Chapter 6-Sorry

22 4 1
                                    

Nagising akong nandito sa clinic ng school at masakit pa rin ang aking katawan at para itong sinusunog pero hindi na katulad kanina.

Nakahiga ako ng marinig kong may pumasok sa pinto nitong clinic pero hindi na ako nag habalang tingnan kung sino iyon.

"Akane,ayos ka na ba?"Narinig kong sambit ng isang tinig pero hindi ko ito hinarap at patuloy lang na tumalikod dito.

"Patawarin mo sana ako sa aking nagawa,akane"sambit ng tao sa likuran ko.

Hindi ko ito pinansin at patuloy lang na nakatalikod.

"Patawarin mo ako kung nagawa kong sambitin sayo kanina ang tungkol sa nanay mo,hindi ko rin naman gusto yun akane pero wala akong magawa dahil ayun lang ang tanging dahilan para malaman ang exousia mo"paliwanag nito at nung oras na haharap na sana ako sa kanya ay bigla ulit itong nag salita "At sila rin naman ang may plano nito,ginawa ko lang ang pinagagawa niya akane,napag utusan lang din ako" Bulong nito pero sapat na upang marinig ko.

Sa narinig kong iyon ay bigla akong napa balikwas kahit masakit ang aking katawan ay hindi ko na pinansin dahil may gusto akong malaman.

"Sinong nag utos sayo samantha?"tanong ko dito.

Halata naman sa mukha nito na nagulat siya.Hindi niya ba inaasahan na gising ako?

"Sinong nag utos sayo na pati ang nakaraan ko ay kailangan halungkatin niyo para lang malaman ang exousia ko?"naiinis na tanong ko dito pero parang ayaw niya itong sagutin kaya tumayo ako.

"Saan ka pupunta akane?"takang tanong nito.

"Ayaw mong sabihin sakin kung sinong nag utos sayo kaya ako na lang mismo ang kukuha ng mga impormasyon"papunta na sana ako sa pintuan para lumabas ng bigla itong mag salita "Umupo ka muna bago ko sabihin sayo" Utos nito kaya bumalik ako sa pwesto ko kanina at umupo roon.

Kailangan tinatakot pa ang babaeng ito bago mag salita eh.

"Ang mga nasa itaas,sila ang nag utos sakin na gawin iyon nung una nalilito ako kung bakit kailangan kong gawin iyon,okay lang naman sakin na ako ang gumawa naiintindihan ko naman yun dahil ako lang naman ang lagi mong kasama simula ng dumating ka dito ang hindi ko lang maintindihan ng sabihin nila sakin ang nakaraan mo at kailangan kong gamitin ito laban sayo upang mailabas ang exousia mo at sa pagkakataong iyon napaisip ako na bakit pati iyon ay kailangan kong sabihin?gaano ba kaimportante sa kanila na malaman ang exousia mo?"Paliwanag nito at sa pag kakataong iyon ay nalito ako parang na windang ang utak ko.

"Bakit gusto nilang malaman ang exousia'ng hawak ko?ano bang balak nila?bakit pati nakaraan ko ay sinasali nila?ano bang gusto nila?"naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko rin alam kung bakit ganon na lang ang kagustuhan nilang malaman ang exousia mo at pinagawa sa akin ang ganitong ka personal na bagay ng hindi man lang inisip kung ano ang mararamdaman mo."lito rin nitong sabi na parang nag iisip at pinaniningkitan pa ang mga mata.

"At ikaw sinunod mo lang ang mga gusto nila?"tanong ko na may halong pag kainis.

"Natakot ako akane,sinabi nilang papatayin nila ako pag hindi ko ginawa ito"bulong niya.

"Liar" Papatayin siya?ganon ba sila ka desperado na malaman ang exousia ko?pati kahit buhay ng tao idadamay makuha lang ang gusto nila?

Bakit?Ano bang meron sakin?Bakit gustong gusto nilang malaman ang exousia ko?

Is it that special?

"May babalikan pa ako sa labas may nag hihintay pa sakin akane,nangako ako sa kanila na babalik ako hindi pwede na dito mag tapos ang buhay ko,alam kong naiintindihan mo ako ang mga babalikan ko alam mo rin ang pakiramdam ng mag hintay mula dun sa taong nangako sayo na babalik"Sabi nito ng naka tingin ng diretso sa mga mata ko.

"Twelve years ago,nangako siya sakin na babalik siya.In that fu*king twelve years umasa ako na babalikan niya pa ako,umasa kami na babalik siya pero pagkatapos ng araw na yun wala na kaming naging balita sa kanya,hindi na siya nagparamdam!!hindi niya man lang inisip kung ano ang mararamdaman ng mga iniwanan niya kung masaya ba?pero hindi eh kasi masakit!sobrang sakit!!umasa lang pala kami sa wala!umasa kami dun sa pangako niya na hindi ko alam na mapapako lang pala!!at sa bandang huli namalayan ko na ako na lang pala ang humahawak sa mga binitawan niyang yun!"napapasigaw na ako buti na lang at kami lang dalawa ang tao dito sa loob ng clinic,naluha na rin ako sa sakit na dulot ng nakaraan,hindi ko alam na sa simpleng salita lang na "pangako" ay ikukulong at aasa ako dun sa loob ng labindalawang taon.

"Shh calm down akane,siguradong may dahilan siya bakit niya ginawa iyon at alam ko na tutuparin niya ang mga pangako niya"lumapit ito sakin at niyakap ako at hinaplos ang mga buhok ko.

"Hindi na sana siya nangako pa kung hindi niya din naman pala tutuparin"ayan ang mga huling kataga na binitawan ko at nahiga na.

Pagod na ako,pagod na ako sa nakaraan na hanggang ngayon kinakain pa rin ako.

"Mag pahinga ka lang akane,mamaya babalikan kita"sabi nito at tumayo.

At nang bubuksan na niya ang pinto ay mayroon siyang mga katagang binitawan na hindi ko masyadong naintindihan pero ang tanging alam ko lang kasinungalingan lang ang lahat ng iyon.

"Maiintindihan mo rin ang lahat akane,magkikita rin kayo hindi man ngayon pero naniniwala ako malapit na.Mag hintay ka lang"

(A/N:Galit pa kaya si akane kay samantha?hahaha hirap din ng sitwasyon nitong dalawa eh.
Wag po sanang maging silent reader ang iba..yun lang labyu hehehe)

Bible verse:

Be still and know that i am God.

Psalm 46:10

Antiquorum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon