Zaparta's POV
Isang linggo simula nung dumating na ang mga seniors at sinimulan ang pagpapahirap samin sa training. Kasama namin sa Blue team sina Amaya, Delta at Sierra habang sa Red team ang team nila Faith nung nakaraan kasama sina Apple at Courtney. Sa kanila din si Lulu na ikinagulat ng madaming na nandito pala ang anak ng NBA player na si Mama Japan. Kasama si Lulu na lumaban sa West Team kaya hindi namin sya nakita nung nakaraang araw.
At bago naman dumating ang mga seniors, naglaro pa ulit kami dahil hindi naniniwala ang mga kasamahan namin na mas magaling ako kay Kriza at pinilit akong makipaglaro sa kanila. Pumayag na lang ako dahil hindi talaga nila ako tinantanan noon pero hindi na sumali samin si Kriza sa paglaro. Lahat ng laro ko sa kanila, ang team ko palagi ang nananalo. Hindi ko naman binubuhos lahat ng galing ko, sakto lang para matalo sila. Ayoko na madagdagan ang gustong kalabanin at talunin ako. Sapat na sakin si Kriza lang.
"Nine hundred eighty seven!" sigaw ni Sakura, ang taga bilang sa mga ginagawa namin. Ngayon, ang ginagawa namin ay mag-sit ups.
"Kaya ninyo yan girls!" pagche-cheer ni Rian. Nakangiti ito samin. Si Rian pinakamabait sa mga seniors.
"Hi-hindi ko na kaya!" sigaw ni Marceline pero patuloy naman sa pag-sit ups.
"Ano gusto mo Marceline? Mag-squat ng isang oras o tiisin ang natitirang bilang?" nakangiting sabi ni Lori. Nakabantay ito kay Cleo na naparusaan sa pagtigil sa pag-sit ups kanina. Yun ang parusa kapag hindi tinuloy ang pag-sit ups. Nung una walang librong hawak pero kapag umalis sa pwesto ay dadagdagan ng libro. Tatlo sa magkabilang kamay na ang hawak ni Cleo ngayon.
"Shit." mura ko na lang dahil ang sakit na ng tiyan ko. Grabe magpahirap naman kasi itong mga seniors. Sa loob ng isang linggong training namin sa kanila, never kaming humawak ng bola. Puro basic exercise ang ginawa namin tapos puro one thousands ang bilang.
"Bilisan ninyo, aba! meron pa tayong isang gagawin!" sigaw ni Sakuno.
Nakarinig naman ako ng mga mura sa mga ibang kasamahan ko. Kahit ako mapapamura dahil nakakapagod ang ganito. Buong araw talaga sa training, pagod na pagod kami pagkatapos. Pahinga na lang namin yung tulog sa sobrang pagod. May rest day naman kami pero every after two days naman 'yon at mabuti na lang bukas na 'yon. Makakapagpahinga na kami ng matagal.
"Kaya mo yan." sabi ni Stace na nasa harapan ko. "Magkaka-abs ka nyan."
"Me-meron na ako non." sabi ko.
"Nine hundred ninety one!" sigaw ni Sakura.
"Weh? patingin." hindi na ako nakaangal sa kanya dahil itinaas nya ang damit ko. "Wow, may abs ka nga." sabi nya habang titig na titig doon.
"Patingin, patingin." napatingin ako kay Lori na lumapit samin. "Wow Zap, sexy natin ah?"
"Grabe ngayon lang ninyo nalaman na may abs si Zap?" sabat naman ni Sakuno.
"Bakit alam mo?" tanong ni Stace.
"Oo, minsan na namin sya nakasabay maligo. Wala nga syang dibdib eh, 'di ba Sakura?" sabi ni Sakuno.
"Hoy!" sigaw ko bigla dahil sinabi nya 'yon. Natawa naman ang lahat.
"Oo nga 'no." napatingin ako kay Stace na itinaas ang damit ko. Mabilis ko naman ibinaba.
"Bwisit kayo!" lalo silang natawa. Nahiya naman ako. Eh anong magagawa ko kung flat chested ako?
"Dapat kasi pinapahimas mo yan kay Kriza eh." sabi ni Marceline.
"Marceline!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Namula ang mukha ko nang tumawa na naman silang lahat. Aba nakalimutan na nilang nasa training kami?
YOU ARE READING
Melting Ice Princess 3
RomanceSi Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na mas magaling sa kanya si Zap kung gayon ay anak sya ng dalawang pinakamagaling na basketball player na si Avey at Kill. Kaya naman naging col...