinabi ko kanya pero hindi ito nakinig. Pumunta sa isang poso at binasa ang sarili tapos pumasok sa loob.

Bilang kaibigan sinunod rin namin ang ginawa niya dahil hindi namin matiis ang kalagayan niya.

"Laurence na saan ka?" tanong ko sakali namarinig niya ako.

"Bro nasaan ka?" tanon rin ni Nico.

Hinati namin ang grupo sa dalawa kami ni Nico at sila naman ni Terence at Rene.

"Tara Gaile dito tayo," suhistyon naman niya at sumunod na ako.

Ginamit namin ang natutunan sa training kung may apoy at kung paano magligtas sa nasusunog na bahay. Ramdam na ramdam ko ang init ng apoy at tila nagpipilit na pumasok ang mga usok sa katawan ko.

Kahit na umabot kami sa aming limitasyon ay ipapatuloy parin namin ang pag protekta sa bawat isa, ang pagkakaibigan namin ang nagsilbing tahanan. Panghahawakan namin ang desisyon na ito kung bakit kami lumalaban sa apoy. Hindi namin hahayaan na mapunta sa kamatayan ang mga mahal sa buhay ng aming kaibigan.

Malayo na ang narating namin ni Nico sa mansyon at wala sa aming mga sarili na umatras. Sama-sama kaming hahanapin ang mga taong iyon hanggang sa dulo.

"Wala namang mga tao dito," sabi ni Nico sa akin tumango ako bilang sagot.

Napag desisyunan namin na bumalik sa labas, dinaanan namin ang dinaanan kanina may kahoy na rin na nahuhulog at na bibiak na mga salamin. Nilapit ni Nico ang sarili niya sa akin para protektahan ako sa mga na huhulog na apoy galing sa taas.

Nakalabas na kami at nakita ko na dumapa si Laurence at umiiyak ng malakas dahil wala rin siyang makita na katawan sa loob, kami rin hindi napigilang damayan ang kaibigan.

"Sorry bro," pabulong na sabi ni Nico sa sarili pero narinig ko iyon. Bakit ba siya magso-sorry wala naman siyang kinalaman dito? O baka nag sorry lang sa tradhedyang nangyari.

"Sir Laurence ang iyong mga magulang, kapatid, kasambahay at guwardiya ay nasa hospital. Na ligtas namin sila pero ang iyong ama ay inataki sa puso," sabi ng isang rescue at umalis.

Nagmadali kaming pumunta sa pribadong hospital, si Laurence ang nagmamaneho. Pinatakbo niya ang sasakyan ng sobrang bilis halos lumipad na kami.

"Hey Laurence gusto mo ba pati kami ma hospital?" sarkastikong tanong ni Rene. Hindi siya lumingo at pinahinaan ang pagmamaneho.

5 minuto lang ang biyahe namin. Agad kaming pumasok sa hospital at nagtanong sa isang nurse. Tumakbo kami papuntang emergency room kung saan naka confine si tito.

Pagdating nakita namin si Kuya Andrew nakatayo ito at may mga sugat sa katawan. Nabigla nalang kami at sinugod ni Kuya Andrew si Laurence at kwenilyuhan.

"Ano ba Andrew hindi naman kasalanan ni Laurence na masunog ang bahay," sabi naman ni Nico kay kuya.

Tumingin lang si kuya ng masama kay Nico at ibinaling ulit ang masamang tingin sa kapatid.

BLACK ROYALTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon