Tears and Payday

19 0 0
                                    

August 18, 2014

Hindi ako iyakin promise pero ako yung tao na kapag napuno na bubugso lahat ng emosyon ko. Ngayon araw sobrang napuno ako. Oo marami akong mga kapintasan pero tama bang ibully ka? Para sa akin kasi hindi. Bibitawan mo ba yung hilig mo kung nabubully ka na mga kasama mo? Hindi naman masamang bumitiw kapag sobra na. Sabi nga ng mama ko, "Kapag hindi ka na masaya bitawan mo na kaysa pinagpipilitan mo yung sarili mo ikaw lang din ang masasaktan."

Ano nga ba ang bullying? Maraming klase yan by words and actions. Mentally, emotionally and physically naaapektuhan yung nabubully. Noong highschool pagkakatanda ko nabully din ako. Dahil siguro weird ako at sabi nga nila medyo 'emo'. Ngayong college akala ko hindi na medyo naglalilow na nga ako sa pagiging emo at rakista. Oo nagsusuot ako ng black at kung ano pa mang pang rocker pero ngayon medyo girly na rin ako. Akala ko sa college iba. Pareho lang pala.

Palangiti ako at palatawa. Kapag makikita mo ako personally oo ngumingiti ako pero minsan hindi ko alam kung masaya ba talaga ako. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko eh. Hahahaha sabi nga nila minsan yung mga taong nakikita mo sa panlabas na masayahin deep inside hindi naman talaga.

Feeling ko depressed ako pero dahil saan? Siguro sa mga pinagdadaanan ko sa buhay. Yun siguro. May iba't-ibang pinagdadaanan ang tao. Hindi naman tayo pare-pareho eh. Kung baga swerte ka ngayon malas ka bukas. Malas ka ngayon malas ka forever. Kaya wag natin husgahan ang tao base sa nakikita mo lang at pinapakita niya. Malay mo may mabigat pala siyang dinadamdam tapos puro paghuhusga lang yung alam mo. Mahiya ka naman baka mas lumala pa yung dinadamdam nung tao.

Marami akong flaws at kapintasan pero sana wag na lang ipahiya? Kasi may damdamin din ako. Nasasaktan hindi naman ako robot na walang puso.

Sa buhay maraming mga taong manlilibak sa pagkatao mo pero pagsubok lang yan. Makakalagpas ka dyan. Problema lang yan wag mo tambayan. Kaya let go.

Ngayong araw din sweldo ko sa library. Bumili ako ng pantalon, nagpautang at nanlibre sa mga tropa. Actually, hindi naman ako inobliga ng nanay ko magparttime job. Gusto ko lang talaga. Una, working experience. Pangalawa naman, gusto kong tumulong sa parents ko. Yun lang. Ako yung tao na hindi madamot basta't may pera ako. So ayun libre there and here. Tapos yung iba binigay ko sa nanay ko.

Sweldo ko nga hindi naman ako masaya.

- Ninja

Open Diary ng isang NinjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon