"Nerisa bumangon kana dyan bilisan mo"tarantang sabi ni cy.
Kaya bumangon naman ako kaaagad.
"Bakit anong meron?"natataranta ko ding sagot.
"May mga bisitang dumating bilisan mo na"sabi ni cy.
Kala ko naman may kaguluhan ng nangyayari kaya nya ko pinapabilis.Nahiga ulit ako dahil antok pa din ako.
"Hay nako bumangon kana dyan kelangan ka din sa baba"
"Bat naman nila ko kakailanganin?"
"Ahh basta pinapatawag ka nila"
Inayusan na ako ni cy at sumunod na ako dahil di ko naman alam kung saan ako pupunta.
Pagka baba ko ay may nakita akong isang babaeng napakaganda. Kausap ng papa ni samuel ang babae.
Nagsimula ng mag salita ang babae para mag salita.Pinatahimik ang lahat para makapagsalita ito.
"Nadito ako para mag announce na magbubukas kami ng pinaka kauna unahang paaralan dito sa sacorbia. Bukas sa lahat ng mga royal blood ang paaralan. Mamimili kami ng mga magiging student na karapatdapat sa school of light .
Nagsimula na nga niyang kilatisin ang mga nadito. Habang nanginglatis sya ay pansin ko na nagiba ang kulay ng mata nya para bang ibang pagkilatis ang ginagawa nya, hindi lang basta tingin sya. Napatigil sya ng tingin saakin.
"Ikaw ang pinaka kauna unahang kong napili na pumasok sa paaralan" sabay turo sakin.
"A...ako po?"tanong ko.
"Oo ikaw nga"at lahat ay nakatingin saakin.
Akala ko kakaunti lang ang tao dito."B...Bakit po ako?" Tanong ko bigla
"Dahil ikaw ang sa tingin ko dapat na isa sa makapasok sa light creature."
"Pero hindi po ako royal blood??"
"At tsaka ano ba yung mga naririnig ko na isa ka "daw" diwata? Niloloko nyo ata ako??"
"Una sa lahat isa kang royal blood at oo diwata ako"pagpapaliwanag nito.
"Hindi ba gusto mo masagot ang mga katanungan na paulit ulit sa iyong utak? Alam ko ang iyong iniisip kaya't hindi mo ito maitatago sa akin"
Paano nya naman nalaman ang iniisip ko? Madami nanaman akong gustong itanong kayat...
"Sige po pumapayag ako,hindi dahil gusto ko kundi para masagot ang aking mga katanungan"
Pagkatapos ng usapan namin ay namili pa siya ng iba, sampu kaming babae at sampung lalaki.
Pagkatapos ng announcement ay nagsilabasan na ang lahat sa hall.
Pagkalabas ko ay nakita ko si samuel kayat naisipan ko na tawagin ito, agad itong lumingon hindi ko pa man siya tinatawag.
"Congrats nga pala" ani nito.
"Congrats den??"bati ko den sa kanya.
Sabay na kami pumunta sa dining hall dahil hindi pa kami nag aalmusal.
YOU ARE READING
Light Creature
FantasyNerisa woke up in the world the she don't even know and also she don't have any memory On her past. She don't even know what would gonna happen on her because she don't have a memory on her. Can Nerisa answer all her question on her head if she cont...