"Nerisa bumangon kana dyan,mag ayos kana" gising sakin ni cy.
Bumangon na ako sa pagkakahiga ko. Pagkatapos ako ayusan ni cy ay agad narin ako bumaba ng kuwarto at pumunta sa dining hall para kumain. Katulad kahapon ay ganoon ulit kami karami sa dining hall ang lahat ay nagsimula ng kumain.
-------
Lahat kami ay mga nakasakay na sa mga pegasus namin. Susubukan ko sakyan ngayon si... Ano kaya ipapangalan ko sa kanya? Hmm
Alam ko na sky nalang. Sumakay na ako kay sky at hinaplos-haplos ito at sinubukan ko ng palipadin ito nung una pero pagewang gewang ako kaya napayakap ako kay sky.
Naalala ko kung paano ni samuel hawakan si sky kahapon kaya ginaya ko si samuel at naging maayos na ang takbo ni sky.
Pagdating ko sa school ay sumalubong saamin ang mga magiging guro namin. Pinapasok na ang lahat sa loob ng announcement hall.
[Nasa multimedia po yung school]
"Sana ay masayahan ang lahat sa unang araw nyo dito sa paaralan"bilang panimula ni diwata joy.
"Ibibigay namin sa inyo ang magiging schedule nyo sa araw araw na pamamalagi nyo dito sa paaralan na ito."dugtong pa ni diwatang joy
"Sa paaralang ito masusubok ang inyong tatag at tiyaga sa lahat ng gawain. Dito nyo rin matutunan kung paano gamitin ng tama at matuklasan ang mga kapangyarihan nyo."
Bigla akong kinabahan dahil wala naman akong kapangyarihan. Anong sasanayin ko dito kung wala naman akong sasanayin sakin?
Bakit ba kasi akonapili dito, hindi ko naman alam na ganito pala ang gagawin dito. Muling nagsalita si diwatang joy.
"Simula sa araw na ito Prof. Ang itatawag ng lahat sa mga magiging guro nyo." Siguro sya ang namumuno sa paaralang ito kaya sya lagi ang nagsasalita.
Pagkatapos magsalita ni Prof. Joy ay nagsalita pa ang isang Prof.
"Alam namin na ang ilan sa inyo ay nagtataka kung bakit kailangan pa sanayin ang mga kapangyarihan nyo. Ang ilan sa inyo ay maaaring hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ngunit sa tamang panahon ay lalabas din ang kapangyarihan nyo at sa paaralang ito ay sisikapin namin na maging mahusay ang mga magaaral dito."
Bakit ganon pano lalabas ang kapangyarihan ko ehh wala naman akong kapangyarihan o kalahi na may kapangyarihan.
"Susubukin namin ang lahat ng studyante para malaman kung saan kayo galing na kingdom o kung ano ang kapangyarihan nyong taglay.
Matapos nagsalita ni Prof. Alex ay pinayagan na makipagkilala ang bawat isa sa mga kapwa studyante.
Habang ang iba ay nakikipagkilala ako ay nakaupo lang sa isang tabi habang pinagmamasdan ang iba.
YOU ARE READING
Light Creature
FantasíaNerisa woke up in the world the she don't even know and also she don't have any memory On her past. She don't even know what would gonna happen on her because she don't have a memory on her. Can Nerisa answer all her question on her head if she cont...