Maaga akong na gising dahil ngayon na ang unang araw ng pasok ko at sabi ni aunt saktong eight daw dapat nandoon na ako at ayaw ko namang ma late sa unang araw ko sa paaralang iyon kaya six pa lang gising na ako.
Nag balot na rin pala ako ng mga damit ko dahil sabi ni aunt rosa dun daw sa paaralang papasukan ko ay bawal lumabas pero na lang kung bakasyon pwede namang umuwi sa kanya-kanyang pamilya,akala ko nga kanina forever na ako dun at hindi na lalabas pero na isip ko na wala pa lang forever hahaha.
Hep hepp......
Hindi pa ako nagpapakilala sa inyo dapat sa prologue yun eh pero dito na lang hehehe masyadong lutang ang isip natin sa prologue.
Ako si Akane Andrada
19 years old
Maganda,maputi at sexy hahaha may problema ka?7:30 na at kasama ko na dito sa sasakyan si nathan at papa na nag mamaneho at sumama rin si tita upang ituro samin ang school ko at ni nathan.
Hindi kami magkasama sa iisang school ni nathan dahil ayaw nya daw manatili sa loob ng school at gusto nya raw ay umuuwi sya.
Nakatingin ako sa labas ng bintana at napansin na parang gubat na ang tinatahak namin dahil marami ng puno na matataas.
"Ate rosa sigurado ka bang ito ang daan patungo sa papasukan ni akane?"narinig kong tanong ni papa at waring pinagmamasdan ang paligid.
"Wala pang signal"narinig kong bulong ni nathan.
Narinig ko naman,tsk....
"Oo paul dito ako nag-aral noon kaya kabisadong-kabisado ko ang daan na ito"sagot ni aunt sa tanong ni papa kanina.
"Pag-uwi nyan ni ate may boyfriend na yan"natatawang sambit ng bibwit ang sarap patayin.Joke HAHAHA...
"Sabi nga sakin ng kaibigan mong si waynne may nililigawan kana hahaha"pang-aasar ko.anong akala nya papatalo ako sa kanya?
As if naman may kaya sakin yan.At dahil malakas nga ako kiniliti ko sya kala nya ah!!
"Hanggang dito na lang tayo paul hindi na tayo pwedeng dumiretso sa daan na yan"narinig kong sabi ni aunt at nakuha nun ang atensyon ko kaya tumigil na ako sa pakikipag harutan sa kapatid ko.
"Oh mag handa kana akane anak"sabi ni papa at lumabas na upang ibaba ang mga gamit ko.
Bumaba na ako sa sasakyan pati na rin sina aunt at nathan,tinatanaw ko ang daan sa unahan namin pero wala akong matanaw na school at parang gubat lang ang nasa harapan namin.
"Ahh aunt saan na po yung school ko?"nagtatakang tanong ko dahil wala talaga akong makita na kahit anong school dito
"Kailangan mo pang lakarin yan akane"turo nya sa magubat na daan.
Seryoso ba si aunt?eh puro puno dyan masukal pa swerte ko na lang kung walang manlapa na hayop sakin dyan.
"Seryoso ka po?lalakarin ko yang gubat na yan?"turo ko din sa malagubat na daan at tumango lang si tita.
"Anak mag-iingat ka dyan ah?matagal pa bago mo kami makasama di bale meron namang cellphone tumawag kana lang samin kung may problema man ah?"sabi ni papu at yumakap sakin.
"Ah hindi pwedeng mag dala ng cellphone dyan anak"protesta ni aunt rosa.
"Umalis kana ate!baka mahuli ka pa sa klase mo!"
Haba!ipag tabuyan ba naman daw ako ng kapatid ko...
"Oh ito na aalis na hindi muna kita papatulan ngayon dahil di rin tayo magkakasama ng ilang months"
Nakangiti ako ng sabihin ko yan ah?walang biro kahit makulit yan mamimiss ko rin naman sya.
Lumapit ako sa kanya upang yumakap at nagulat ako dahil niyakap nya rin ako hahaha.
"Akane dalian mo baka mahuli ka sa klase mo"sabi ni aunt at lumapit sakin upang yakapin ako at nagulat ako ng may ibulong sya sakin "Hinihintay kana nila roon" at hindi ko alam bakit biglang nag taasan ang mga balahibo ko.
"Ah aunt bakit po?"nag tataka kong tanong pero hindi na sya nakasagot dahil tinawag na ako ni papu at nagkiss na lang ako sa pisngi nya at tinungo ko na ang gubat na daan at umalis na rin sila upang ihatid si nathan sa kanyang papasukan...
-------------------------------------
Bible verse:⬇
My Gup Overflows with your Blessings.
Psalms 23:5
BINABASA MO ANG
Antiquorum Academy
FantasyAng Antiquorum Academy ay isang school na pinapagana ng isip at imahinasyon,hindi mo ito makikita kung wala kang kapangyarihan o ang tinatawag nilang "exousia" Kayanin mo kayang paganahin ang iyong imahinasyon kung ang kapalit nito ay iyong buhay? S...