ICE 39

34 0 0
                                    

KEVA POV

paponta na kami ngayun ni niccolo sa bahay para kumoha ng gamit ko, nakalabas na kasi ako sa hospital kani kanina lang. kaya si niccolo ang kasama ko kasi andon pa si ice sa hospital, mamaya pa kasing hapon si ashly lalabas daw dahil titingnan pa siya ng doktor pago siya palabasin.

okay ka lang ba keva??"" tanong ni nicco sa akin kaya napatingin ako sa kanya pero naka focus lang siya sa pag dadrive niya.

oo okay lang ako, midjo masakit lang ang katawan ko"" sagot ko sa kanya at tumingin na. ako sa labas ng bintana. alam ko kasi na may ibang meaning pa ang tanong ni nicco sa akin.

ayaw ko muna pag usapan ang tungkol sa amin ni ice, at iintindihin ko muna siya gaya ng sinabi sa akin ni bright kagabi. hinarang kasi ni ashly ang sarili niya kaya imbis na si ice ang masaksak ay siya ang nasaksak.

andito na tayo keva"" biglang sabi ni nicco kaya napatingin ako sa kanya at sa labas ng sasakyan. napabontong hininga nalang ako dahil sa hindi ko man lang napansin na andito na pala kami sa bahay ko.

bubuksan kona sana ang pinto ng kutsi ni nicco ng mapatingin ako sa kanya dahil sa pag pigil niya sa akin?? seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya naninibago ako dahil sa simula kahapon nagiging seryoso na siya.

kanina pa tayu nakarating dito at kanina pa kita tinatawag pero tila hindi mo ako naririnig dahil jan sa iniisip mo keva, talaga bang okay ka?? sabihin mo sa akin kung hindi para kahit papaano gumaan yang pakiramdam mo, kahit loko loko ako minsan ay pwede mo akong maging bestfriend"" sabi at tanong sa akin ni niccolo na ikinabontong hininga ko at napayoko ako. dahil sa kahit anong pilit at intindi ko gaya ng sinabi ni bright kagabi ay hindi parin maiiwasan na nasasaktan ako sa nakikita kung pag lalapit ni ice at ashly at sa pagiging malamig ng pakikitungo ni ice sa akin. at kahit anong tago o pag papanggap ko na hindi ako naaapiktohan sa sitwasyun namin ni ice ay nahahalata parin nila dahil sa wala ako sa sarili ko minsan.

masakit, kahit iniintindi ko ang sitwasyon namin ni ice hindi ko maiwasan na hindi masaktan, pakiramdam ko kasi parang mawawala sa akin si ice, kung ako kaya ang nasa lagay ni ashly ngayun at kung ako ang nasaksak magiging ganon ba si ice sa akin? kasi hinihiling ko na sana ako nalang ang nasaksak niccolo kasi ang sakit na yung taong mahal mo ay nagiging malamig ang pakikitongo sayo at nagiging malapit na ulit siya sa taong una niyang minahal"" sabi ko kay niccolo na ikinatulo ng mga luha ko dahil sa hindi ko talaga maiwan na hindi masaktan.

nagulat naman ako ng hilain niya ako palapit sa kanya at niyakap kaya hindi kona napigilan ang mapahikbi dahil sa ginagawang pag damay sa akin ni niccolo ngayun.

ssshhh tahan na, at wag mong sabihin na sana ikaw nalang ang nasaksak dahil madami ang mag aalala sayo, bigyan mo muna ng oras si ice na gawin niya ang nararapat niyang gawin, sigoro kasi na giguilty lang si ice dahil sa imbis siya ay si ashly ang nasaksak. sigi na tahan na, sigi ka pag iyak ka ng iyak baka pumakit yang muka mo at ayawan kana talaga ni ice niyan""" sabi ni niccolo kaya napakalas ako sa yakap niya at pinalo siya sa balikat na ikinatawa niya kaya pati ako napatawa marin.

loko! wala ka talagang matinong masabi niccolo kaya ka lagi nababatokan ng mga kapated mo ehh"" sabi ko sa kanya habang pinuponasan ang luha ko. ginulo naman niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.

atlest sa kalokohan na sinabi ko napatawa kita"" sagot naman niya sa akin at lumabas na sa kutsi niya.

ito ang ipinag papasalamat ko kay niccolo, dahil sa tuwing nalolongkot ako ay gumagawa siya ng paraan para tumawa ako at makalimotan ang problema ko kahit saglit lang.

pinagbuksan naman niya ako ng pinto kaya lumabas na ako at pumasuk na kami agad sa bahay. agad naman kami nilapitan ni manang ng makapasuk kami ni niccolo sa loob ng bahay.

VBS#2: ICE VARQUEZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon