Zaparta's POV
"Ate Zoe. Dito po ba talaga kami maghihintay?" tanong ni Marceline.
Miski ako nagtataka kung bakit nasa mapunong lugar kami ibinaba ni Ate Zoe. Wala ngang katao tao dito kundi kami lang eh.
"Dito talaga. Napaaga lang siguro tayo kaya tayo palang nandito." sabi ni Ate Zoe katabi si Ate Alexa na nagbaba ng gamit namin ni Marceline. "Tingnan ninyo 'yon." tumingin kami sa tinuro nya. "Iwan ninyo raw yung mga gamit ninyo roon tapos ligyan ninyo ng pangalan ninyo." sabi nya.
May signage sa gilid na iligay nga raw namin ang gamit namin doon.
"Pero, Ate sure ka rito talaga?" paninigurado ko. Nakakatakot pa naman dito, ala singko palang ng umaga at hindi pa gaano kaliwanag ang kalangitan. Wala naman poste ng ilaw rito.
May paparating na sasakyan at huminto ito sa tabi ng sasakyan ni Ate Alexa.
"Excuse me, rito po ba yung meeting place ng magtra-training sa Dragon Basketball Girl International Training Camp?" tanong ng matandang lalaki. Hindi ito bumaba sa sasakyan.
"Dito po." sagot ni Ate Zoe.
"Oh dito raw anak." sabi ng lalaki.
Nagkatinginan kami ni Marceline. Mukhang ang anak nito ay isa rin magtra-training sa camp.
Bumaba ang lalaki at pumunta sa likuran ng sasakyan tsaka ibinaba ang dalawang maleta. Hinintay naman namin ni Marceline na bumaba ang anak nya sa sasakyan nila.
"Anak lumabas ka na dyan parang hindi ka nag-almusal at hanggang ngayon gutom ka pa din." sabi ng lalaki. "Ah doon ba ililigay ang gamit nila?" tanong nya naman samin.
"Opo." sagot namin ni Marceline.
"Salamat. Pasensya na sa anak ko. Matakaw kasi eh." paumanhin nya kahit wala naman dapat syang ipaumanhin.
"Okay lang po." sagot ni Marceline.
Nagpaalam naman saglit ang lalaki para iligay ang gamit ng anak nya roon sa gilid.
"Bakit ang tagal nyang lumabas?" bulong na tanong sakin ni Marceline.
"Hindi ko alam." sagot ko. Nakatingin pa rin kami sa sasakyan at hinihintay na lumabas ang kamiyembro namin sa training.
Bumukas ang pintuan, hudyat na lalabas na sya.
"Ang tangkad!" hindi mapigilan na sigaw ni Marceline sa babaeng lumabas ng sasakyan.
Matangkad nga ito, sa tingin ko nga lagpas six feet ang height nya. Ang laki nyang tao. Lumingon sya samin at ngumiti.
"Maganda sya." komento ulit ni Marceline pero mahina lang na kami lang nakakarinig.
"Hi." tumingala pa kami sa kanya dahil ang tangkad nya talaga. Hanggang balikat nya lang kami ni Marceline. Parehas na 5'8 ang height namin ni Marceline.
"Ang tangkad mo." sabi ni Marceline. Napailing ako sa kanya. Minsan talaga hindi nya mapigilan ang bibig nya.
"Hala ang tangkad nya!" napatingin ako kay Ate Zoe. Natawa naman ang tatay nitong matangkad na babae.
Ngayon ko lang napansin na matangkad din pala ang tatay nya pero mas matangkad nga lang ang anak nya.
"Mathias, mauuna na ako. May kasama ka na rin naman dito." sabi ng tatay nya.
"Okay Dad, ingat kayo pag-uwi." paalam ni Mathias daw. Ang cool ng pangalan nya.
"Zap, Line, mauuna na rin kami. Walang mag-aasikaso sa mga bata." sabi ni Ate Alexa.

YOU ARE READING
Melting Ice Princess 3
RomansaSi Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na mas magaling sa kanya si Zap kung gayon ay anak sya ng dalawang pinakamagaling na basketball player na si Avey at Kill. Kaya naman naging col...