Chapter 4

16 0 0
                                    


Pagka uwi namin ni Gab sa bahay nila eh naligo lang kami at nagpalit ng pajama pagkatapos ay hindi ko siya tinantanan sa sermon! Hindi din naman siya nagpatalo. Tinanong ko kung sino yung mga kasama namin kanina at kung anong meron, hindi naman kasi kami palasama sa mga ganong occasion lalo na kung di naman namin gaanong kilala, pwera sa naging party namin ng dahil sa thesis, at kung maaari eh mga friends namin ni Gab ang kasama, ewan ko ba kung bat naisipan niyang umattend don, e halos iilan lang naman ang kilala niya.

"Ihhh, don't make sigaw na Fizzy, you're making basag my eardrums!" pag mamaktol niya, tinignan ko lang naman siya ng masama, inaantay ko pa din kasi yung isasagot niya. "Ih kasi, mutual friend namin ni Austin yung si Nyx, when he made daldal na Austin will be there, um oo nako agad, you know me naman Fizzy, its my baby Austin!" maarteng sabi niya na sinabayan naman pa ng puppy eyes.

Di ko naman maiwasang itanong kay Gab kung anong meron dun sa pinsan ni Austin na walang hiyang dumaan sa gitna.

"Ih kasi you're so busy talking to that pogi diba, then after I looked at you, I accidentally saw Yvo staring at you din at sa guy na kachika mo, then suddenly his eyes changed color, eh alam mo naman me, madaldal so I said to him what I noticed, tas yon, may binulong lang siya kay Austin tas lumabas na siya, pero feeling ko dahil lang sa ilaw yon, hehe medyo tipsy na din kasi ako kanina." Balewala pero mahabang pagpapaliwanag niya. Weird. Siguro ay may tama na nga din si Gab don sa mga ininom niya kanina.

"Ikaw you make kwento naman, about your paconcert earlier." Sabi niya habang inaayos yung kama niya.

"Paconcert your face. Masyado kang busy sa pag papacute kay Austin e, nakalimutan mo ng may bitbit kang cute na nilalang, kaya lumabas na lang ako, ang awkward naman kasi, halos ikaw lang ang kilala ko don." Sagot ko habang patuloy na pinupunasan yung buhok ko.

"Cute? Who? You? Anyway what about the guy you were talking to earlier, he's cute, o m g, is he making ligaw to you?" Oa naman netong punyetang to!

Kwinento ko na lang yung nangyari, at kung gano ako ka disappointed na hindi ko man lang nafeel yung kamay niya. Thanks to Yvo! Siya iyong walang habas na nanira ng moment ko!

After ko magkwento nang asar lang si Gab, na kesyo ang landi ko daw! Napasabi na lang ako ng "wow, coming from you ha!" pagkatapos kong sabihin yon eh binato naman niya ako ng unan, maya maya tumahimik na siya. Napatingin naman ako sa kanya, minsan kasi sa sobrang ingay at walang hiya ni Gab, di nako sanay na tahimik siya. Mukhang busy naman siya at seryoso sa ginagawa niya sa phone kaya hindi ko na kinulit.

Urgh! Gusto ko nang matulog ano ba!

Sigaw ko sa utak ko, pano 2 oras ko nang sinusubukang matulog e wala talagang nangyayari, naka ilang gulong na din ako sa kama, pero wala! Walang effect, habang si Gab, ayon, naghihilik na!

Ano ba kasi!

Sabi nila pag ganitong hindi daw makatulog e may nag iisip sayo. Hmmm, iniisip kaya ako ni Thunder kaya ganito! Chosera! Talandi! Pero kilig kiki!

"Punyeta talaga!" ipit kong sigaw habang tinatakip yung unan sa mukha ko!

Wala na sumuko nako! (tulad ng pagsuko niya sayo) Total hindi lang din naman ako makatulog, mag vovlog na lang ako. Napatingin naman ako sa wall clock na katapat netong kama namin ni Gab, malapit na din pala mag 3 o'clock. Tangina baka multuhin ako habang nagfifilm, pero sige, mas importante yung pangangailangan ko, tsaka gustong gusto ko na talagang mag vlog, namimiss ko na din kasi kahit pa sabihin na halos isang linggo pa lang naman akong di nakaka pag film.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hired Girlfriend of a VampireWhere stories live. Discover now