"Oo kilala ko nga siya pero diko hahayaang makalapit ulit kayo sa kanya "Matapang na sagot ko at sinalubong ang mga matatalim na tingin nila.
"Iniisip mo bang sasaktan namin siya?"Sambit ni trevor
"Tara na Clint,Mukhang wala tayong mahihita riyan baka nag sumbong na ang babaeng iyon at mahabutan tayo ni chris"Sagot ng isa pang boses at tumingin sa kanya ang lalaki na nagsabing miyembro ng beta blood si samantha.
"Paki sabi na lang kay samantha na mag ingat siya lagi"Sambit ni Clint at isa-isa na silang naglakad papalayo
Biglang nag taasan ang balahibo ko sa sinabi niyang yun.
Sila ang mag ingat.
"Akane!Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?ahh?"Nagulat ako ng tumatakbo si akane sa direksyon ko at mayroong kasamang mga lalaki.
"Ano??sinaktan ka ba nila!!?"sigaw ulit ni samantha
"Ano ba?bakit mo ako sinisigawan?"naiinis kong sagot rito
"Hindi mo ba alam kung gaano kapanganib para sayo ang ginawa mo,miss?"
Kalmadong tanong ng isang lalaki habang papunta sa akin.
"Pasalamat ka at hindi ka nila sinaktan akane.Hahaha sabagay wala silang karapatang saktan ang anak ng--------"
Pag tutuloy ng lalaki sa sinasabi niya pero naputol ito ng sumigaw si samantha.
"Chris!"Sigaw ni samantha at tumingin ng masama sa lalaki na nasa harapan ko ngayon.
Chris?Siya?Siya ang pinuno ng beta blood?
"Bagong salta ka pa lang rito pero kung umasta ka akala mo may laban kana"Sambit ulit ni Chris na ikinainis ko.
"Minamaliit mo ba ang kakayahan ko?"Sambit ko rito ng may diin sa bawat binitawan kong salita.
"Hahaha mag ina nga kayo"
Ano bang sinasabi ng lalaking to?Iniinis niya ba ako!!!?
"Nasisirahan kana ba ng ulo!?Anong kinalaman ni mama at pati siya nasama!?Hindi mo alam ang nakaraan ko Chris!!!"Sigaw ko at tuluyan ng nag ngitngit ang mga ngipin ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Namalayan ko na lang ng itaas ko ang mga kamay ko nabunot ang malalaking puno na malapit sa akin at pinabulusok ko ang mga ito papunta kay Chris pero hindi ko inaasahan na nasa likod pala nito si samantha at ang iba pa nilang kasama.
Ginamit lang ni Chris ang kanyang mga kamay at hinawi ang mga puno na papunta sa direksyon niya at nakita kong may pabulusok na puno sa direksyon ni samantha kaya tumakbo ako papunta sa kanya pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.Sinipa ni samantha ang puno at nagkadurog durog ito.
Narinig kong may pumalakpak kaya hinanap ko kung sino iyon at nakita ko si chris na nakatingin sa akin.
"Maaring lumalabas na ang exousia mo pero hindi ka nakasisiguro na kaya mo itong gamitin ng buo sa oras na ikaw na ang nangangailangan dahil nag uumpisa ka pa lang"Sabi nito.
"Napabilib mo ako doon miss"Sambit nito at nag lakad na papalayo.
"Tara na akane,sabay ka na samin mag dinner"Nakangiti nitong sambit at umakbay sakin.
"Nginingiti mo diyan?"naiirita kong tanong at inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Hindi ko inaasahan ang nangyari kanina ah,ganoon talaga si Chris wag mo na lang pansinin pero nakakabilib ka nga"sabi nito at nauna na sa pag lalakad.
Ewan ko ba bakit sa tuwing mag lalabas ako ng kapangyarihan hindi na ako nagtataka kung paano o saan lumalabas yun.
Dumaan kami sa ibang daan at sabay sabay na pumunta sa isang malaking bahay at pagpasok namin doon sumalubong ang maliwanag na ilaw sa loob na malayong malayo sa madilim na langit sa labas.
Isa isa na kaming pumasok sa loob at umupo ako sa supa.
Ang iba ay nahiga at parang napagod sa mga nangyari kanina.
Ganon ba kalala ang ginawa ko kanina at ganyan sila kapagod?o may ginawa sila bago pumunta sakin?
Ang ibang lalaki naman ay pumunta sa kusina para mag luto at si samantha ay dumiretso sa parang silid at nakita kong nahiga siya sa kama roon.Tiningnan kong mabuti ang mga kasama ko ngayon may labing isang lalaki at dalawa lang kaming babae ni samantha kung gayon nung wala pa ako mag isang babae lang si samantha sa grupong ito?kaya pala kung umasta siya parang lalaki dahil sa tapang niya.
Ganoon ba sila kaclose sa isa't-isa?at pinagkatiwalaan ni samantha ang mga lalaking to?
Hindi ba siya natatakot na baka anong gawin sa kanya lalo na at mag isa lang siyang babae dati dito?
Dun kasi sa mundo ko maglalakad ka lang ng mag isa sa gabi babastusin ka na ng mga lalaki.
Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan ni samantha.
Isa lang ang kama rito halatang sa kanya lang nakalaan,umupo ako sa sahig sa tabi ng kama niya at tinitigan siya.
Kung wala kaya itong babaeng 'to,ano kayang nangyayari sakin ngayon?buhay pa kaya ako?
Hindi ko ma imagine ang sarili ko sa lugar na 'to kung wala siya sa tabi ko.
Sandali pa lang kaming nag kasama pero parang magkapatid na ang turingan namin,parang matagal na naming kilala ang isa't-isa.
Habang tumatagal nagiging importante sakin ang babaeng 'to.
Nag sisinungaling ako kung sasabihin kong kaya kong mabuhay sa lugar na 'to ng wala siya.
Pinikit ko ang mga mata ko at hiyaan kong maka idlip ako sa posisyon kong iyon.
------------------------
(A/N:Paki basa po ang author's note sa next chap.Salamat)
PRAYER is the best wireless connection to GOD.
BINABASA MO ANG
Antiquorum Academy
FantasyAng Antiquorum Academy ay isang school na pinapagana ng isip at imahinasyon,hindi mo ito makikita kung wala kang kapangyarihan o ang tinatawag nilang "exousia" Kayanin mo kayang paganahin ang iyong imahinasyon kung ang kapalit nito ay iyong buhay? S...