Chapter 5-Akane's Exousia

26 3 7
                                    

Habang papalapit sakin si samantha hindi ko maiwasang tumapak paatras,hindi ko alam pero meron sa isip ko na nagsasabi na kailangan kong lumayo sa kanya.

"Natatakot ka ba akane?Ayaw mo bang malaman ang exousia mo?kasi ako kating-kati nang malaman kung anong kaya mong gawin" Parang naiirita nitong saad.

"Hindi mo ba alam litong-lito na ako sa mga pinag sasabi niyo?Hindi ko alam kung ano ba ang na singot nyo para sabihin ang mga yan,hindi na ako sigurado dito sa napasok ko hindi ko alam kung bagay ba ako dito pero ang nasisiguro ko iba ako sa inyo at hinding-hindi ako magiging isa sa inyo" Hindi ko alam na napalakas ang pag sigaw ko kaya napatingin ang lahat ng tao sakin dito sa loob ng field ng may pagtataka pero wala akong paki-alam sa kanila bahala silang tumingin diyan hanggang sa lumuha ang mga mata nila!!

"Shhh,low your voice miss"tawa nito na may pagka sarkastiko "Maririnig ka ng mga praeceptor(Teacher)"Dugtong nito at tumingin sa pinasukan na kwarto nung tatlong nag sasalita kanina sa harap.

Hindi ko pinansin iyon at inilabas ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Ito pa ang ipinagtataka ko,isipin mo noh paano ako nakapunta dito eh ginawa ko lang naman ang ipinagagawa mo at pag mulat ko nandito na ako sa loob ng paaralan niyo na hindi ko alam kung paaralan nga ba"Sabi ko pero mas mahina na kaysa kanina.

"That's what you call exousia" sabi nito.

"Ready ka na ba?"tanong nito.

Hindi ko naman sinagot iyon dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito.

Bumulong ito pero hindi ko narinig "Patawad akane".

"Miss,anong mararamdaman mo pag iniwan ka ng taong pinakamamahal mo?"

Ano bang pinag sasabi niya?

Nakita ko ang mga tao sa paligid namin na nakikinig at nanonood sa anumang ginagawa namin.

"Tapos wala man lang siyang dahilan kung bakit siya umalis?at bigla na lang nag laho at hindi na nagparamdam?"dugtong nito.

Anong bang gusto niyang iparating?

"Kung sakin kaya nangyari yun,ano kayang magagawa ko?ano kayang mararamdaman ko?masakit ba akane?"tanong muli nito at kumunot ang mga noo.

Sa pagkakataong ito parang alam ko na ang gusto niyang mangyari.Ginagamit niya ba ang nakaraan ko upang makuha ang gusto niya??

"Ano akane?masakit ba!!?"sigaw nito.

Tama nga ako sa akala ko.Ang sama niya!!

Paano niya nalaman ang mga iyon?paano niya nalaman ang nakaraan ko?

"Ano kayang naramdaman noon ng isang mala anghel na bata ng iwan siya ng NANAY nya??"lumapit ito sakin at hinaplos ang mga buhok ko.

"Tama na"naiiyak kong saad at napayuko ako.

"Umiiyak ka ba?"hinawakan niya ang baba ko at ipinatingala sa kanya "Hahaha tingnan mo nga naman.Ang walang kinatatakutang babae umiiyak ngayon sa harapan ko"tumatawa nitong saad.

"Tama na sabi eh!!"sigaw ko sa kanya at hinawi ng malakas ang kamay niya.

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin sya bumabalik akane?at hanggang ngayon ba umaasa ka pa rin na tutuparin niya ang pangako niya"nag smirk ito at biglang tumawa"Hahaha itigil muna ang pag iilusyon mo akane!HINDI NA BABALIK YUN!umaasa ka lang sa wala!"

Dahil sa sinabi niyang iyon nag dilim ang paningin ko at pakiramdam ko pumunta ang lahat ng dugo ko sa ulo at hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari naramdaman ko na lang ang mga naramdaman ko noon,ang init ng buong katawan ko parang sinusunog,ang sakit!!

Namalayan ko na lang na bumubuo na ako ng malaking hangin at pinaikot ito,hindi man lang na sira ang sahig nitong field dahil sa ginagawa ko at ang nagsisilbing bubong na gawa sa mga bato.

Nag takbuhan ang lahat sa gilid pwera lang ang nag iisang tao sa harapan ko.Nagsigawan ang iba natatakot na baka pati sila madamay.

Naiinis ako dahil pinaalala nya ulit sakin ang mga yun kaya bumuo pa ako ng maraming hangin hindi ko pinansin ang sakit na bunga nito sa aking katawan dahil sa ginagawa ko.

Nakita ko si samantha na naka ngiti,nakuha nito ang gusto niya,nakita niya ang gusto niyang makita sa MALING PARAAN.

Handa na akong pakawalan ang ipu-ipong binuo ko ng may marinig akong sumigaw.

"Stop,miss akane!!"sigaw ng babae na nag sasalita kanina sa harap.

Dahil sa sigaw niyang yun at sa sakit na kumakain sa buong katawan ko,namalayan ko na lang na nilalabanan ko na ang sariling kapangyarihan ko.Bumubulusok sa direksyon ko ang ipu-ipong ginawa ko hindi ko maibaba ang mga kamay ko dahil alam kong sa oras na ibaba ko ito alam kong katapusan ko na.

Anong nangyayari?bakit sa direksyon ko papunta ang kapangyarihan ko?

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko muntik na akong matumba kaya napahawak ako sa mga tuhod ko at hindi ako makagalaw ng marealize na mali ang ginawa ko at pag tingin ko sa harapan ilang metro na lang at handa na akong lamunin ng sarili kong kapangyarihan.

Narinig kong nagsisigawan ang lahat ng tao dito sa loob ng field at narinig ko ng sambitin ni samantha ang pangalan ko ng may halong pag-aalala.

Bakit siya nag-aalala?diba dapat masaya siya dahil nakuha nya ang gusto niya?

Nagulat ako ng biglang nahati sa gitna ang ipu-ipo sa harapan ko at nawala at bigla ko na lang nakita sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki at nakatalikod ito sakin.

Sa pangyayaring yun bigla na lang lumabo ang paningin ko at natumba at hindi ko na alam ang mga susunod pang nangyari.

Sa pangyayaring ito alam ko na isa ako sa kanila kinain ko lang ang mga sinabi ko sa kanya kanina,napatunayan kong hindi ako naiiba sa kanila at katulad lang nila akong may exousia.

(A/N:Inhale...exhale.huminga kayo ah?HAHAHA.Ngayon alam na natin ang isa sa mga exousia ng ating bida.Ano pa kaya ang kayang gawin ni akane andrada?sana walang maging silent reader sa inyo hehehe.)

FAITH is trusting God even when you don't understand His plan.

Antiquorum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon