Ulan

28 0 0
                                    

Kapag umuulan actually natutuwa ako. Ewan ko lang pero nakakagaan sya ng pakiramdam.

Minsan kapag wala akong payong dinadama ko talaga yung ulan sa daan. Idgaf sa mga usiserong iisiping weird ako. (Medyo weird naman talaga)

Pero madalas sa madalas may payong ako tapos hihilingin ko umulan kasi may dala nga akong payong nung araw na yun. Aba! Sayang kaya effort ko magbitbit nun sa bag ko. Haha!

Dito sa amin sa Bulacan maraming ilog so kapag maraming ilog + ulan + mga sirang kanal + pader na pinaharangan ng dati naming kapitan para di bahain yung family relative nya (Oops!) = B.A.H.A.

Hindi naman ako pasosyal-sosyal sanay na sanay ako sa mga pagsubok sa buhay. (If you know what I mean) Hahahaha kaya ayun pasalamat na lang may second floor sa bahay namin. :-) Salamat kay papa isang henyo yan. Hahaha!

Noong fourth year highschool ako talagang tahimik lang akong tao. Emo pa nga ata tingin nila sa akin like dude? Kapag ba mahilig sa black eh emo na? Hindi ba pwedeng rocker muna? :)

Ayun, basta umuulan nun after ng practice namin sa choir syempre uuwi na ako. Hahaha (Hindi po ako gala. Promise! :3)

Eh ka-choir ko din kasi yung very very light kong CRUSH.

Highschool Crush = puppy love

Tanong ko lang anong kinalaman ng walang kamuwang-muwang na tuta sa pag-ibig? Bakit puppy love? Bakit hindi infant love o fetus love? Maiba lang.

Balik na po tayo sa throwback ko. Hahahaha!

Medyo malakas ang ulan ng panahong iyon at wala akong payong. Minsan talaga magkasabay kaming umuwi. Sa pagkakaalala ko minsan lang talaga yun. Gaano ba kadalas ang minsan? (Sige hugot ka pa.. nawawala ka nanaman Ninja)

(Papalakad sa labas ng school)

Him: Wala kang payong?

Me: (Dude, obvious ba?) Ay oo wala eh.

Him: Sige. Share na tayo.

(Give me a moment of silence..)

At ayun naglalakad kami papunta dun sa sakayan at hawak ko yung handle ng payong kasi baka daw mas mabasa ako then medyo lumakas yung ulan napakapit din sya sa handle ng payong at parang nag-holdinghands kami. :) Bata pa ako nun katuwa lang alalahanin. May iba naman yung gusto at ako naman may one true love. :)

- Ninja

Open Diary ng isang NinjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon