Isang malakas ang sigaw ang narinig ko.
" Olivia ! " He said while his eyebrow lifted. " Olivia! Make it fast may trabaho pa ako ! "
Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan at hindi inalintana ang pagkadapa.
" A-Andyan na ako ! " Nagmadali ako bumaba at tumabi sa kanya habang hinahabol ang aking hininga.
Nakakunot ang noo nito. " Bakit ang tagal tagal mo kumilos ! "
Nanginginig akong sumagot sa kanya. " S-Sorry Nata- " Natan cut me off.
" Wala ka talagang silbi ! " At isang malakas na hampas ang tumama sa mukha ko.
Napahawak ako sa aking pisnge at ininda ang sakit "N-Natan ! "
Hinawakan nito ang magkabilang pisnge ko gamit ang isang kamay at diniinan nito. " N-Nasasaktan Ak... " Isang malakas na sampal nanaman ang natamo ko.
" How many times ko ba dapat sabihin na pagkagising ko ay may nakahanda ng pagkain ! Kahit kailan talaga napaka inutil mo ! " Sabay duro nito sa pagmumukha ko at nagsimula na pumatak ang mga luha.
" At may gana ka pang umiyak ! " Hinawakan nito ang sinturan nya at tinanggal sa bewang nya .
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. " Please, N-no natan ! Nagmamakaawa ako ! " Sabi ko dito pero parang wala itong marinig.
Itinulak ako nito kaya nasubsob ako sa lamesa at nakatanggap ako ng sunod sunod na hampas ng sinturon.
Madiin akong pumikit at idinadaan sa pag iyak ang ginagawa n'ya saakin .
I'am Olivia hessev Perez-Sebastian 26 years old, I'am married with Natan Yusef Sebastian, Sikat na mayor ito sa aming probinsya. Swerte daw ako dahil ako ang napangasawa pero hindi nila alam na ito ang ginagawa n'ya saakin bakit ? Dahil na miscarriage ako at dalawang buwan iyon sa tiyan ko at last year iyon nangyari , Yes nalaglagan ako ng anak at saakin iyon sinisisi.
Lagi kasi ako sumasama sa campaign n'ya para supportahan s'ya sa gusto nya, May times na ayaw ko sumama pero mapilit s'ya at gusto ay nandun ako sa tabi n'ya.
Naramdaman ko ang isang malakas na hila sa buhok ko kaya na pa pikit ako sa sakit. " Sa susunod.. Matuto kang sumunod para hindi kita napapalo! Naiintindihan mo ba Olivia ! " Bulong nito sa tenga ko.
Tumango tango ako at malakas na inuntog ako sa lamesa at binitawan ang paghahawak nito sa buhok ko.
Napaupo ako dahil sa sakit at humagulgol habang nakatingin ako sa kanya paalis ng bahay.
Bigla naman tumunog ang cellphone ko at agad na sinagot iyon. " Olivia, I miss you ...... Let's meet I have a news for you ! " Malakas na sigaw ng kaibigan ko mula sa telepono.
Inilayo ko ito sa tenga ko at inilapit ulit. " Kailangan ba talaga sumigaw " Sabi ko dito. Si jasmine ang kaibigan ko halos alam n'ya lahat ng ginagawa ni Natan saakin .
" Oppps... S-Sorry, So ano let's go ? " She said.
Bumuntong hininga ako. " I know that sounds, Hindi ka nanaman pwede dahil may pasa ka sa katawan mo at baka may makakita " Inis na sabi nito sa kabilang linya.
" As alwa- " He cut me off.
" He's getting into my nerves ! Hanggang kailan kaba magpapakatanga sa lalaking yan ! Kung ako Sayo iwanan mo na si natan " Sigaw ulit nito at napahawak ako sa tenga ko .
Pinindot ko ang loudspeaker at mas inayos ko ang pagkakaupo ko sa sahig at pinunasan ang pisnge ko.
" I can't.... I love him " I gasped.
I heard her grown. " You're so bobo.....you know pathetic ! And it's you! Gosh you make me stress ! " Nanggigigil na sabi nito.
" Put some concealer and be prepaid. Pupunta ako dyan, I heard may meet and greet si Kai sa mall kailangan natin pumunta ! " Tiling sabi nito .
Kai Thaddeus Navarro, Isang sikat na artista dahil sa pag Arte nito. He's my crush since college.
" T-Talaga ? " I asked at bakas ang saya sa mukha ko.
" Yes girl so ano pa hinihinta- " I cut her off because I end her call.
Agad akong tumakbo papuntang kwarto para maligo at mag ayos.
Pagkapasok ko palang sa kwarto ko at kitang kita ang mga litarato ni Kai. " Omg... Mamemeet ulit kita ! " At isang tili ang ginawa ko at nagtatalon sa kama.
Simula nung nalaglagan ako ay magkaiba na kami ng kwarto ni natan kaya puro pagmumukha nito ang nasa kwarto.
Mga stolen shot at kung ano ano pa, Nagmumukha tuloy akong stalker.
Isang impit ng tili ulit ang ginawa ko bago pumunta ng banyo, Nasobrahan ako saya na parang nakalimutan ko na sinaktan nanaman ako ni natan.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagkilos ko dahil sa excitement at narinig ko ang boses ni jasmine sa baba.
" Olivia ! " Sigaw nito at nagsimula na ako mag make up at concelear sa mga pasa ko.
I heard footsteps coming to me. " Shuta ka " At mahina akong binatukan. " Binabaan mo ako ng tawag ! " Sigaw nito pero hindi ko iyon pinansin dahil sa excitement.
Tuwing sumisigaw kasi s'ya ay lagi ko itong sinusuway.
" Hindi halatang excited huh ! Bilisan mo ! " Pagmamadali nito.
Tinarayan ko naman s'ya. " Kalma matatapos na ! " Balik na sigaw ko sa kanya.
" Whatever ! I'm so excited ackkkkkk mahahawakan ko nanaman ang malambot na kamay ni Kai ! " Nagtatalon ito sa tuwa.
Inabot n'ya saakin ang vip ticket. Ticket iyon para makapagpapirma kami kay Kai.
Lumaki ang mata ko. " Omg.... Thank you jas ! " At mahigpit ko s'yang niyakap.
" Ikaw pa ba hihi! Bilisan mo bagal bagal ! " Pagmamadali nito at bumaba na s'ya.
" One last touch " Bulong ko sa sarili ko at nilagay ang lipstick sa labi ko .
Agad ako sumunod kay jasmine at sumakay sa kotse n'ya. Sinuot ko naman ang seatbelt at pinaandar iyon ni jasmine .
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami dahil malapit lang iyon sa bahay namin ni natan.
" Omg this is it ! " Tili nya habang nagpapark.
Pagkapark nya ay agad akong bumaba.
" Wait jasmine naiihi ako, Hintayin mo nalang ako doon " Sabi ko dito at kumaripas ng takbo.
Naghanap ako ng cr na malapit at pansin ko ay hindi matao.
Agad ko binuksan ang cr at pumunta sa dulo. Hindi ko na nailock ang pinto dahil sa sobrang naiihi na ako.
Nakarinig ako ng malakas na kalabog habang nakaupo sa toilet . " Ano yun ? " Takang tanong ko at malakas na ingay sa labas.
Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. " Sino yan ? " Tanong ko at tumayo para ayusin ang damit ko at tumalikod sabay flash ng inidoro.
Nagulat ako ng may tumulak saakin papasok at biglang nilock ang pinto. " Ano ba ! " Sigaw ko at humarap ako sa taong tumulak saakin habang nag sisiksikan kami sa banyo.
Biglang tinakpan nito ang bibig ko at lumaki ang mata. " Shhh, Be quiet lady I'm sorry kung bigla akong pumasok dito.. " Paliwanag n'ya at tinanggal nya ang pagkakatakip sa bunganga ko at ngumiti ito saakin.
Parang lumukso ang puso ko at nanlaki ang mga mata ko napakabango nito.
" Kai Thaddeus Navarro " Bulong na sabi ko na ikinatango nya at napakamot s'ya sa batok nya and I find it cute.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE VIGINTILLION SERIES 2 : THE FORBIDDEN LOVE
RandomPVS #2 || THE FORBIDDEN LOVE KAI THADDEUS NAVARRO MATURED || 18+ ON-GOING There was a beautiful lady that came from the province. Her name is Olivia Hessev Perez who is always mistreated by her husband. She met the actor who idolize her and there t...