This is a work of fiction,Names,Characters,Businesses,Places,Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME
~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤
"Sa ayaw at sa gusto mo akane lilipat na tayo sa bahay ni aunt rosa mo hindi ko na kayang nakikita kang halos araw-araw may pasa diyan sa mukha mo dahil sa pakikipag away mo!!"
Ayan na naman si papa hindi na siya nasanay.
"Papa pinag bigyan ko lang naman sila,gusto nila ng away ayun binigay ko napuruhan nga lang hehehe"sinabi ko sabay kagat sa mansanas na hawak ko.Hehehe sarap talaga nito
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo!makikipag away ka wala ka namang kaya!tignan mo nga yang mukha mo ang dami na namang pasa!"sabi ni papa habang may usok na lumalabas sa ilong at tenga nya,hehehe syempre joke lang yun
Here we go again
"Marami lang sila papu!akalain mo ba naman na mag tawag ng isang batalyon na clown yung missy na yun hahaha di naman halatang takot siya no papu?"lambing ko kay papu sabay yakap ganyan ang tawag ko sa kanya pag nanlalambing.
"Bahala ka dyan basta sa linggo lilipat na tayo ng kapatid mo kila aunt rosa at doon na rin kayo mag-aaral"sabi ni papa tapos hinalikan ako sa noo
Kunyari pa itong si papa di rin naman nya ako matiis
"Aba!!teka papu bukas na yun diba?"tanong ko sa kanya
"Hindi"sagot nya.Ha hindi ba bukas?ano bang araw ngayon?ang alam ko eh sabado
"Obvious naman anak,ano bang araw ngayon?"pamewang na tanong ni papa
"Sabado?"nag tatakang tanong ko
"Hala sige umakyat kana sa kwarto mo at mag impake maaga pa ang alis natin bukas"sabi ni papa habang tinataboy ako
"Ah sige papu akyat na ako ah?"paalam ko sa kanya at kiniss sya sa pisnge
"Sige ate try mong bumaba"Sabi ng kapatid kong si nathan
Sapaw na naman tong bibwit na ito
"Try mo baka sakaling may mababaan ka"wala kong ganang sabi
Hello!nasa first floor kaya kami
"No thanks"sabi nya at nag basa ulit
Huh bahala ka dyan!!
Umakyat na lang ako at pumunta sa kwarto sabay talon sa kama ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
At iyon ang huling araw na naramdaman kong normal ako.......
..................
"Mama bakit niyo po ako iiwan?"tanong ko kay mama habang umiiyak
"Para sayo din ito anak sandali lang doon si mama babalik din ako"sagot ni mama at pinunasan ang luha ko
"Diba po mama mahal nyo po ako?Dito na lang po kayo"sabi ko sabay yakap kay mama
"Babalik ako anak pangako babalikan ko kayo ni nathan"sabi ni mama at inaalis na nya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya
"Mama!!mama!!"sigaw ko ng paalis na sya.
......................
"Gising na,malapit na tayo!!"
"Mama?"sabi ko pag mulat ng mga mata pero na bigo ako dahil hindi si mama ang kaharap ko.
Napanaginipan ko na naman ang pag iwan samin ni mama nung bata pa ako.
"Duh im not your mom"walang ganang sagot ng mabait kong kapatid
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin siya kinalimutan?"tanong ni papa habang nagmamaneho
"Nanay ko siya"tipid kong sagot
"Pitong taon ka lang ng iwan ka niya akane at isipin mo nga nineteen kana niminsan ba nagparamdam siya simula nung iwan niya tayo?"halatang pinipigilan ni papa yung galit nya
Hindi ako nakasagot agad sa tanong niyang yun,bakit nga ba?bakit nga ba hindi na siya nagparamdam simula ng araw na yun?bakit hindi man lang namin alam kung ano yung totoong dahilan bakit niya kami iniwan?bakit di na siya bumalik?Ang daming bakit na tumatakbo sa isip ko,masasagot kaya lahat ng bakit na yun?
"Nangako siyang babalik siya"bulong ko pero narinig naman siguro ni papa kasi lumingon siya sakin at hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko
"Hahaha walang kwentang pangakong napako"sarkastikong sabi ni papa
At sa oras na yun natahimik kami sa loob ng sasakyan wala man lang nangahas sa amin na basagin ang katahimikan hanggang sa nakarating kami sa bahay nila aunt rosa lutang pa rin ang utak ko dahil sa nangyari kanina kahit si nathan hindi na rin nangulit pa at pumunta na sa kwarto niya dito sa bahay nila aunt rosa at ako dumiretso rin sa isa pang kwarto kung saan ako natutulog tuwing nandirito kami sa bahay nila aunt rosa
Hindi ko rin naman masisisi si papa dahil simula ng iwan kami ni mama hindi na siya nagparamdam kahit man lang kay papa at wala na kaming makuhang balita sa kanya sinubukan ni papa noong puntahan yung pamilya nila mama para makibalita pero pinag sasarhan lang siya ng pinto.
Masakit na makita si papa noon na gabi-gabi umiinom siya ng alak at walang bukambibig kundi si mama at saksi ako lagi sa pag-iyak ni papa kaya ngayon siguro nasasaktan siya sa tuwing naalala niya si mama.
Bago naman niya kami iwan masaya naman lahat eh nasa ayos ang lahat naalala ko nga noon walang araw na hindi bumabanat yung mga yan yung tipong araw-araw kong naririnig
"Mas maganda kapa sa umaga,mahal ko"
"Ikaw lamang ang nilalaman ng puso ko"Tapos pag nag seselos itong si mama o si papa yakap naman agad katapat tapos mawawala na.
Hahaha sweet no?dati naiinis na ako dahil ang corny nila pero bakit ngayon gusto ko ulit marinig yung mga yun?
At ng araw na iyon hindi ako lumabas sa kwarto at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako buong araw siguro dahil na rin sa mahabang byahe...
----------------------------------
Bible verse:⬇
I can do ALL things through CHRIST who strengthens me.
Philippians 4:13
BINABASA MO ANG
Antiquorum Academy
FantasyAng Antiquorum Academy ay isang school na pinapagana ng isip at imahinasyon,hindi mo ito makikita kung wala kang kapangyarihan o ang tinatawag nilang "exousia" Kayanin mo kayang paganahin ang iyong imahinasyon kung ang kapalit nito ay iyong buhay? S...