Naalimpungatan ako at tinignan ang orasan at napabaligwas ako sa pagkakahiga
" Hala, ten o'clock na pala " Pumunta ako sa salamin para tignan ang mukha ko bakas ang pamamaga ng aking mata
I'm trying to calm myself .
Nakaramdam ako ng kakaiba at mabilis akong tumingin sa bintana, Pakiramdam ko ay may taong lihim na nakatingin saakin.
Dahan dahan akong pumunta sa bintana para silipin kung may tao ba dito at tinignan ko ay wala naman.
Tumingin ako sa baba at biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko .
" Fuck ! " I cursed.
" Ay sorry po ma'am na istorbo ko po ba kayo ? " Tanong ng yaya namin na may dala dalang pagkain.
Ito ang bagong hinired ni natan na yaya namin.
" N-No, Nagulat lang ako "
Tumingin ito saakin at ngumiti. " Pinapatawag napo kayo ni sir, Mauuna napo " Sabay sarado nito ng pintuan.
Napatingin ulit ako sa baba ng bahay kung may tao ba pero wala akong nakitang anino ng tao.
Nagsimula na ako maglakad patungo sa baba at nakita ko si natan na may kausap sa telepono.
Tumingin ito saakin at agad na umiwas sa mga tingin ko. Umupo ako sa upuan at nagsandok ng kanin.
" I have work to attend to, Mawawala ako ng Isang linggo"
Narinig kong sabi ni natan habang nag sasandok ng pagkain nya.
Tumingin ako sa kanya at tumango lang. " I prohibit you from socializing with Ka- "
Hindi nya natapos ang sasabihin nya ng biglang magsalita ako " What's wrong with that? We're just frien- "
Malakas nitong hinampas ang lamesa na ikinagulat ko. Natatakot ako sa mga titig nito saakin.
" Damn it ! I don't care what's going on between you two. As long as you're under my roof, you'll follow my rules. Do you understand "
Nanginig ako sa sinabi nya at nanlilisik ang mga mata nito. " Do you understand ! " Malakas nitong sigaw saakin.
" O-Oo " Nauutal kong sabi at tumayo agad si natan at hindi nito ginalaw ang pagkain nya.
Nanginginig akong sumubo ng kanin at unti unting pumapatak ang luha ko.
Ramdam ko na hindi nya na ako mahal, I miss the old natan na inaalalayan ako sa lahat ng bagay at hindi ako sinisigawan, Sobrang nagbago sya na tipong hindi ko na makilala pa.
Tinapos ko ang pagkain ko at mabilis na umakyat sa kwarto ko.
Sinarado ko ang pinto ko at humiga sa kama para magmukmok, Nakarinig ako ng tunog ng maleta pababa sa hagdan.
Naisip ko agad na si natan iyon, Dati tuwing aalis sya ang unang ginagawa nya ay hinahalikan nya ako sa noo ko at binibigyan ako ng flowers para hindi ko sya mamiss ng husto may kasama pa itong date para mag bonding kami.
Pero ngayon wala manlang maski paalam na aalis na sya.
Tumulo ang mga luha ko at humagulgol, Narinig ko ang pag bukas ng makina ng isang kotse at tuluyan na itong umalis.
Pumunta ako sa veranda upang silipin kung nakalayo na sya. Palabas palang ito ng gate .
Tinignan ko lang ang kotse nya hanggang tuluyan na itong nakaalis. Kinuha ko ang teddy bear na human size ito ang kauna unahang binigay saakin ni natan nung panahong nanliligaw pa sya saakin.
Pumunta na ako sa kama ko at binuksan ko ang facebook account ko.
Hindi sa pagmamayabang ay madami akong followers dahil isang modelo ako bago kami ikasal ni natan.
Nakita ko ang post ng kaibigan ko, Kasama si Kai, Ako at kaibigan ko. Pumunta ako sa comment section para tignan ang mga komento. Iba't ibang opinion ang nabasa ko.
Omg, It's that kai ang swerte mo sis , Nabasa ko mula sa comment section nagreply naman doon si jasmine, Yes ! Sobrang pogi nya talaga sis.
Natutuwa naman ako dahil nag eenjoy ang bff ko. Biglang may nag flashback sa utak ko ang paghahalikan namin ni Kai.
" Stop! stop... " Habang pinupukpok ko ng mahina ulo ko. " Mali iyong naiisip ko erase erase ! "
Nagulat ako ng may nag mention saakin at napunta sa profile picture ni Kai na ikinabigla ko, Nagpalit pala ito ng profile picture at ito yung fan meet nya at kitang kita ko na nahagip ang kamay ko sa picture nya dahil sa bracelet.
Binasa ko yung sinabi ng nag mention saakin. " Wait, Si Olivia ito I remember her bracelet ! Omg " Basa ko sa komento ng isang babae. Tinignan ko ang mga nagreply sa comment nya at iba't ibang opinion ang nandun.
Binasa ko ang caption ni Kai " I found my love " na ikinagulat ko.
Napaisip ako kung sino ang tinutukoy nya, Impossibleng ako yun.
" Wait, What do I mean impossibleng ako yun ? " Tanong ko sa sarili ko na parang na babaliw.
Pinagsasampal ko ang pisnge ko. " Nababaliw na ba ako, May asawa kana Olivia ! " Gigil na sabi ko sa sarili ko.
Nag scroll nalang ulit ako ng biglang tumunog ang phone ko. Text message pala ni jasmine
Binasa ko ito. " Girl, Nakita mo na profile ni Kai ampogi no shit! " Ramdam ko ang kilig ni jasmine kahit sa message lang ito.
Nireplyan ko ito " Sakto lang " Reply ko at biglang tumawag ito saakin.
" What happen to you anong sakto lang, Parang dati baliw na baliw ka sa kagwapuhan nya " tiling sabi ni jasmine.
Napaisip din ako dahil may point sya. " Wala lang mas pogi padin asawa ko ganun l-lang "
Bigla akong nautal sa dulo. " Anyways, Tara shopping tayo bukas " Masayang sabi nito saakin.
" Sige ba anong oras ba ? " Tanong ko dito at ramdam ko na napapaisip sya sa kabilang linya.
" Hmmm around 9:30 am " Sabi nito saakin.
" Ok deal "
" Tulog na ako, Kailangan ko ng beauty rest " Sabi nito saakin sabay binaba ang tawag.
Natawa naman ako sa kanya. " Bastos talaga to kahit kailan " Natatawang sabi ko tungkol kay jasmine
Pumunta ako sa veranda para magpalamig at naramdaman ko ulit na may nakatingin saakin, Tumingin ako sa baba at may napansin akong lalaking nakajacket at sumbrero madilim kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha nya.
Napaatras ako habang nakatingin sa kanya at naglakad ito ng paalis na parang walang pakialam. Napahawak ako sa dibdib ko at nakaramdam ng takot.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE VIGINTILLION SERIES 2 : THE FORBIDDEN LOVE
De TodoPVS #2 || THE FORBIDDEN LOVE KAI THADDEUS NAVARRO MATURED || 18+ ON-GOING There was a beautiful lady that came from the province. Her name is Olivia Hessev Perez who is always mistreated by her husband. She met the actor who idolize her and there t...