Chapter 22

15.7K 662 299
                                    


Zaparta's POV

"Bwisit ka, Stace." hingal na sumpa ko kay Stace na pinahirap kami sa training namin ngayon. Ngiti-ngiti lang sya kasama ang Blue team seniors.

"Ano? yan lang ba kaya ninyo?" mayabang na sabi ni Stace. "Mahina." sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang sakit na ng tiyan ko." sabi ni Math.

"Hindi ka makakakain kung hindi mo yan tatapusin." sabi ni Rian.

"Hindi naman sa gutom kaya sumasakit yung tiyan ko eh, dahil sa mga pinagagawa ninyo na walang pahinga." sabi ni Math.

Madami kaming ginawa ngayon. Una basic exercise, five kilometer run tapos pinagswing nila kami ng tennis rocket na hindi ko alam kung bakit 'yon ang pinagawa nila samin, isang oras namin na ginawa 'yon na hindi tumitigil. Kapag tumigil kami, pinapainom nila kami ng ampalaya juice. Pagkatapos non pinagtulak nila kami ng jeep nila dito na nakasakay sila tapos ngayon inulit namin ang basic exercise.

"Hinahanda lang namin kayo." sabi ni Sakura.

"Bakit kami? hindi ba dapat kayo kasi next month na ang Summer Cup?" sabi ni Cleo.

"Next week pa kami magpra-practice." nakabelat na sabi ni Sakuno.

"Hinahanda namin kayo sa darating na Empire Tournament." sabi ni Lori.

"Anong Empire Tournament?" takang tanong Justin.

"Ang Empire Team ay nahahati sa limang team, Dragon, Wyvern, Qilin, Basilisk at Mušḫuššu. Ang apat ay nasa malalayong probinsya kaya hindi sila masyado kilala pero magagaling sila. May mga Cup Tournament din naman sa mga probinsya kung saan ang mga ibang Empire Team. Ang Cup Tournament lang sa Manila ang sikat." sabi ni Stace.

"At every five months bago kayo grumaduate sa camp na ito ay nagaganap ang Empire Tournament sa Empire Island." sabi ni Rian.

"Ang makakalaban ninyo doon ay ang mga rookies din ng iba't ibang Empire Team. Syempre, ayaw namin na mapahiya ang Dragon Empire, kailangan ninyong manalo sa bawat game doon." sabi ni Sakura.

"Isa din sa dahilan kaya gusto namin kayong manalo dahil may parusa ang bawat talo ninyo. Last time na parusa doon ay ladder drills, ten times at limang klaseng ladder drills ang ginawa namin noon." sabi ni Stace. "Kapag sinabi kong namin, damay ang seniors sa talo na ginawa ng rookies."

"Eh? bakit kasali kayo?" tanong ni Math. Hindi kami umiimik ni Marceline dahil alam namin ang tungkol sa Empire Tournament.

"Damay-damay iyon at kapag ilang beses kayong natalo o sunod sunod pa, babawian namin kayo pagbalik dito." panakot ni Sakura.

"Lah ang daya naman!" sabi nila Cleo.

"Kaya nga hinahanda na namin kayo. Hindi basta-basta ang ibang Empire Team. Magagaling sila. Hindi sila mapapabilang sa Empire Team kung hindi sila magaling." masungit na sabi ni Jacky.

"Tama si Jacky." napairap ako kay Stace. "Kung ako sa inyo, pagbutihan na ninyo ngayon pa lang para kahit papaano may lamang kayo sa ibang team." sabi nya.

"Last time, sino ang nanalo?" tanong ko.

"Overall, kami." sabi ni Lori.

"Wow naman." hangang sabi ni Marceline.

"Hindi madali ang mangyayari sa Empire Tournament. Sabi ko nga, may parusa. Ang palaging nananalo ay malaki ang advantage na manalo sa mga natalo dahil pagod sa parusa. At mahirap para manalo sa mga natatalo dahil dagdag pagod ang parusa sa laro nila." sabi ni Stace.

"Hindi talaga madali." sabi ni Amaya.

"At hindi din pala laban ang gagawin ninyo sa mga panahon na nandon tayo sa Empire Island. May training din na hahawakan kayo ng seniors ng ibang team at by the way, isang buwan tayo doon." sabi ni Stace.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now