December 30, 2014

12 0 0
                                    

Sobrang daming nangyari nitong mga nakaraang araw. Sa sobrang dami itatry ko pa din ikwento. Hahahahaha

Sabi nila walang forever..

Ano nga ba ang konsepto ng forever? Walang forever na nabubuhay sa mundo. Walang forever unli. Wala ding forever sa love kasi ang kumikitil dyan yung life span nating mga tao. Maraming tao na hindi naniniwala dito. Maski ako man e. Wala talagang forever last August hindi naging maganda ang takbo ng relasyon namin ni long-time boyfriend. O sabihin na nating "ex boyfriend".

Dahil sa pagiging busy ko last sem dahil sa mga extra-curricular activities at part-time. May napabayaan ako. Mayroon akong nakaligtaang tao. Yung mas mahalaga sa pera, yung mas mahalaga sa honor ko sa school, yung mas mahalaga sa passion ko sa pagkanta. Hindi ko namalayan na pati siya nawawala na sa akin.

Aminado akong may pagkukulang ako. Alam kong may mali ako. Pero di ba kung tunay na mahal mo  hindi ka agad bibitaw? Maiintindihan mo na yung mga ginagawa niya para sa ikabubuti niya at sa ikabubuti mo?

To cut it short, we broke up. Sa isang park malapit sa school. Bakit dun pa? Yung lugar na makikita ko araw-araw. Kingina lang di ba?

So, I suffered depression. Ang hirap kaya yung limang taon kang nasanay na may tinatanong ka kung kumain na ba sya etc. May nangangamusta sayo. Then biglang mawawala? Yun yung mahirap e. Yung masyado kang nag-invest sa isang relasyon tapos wala namang kasiguraduhan na kayo hanggang huli.

Last November 23, 2014

Umakyat ako sa choir loft sa simbahan dahil sinabi ng principal namin nung highschool na tumulong daw ako sa mga batang choir. Edi umakyat ako.. then andun si Mamie. yung nanay namin sa choir. Tinanong nya ako bakit ganun mga posts ko sa facebook. Sobrang emo at broken at ayun na nga napakwento na ako. She asked me kung gusto ko pa i-save yung relationship. Iisipin ng ibang tao na tanga ka, martyr ka. Bakit mo ginagawa yan? Bakit mo babalikan yan? Ang sagot ko? Hindi ko din alam e. Basta ang alam ko mahal ko siya. At sa ngayon, yung makasama siya yung ikaliligaya ko.

For the past 5 years, never did I make an extravagant effort. Alam ko yun at pagkukulang ko din yun. Masyado din siguro akong nakampante na hindi kami maghihiwalay pero hindi e. Wala e.

So, I made three efforts to save the relationship. Some people will think na ang tanga ko, ang martyr ko, I deserve someone better. But what if sa ngayon ang nararamdaman ko sa kanya ako sasaya? Paano ako magiging masaya sa iba kung sa isang tao lang ako liligaya? Kahit anong pilit ko na i-push yung  feelings ko sa iba wala pa din e. Ayoko. Hindi ko kaya.

Last November 30, 2014

Yung mga effort ko nasayang wala ding nangyari. Wala na daw siyang maramdaman e. Kapag naging kami ulit lolokohin niya lang ako pati daw yung sarili niya. Then, I was so broken. Yung tipo na worst talaga. He gave me two months. Dun sa two months na yun good memories lang. Ayoko na ng bad. Ayoko na malungkot ulit kaso hindi naman din maiiwasan yin di ba? May point talaga sa buhay natin na malulungkot tayo at maraming dadanasing problema pero parte yun e. Paano tayo matuto kung lahat ng ginagawa natin tama.

Last December 6, 2014

Nagkita kami. Sinamahan niya akong bumili ng dress sa Monumento. Dapat dun lang sa malapit kaso naisip ko na kapag dun ako bumili mahal kaya sa VMall kami bumili. Sa jeep hindi kami magkatabi. Then may tumabing lalaki sa akin tapos pinatabi niya ako sa kanya. Awkward e. Hindi nag-uusap. Malamang exes tapos magkasama?

Pagbaba ng jeep syempre maraming tao and then hinawakan niya yung kamay. That's when it started. Na magkaayos kami at maging okay na ulit kaming dalawa.

DECEMBER 14, 2014

Our 5th Anniversary

We spent the day together. Hindi man kami lumabas. Hindi kami gumastos food trip lang sa kanila. But we were happy and content on each other's arms.

DECEMBER 31, 2014

Bukas kakausapin niya magulang ko to apologize..

Sana maganda kalabasan.

Open Diary ng isang NinjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon