Chapter 54

21.4K 747 502
                                    



Zaparta's POV

"Sinabi ko na nga ba hindi magandang sumali sa ganitong training." sabi ko. Nakalinya kami ayon sa team. Alas singko pa lang ng umaga pero naka-gather na kaming lahat dito kasama ang ilan na kaibigan nila Ate na sasali din sa training.

Ine-explain ngayon ni coach Avey ang mga gagawin namin ngayong araw at habang sinasabi nya ang mga 'yon ay laging may kasunod na thrill at hindi maganda ang mga thrill nya. Nandyan yung kapag hindi natapos ang exercise within fifteen minutes, iinom kami ng ampalaya juice at kung ano-ano pang mapapait na juice. Meron din na naka-squat kami tapos may kutsara sa bibig na may kalamansi. Kapag nahulog ang kalamansi ay madadagdagan ang oras ng squat at ang pinakahuli, walang dinner kapag hindi natapos lahat ng exercise pagsapit ng alas siyete ng gabi. 

"Don't worry, bukas mag-eenjoy naman kayo dahil mismong team building na ang gagawin natin." nakangiting sabi ni coach Avey pagkatapos nyang sabihin ang lahat ng exercise. Halos nasa twenty na exercise ang gagawin namin ngayon.

"Uumpisahan na natin ang training! magwa-warm up muna tayo." sabi ni Ate Zoe. Silang apat nila coach Avey, Tita Silva at Tita Torey ang magbabantay samin.

Inumpisahan namin ang basic warm up. Pagkatapos non ay ginawa na namin ang unang exercise, ang mag-jogging hanggang two kilometer pero ang thrill dito ay...

"Nandyan na yung mga aso!" sigaw ng nasa likod. Napatingin kami sa likuran at nung makita namin na nagmamadaling lumapit samin ang mga aso ay bumilis ang takbo namin.

Hindi ito jogging!

Natapos namin ang exercise sa sobrang bilis sa oras sa inaasahan namin. Sino ba naman hindi tatakbo ng mabilis kapag hinabol ka ng mga aso? hindi lang basta aso, yung mga nakakatakot talagang aso. Nawala din agad yung mga aso nung malapit na kami matapos pero sobrang natakot kami sa ginawa ni coach Avey samin. Yung feeling na madadapa ka pero kailangan mong tumakbo para hindi ka makagat ng aso. Sobrang nakakakaba talaga ang nangyari. Unang exercise pa lang pero pawis na kaming lahat at hingal.

Sunod-sunod na ang ginawa naming training. May time na hindi na namin kinaya yung training sa sobrang pagod kaya nauwi kami sa kakaibang thrill. Nagawa ko pang uminom ng ampalaya juice na inabot ako ng kalhating oras bago maubos sa sobrang pait. Yung iba nga samin nasusuka sa iniinom.

Hanggang sa inabot kami ng quarter to six sa huling training na gagawin namin. Nasa pinakamahabang hagdanan kami ngayon. Sinabi ni coach Avey na aakyatin lang namin itong napakahaba at napakataas na hagdanan na ito bago mag-alas siyete ng gabi. May mga poste ng ilaw naman sa gilid kaya kita pa rin ang hagdanan. 

Isang oras, isang oras namin aakyating ang hagdanan na 'to.

"Mommies! Dito kayo nagka-develop-an hindi ba?" napatingin ako sa gawi ni Julia. Ang lakas kasi ng boses nito.

"Maraming memories dito." nakangiting sabi ni Tita Juls.

"Oo, dito din nag-unahan si Zoe at Japan noon." nakangiting sabi ni Tita Torey. "Dito sila nagpustahan sa unang date nilang palpak dahil sinama kami ni Japan." natatawang sabi nya.

"Huh! tanda ko pa 'yon! sobrang nakakainis talaga kayo non." sabi ni Ate Zoe. Natawa na lang ako.

"Pero kung hindi pa kayo aakyat, baka maabutan talaga kayo ng alas siyete dito." nakangiting sabi ni coach Avey.

"Alam ninyo guys, may memories din si Avey dito nung rookies kami. Nasa twenty palapag na kami ng hagdan nung nahulog sya." sabi ni coach Ella. Maraming nagulat sa sinabi nya.

"Mom, okay lang kayo non?" nag-aalalang tanong ni Kriza.

"Ayos lang ako non. Iningatan ko talaga ang ulo ko non para hindi ako mabagok." nakangiting sabi ni coach Avey at inakbayan si Kriza.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now