CHAPTER ONE

68 9 0
                                    

First Day

CHAPTER ONE

Nagising ako sa isang kwartong hindi ko alam kung kanino.Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nandito at kung paano ako napunta dito nang maalala kong nawalan nga pala ako ng malay at may mga papalapit sa akin at... Hindi kaya kinidnap nila ako?!

Biglang may pumasok sa pinto na hindi man lamang kumatok. Pabigla-bigla na lamang siyang papasok sa kwartong kinaroroonan ko.

Napaurong ako sa kinatatayuan dahil baka may balak itong masama sa akin. Kung titignan ay may hitsura siya at mukhang mabait kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.

"Gising kana pala?" patanong nitong sabi sa akin habang naglalakad papalapit sa kamang kinahihigaan ko.

Hindi ako nakasagot at naagaw ang atensyon naming dalawa nang magbukas ang pinto at iluwa noon ang isang babae.

"Prince Samuel, pinapatawag na po kayo ng mahal na hari sa hall," anito.

Saglit pa munang sumulyap sa akin itong lalaking tinawag niyang Samuel bago sumagot. "Sige, susunod ako." 

Nang makaalis na ang babae ay muli siyang humarap sa akin. "Huwag kang aalis dito, babalik din ako agad," giit nito sa tonong nagpapaintindi.

Nang makaalis ito ay nisipan kong maglibot sa loob ng silid na iyon. Napansin kong may kalakihan ito at napakaganda ng disenyo, mukhang pinag-isipan ng mabuti at hindi lamang basta-bastang ginawa.

Ilang oras pa ang lumipas nang biglang may kumatok sa pinto at pumasok. Kung titignan ang kasuotan nito ay mukha siyang tagapagsilbi lamang. May dala-dala itong tray na naglalaman ng iba't-ibang pakain at inumin. Inilapag niya ito sa mini table na naroroon sa kwarto. 

"Kailangan mong kumain at magpalakas. Halika at kainin mo itong hinanda ko para sa 'yo," nakangiting sabi nito.

Noong una ay balak ko siyang tanggihan ngunit ang tiyan ko ay bigla na lamang kumalam. "Salamat," 'ayun na lamang ang aking naisagot saka naupo at sinimulang kainin ang pagkaing dala niya.

Nang matapos ako ay hindi ko na siya hinayaang siya ang mag-linis ng aking pinagkainan. Ako na ang nagligpit nito bilang pasasalamat.

"Alam mo ba kung nasaan ako?tanong ko nang maiabot ang tray sa kaniya.

"Narito ka sa aming kaharian, ang Scorbia Kingdom," giit nito.

Napatango-tango na lamang ako. "Ano nga palang pangalan mo?" 

"Cylinder ang aking ngalan ngunit maaari niyo din akong tawagin sa pangalang Cy," sagot nito saka nagpaalam na aalis na.

Dumaan pa ang ilang minuto at nakaupo lamang ako dito sa sofa. Nag-iisip kung paano nga ba ako napunta dito at kung anong nangyari ngunit wala talaga akong maalala. Sinubukan kong alalahanin kahit ano mula sa nakaraan ko at kung anong kinalaman ko sa tinatawag nilang Scorbia Kingdom. Halos sumakit na ang ulo ko kakaisip ngunit ang tanging naaalala ko lamang ay noong nasa kagubatan ako.

Napatingin ako sa pintuan, inaantay kung may papasok ba doon. Ang sabi kasi ni Samuel ay babalik 'daw' siyang kaagad ngunit ilang oras na ay wala pa din siya.

Ano kaya kung lumabas ako at maglibot muna sa labas ng silid na ito? Wala naman sigurong mangyayaring masama kung lalabas ako saglit, hindi ba?

Ilang beses pang nag-alinlangan ang isip ko ngunit sa huli ay napag-isipan kong lumabas na. Ngunit pagbukas ko pa lamang ay ikinagulat kong may tao dito.

Light CreatureWhere stories live. Discover now