Chapter 2

18 0 0
                                    


Walang masyadong naganap sa buong isang linggo ng buhay ko pagkatapos nung pag aaya ni Gab sa mall, the main reason kung bat siya nagka ganon, may nakita daw kasi siyang post ng isang babae sa fb at ig na naka tag kay Austin, medyo di rin obvious yung pag stalk ni Gab. Kasama nung babae si Austin don sa selfie na may hashtag "blessed to have you" na ikinabwisit naman ni Gab Pagka dating namin sa mall akala mo si Flash si Gab kung makapag lakad kakahanap kay Austin, which is hindi naman kami nabigo, after ng ilang minutong paghahabol ko kay Gab nakita ko siyang nakatulala sa kawalan, tinignan ko yung tinititigan niya. Si Austin, kasama yung babaeng nasa picture na pinakita ni Gab saken. Magka holding hands sila, mukhang masaya nga si Austin kasi halos wala siyang ibang gawin kundi tumawa o kaya naman ngumiti. Ilang minuto din kaming nasa ganong posisyon ni Gab, nakatingin lang siya kina Austin habang ako nakatingin kay Gab. Maya maya umalis na yung babae at si Austin, ilang minuto pa din kaming nakatayo, hanggan sa nag aya na siyang umuwi, sapat na daw yung nakita niya para tantanan si Austin.

Sa loob ng isang linggong yon, wala ding ibang ginawa si Gab saken kundi ngumawa, mapa tawag, magpa chat o kahit mapa personal. Halos araw araw din niya akong ayain sa kanila para samahan daw siya sa kalungkutan. Gagang yon!

Katulad ngayon, inaaya na naman niya akong pumunta sa kanila. Hindi ako pumayag kasi nung last na pinapunta niya ko don, halos hindi niya din ako pauwiin, kakauwi ko nga lang kahapon dahil tatlong araw niya kong hostage sa kwarto niya! Siraulong babae, buti na lang at ipinaalam niya ko kila mama at papa kaya hindi sila masyadong nag alala.

Kaya ngayon ayaw ko munang pumunta kila Gab, dito muna ako sa bahay, mamaya magpag tripan akong palayasin nila mama e.

Kakatapos ko lang maglinis ng buong bahay, hindi ko din alam kung anong trip ko at napag tripan kong maglinis, isusunod ko nga yung kwarto ko mamaya, aayusin ko para makapag vlog na ko ulit. Isang linggo akong walang vlog, gago kasi yong si Gab.

"Wow, anong meron anak?" nagulat ako nung magsalita sa mama, kasalukuyan ko kasing pinapalitan itong kurtina. Mukhang galing siyang palengke kasi andami niyang hawak na plastic, (kung gusto mo tignan mo, baka andon kasi yung isa sa mga bestfriend mong plastic! Charot)

"Wala naman ma, baka kasi palayasin niyo na ko, palagi kasi akong nakila Gab e!" pag sagot ko habang pinagpapatuloy yung pagpapalit ng kurtina.

"Nakaready na nga yung adaptation papers mo! Handa na kaming ipaubaya ka sa kanila!" madramang sagot niya saken, sinabayan niya pa yon ng kunwaring pagpupunas ng luha bago tuluyang pumunta sa kusina at ayusin yung mga pinamili niya.

"Ma naman e!" pag mamaktol ko, tinignan niya lang ako tsaka siya tumawa. Hindi na siya sumagot.

Naisipan kong mamaya na lang ayusin yung kwarto ko pagkatapos naming kumain. Tumulong na lang ako kay mama sa pagluto pagkatapos kong ayusin yung mga ginamit ko sa paglilinis kanina.

"Ma ito oh" sabay abot ko don sa pera, naalala ko kasing kunin yun kahapon bago umuwi dito sa bahay.

"Bat to anak?" pagkaraan ay niyakap ko si mama sa likod tsaka isiniksik yung ulo ko sa leeg niya kasabay ng pagsinghot dito. "pambili mo ng sabon ma, ang asim mo e!" sagot ko habang natatawa, natigilan naman si mama tsaka ako marahang hinampas sa balikat "Ang bastos mo talagang bata!" sigaw niya habang tumatawa, patuloy pa din naman akong nakayakap sa kanya.

Bumitaw ako tsaka ako humarap kay mama "ipang gastos niyo sa kung saan ma, mag date kayo ni papa, para naman masundan ako!" biro ko sa kanya, dadalasan ko na lang ang pag gaawa ng vlog para mas madami akong kita. Hilig ko naman yung ginagawa ko, at may reason naman kaya ako nagvovlog. Balak ko sanang mag working student na lang pero hindi naman ako pinayagan nila Mama, baka daw kasi mapabayaan ko yung pag aaral ko lalo na't graduating nako sa susunod na taon. Nakita ko namang napangiti siya, maya maya ay may pinupunasan na siya sa pisngi niya. "Oh bat ka umiiyak ma?" tanong ko habang papalapit sa kanya para yakapin siya.

Hired Girlfriend of a VampireWhere stories live. Discover now