T I T L E

186 11 21
                                    

"How would you feel
If I told you I love you..?"

Isang malakas na tilian ang namayani sa buong gymnasium ng MC University kung saan inaabangan ng lahat ang susunod na mang yayari sa ligawang nagaganap sa gitnang entablado nito.

"Is just something that I want to do.."

Unti unting dumadami ang lahat ng tao sa paligid, ultimo ang janitor at janitress, mga guwardiya at mga guro na kilala ang dalawang estudyante ng eskwelahan ay nakisali na din sa mga nag kakagulong mga estudyanteng nanonood sa dalawang tao na nasa taas ng entablado.

"I'll be taking my time..
Spending my life..
Falling deeper inlove with you.."

Tutok ang lahat sa nakikita nilang panliligaw ng isang Min Yoongi sa isang Park Jimin. Kakaibang love story ang meron sila kaya suportado ito ng mga kaibigan nila. Ang iba sa mga kaklase o kapwa kamag aral ay hindi gusto ang tulad nila na same sex relationship kung saan pareho sila ng kasarian pero mahal nila ang isa't isa. Walang nakikitang mali si Yoongi at Jimim doon, pero ika nga ni Yoongi "I don't give a shit." sa mga taong humuhusga sa kanilang dalawa ng Jimin.

"So tell me that you love me too.."

Lalong lumakas ang tilian ng ang sumunod na nang yari ay lumuhod na si Yoongi sa harap ni Jimin. Kung sa babae, roses and chocolates ang ibinibigay kapag nanliligaw, kay Yoongi isang box ng ramen na nakabalot pa sa magandang wrapper. Kakaiba talaga.

"So tell me that you love me too.."

Pag katapos ng kanta ni Yoongi ay isang mabilis na halik sa labi ang nasaksihan ng lahat ng tao na nakapaligid sa kanila. Nag liliwanag na gummy smile ni Yoongi ang humarap sa kanila at sumigaw ng..

"Yesssssss!!!"

Rinig ng lahat ang sigaw ni Yoongi ng sinagot siya ni Jimin gamit ang halik na iyon. Bakas sa mukha ng binata ang pula ng cheeks nito, indikasyon na kinikilig siya sa ginawa ni Yoongi na pang haharana sa kanya sa gitna ng entablado at sa maraming tao.

"Sinasagot mo na ako di ba?" Pag uulit na tanong ni Yoongi kay Jimin.

"Oo nga.. Sinasagot na kita!!" Sagot naman ni Jimin dahilan para mag arm dance si Yoongi sa stage.

Nakadama ng hiya si Jimin ng makita ang lahat ng tao na pinapanood sila simula ng kumata si Yoongi doon. Alam niyang siya na naman ang magiging tampulan ng chismis pag nag daan ang ilang araw. Lalo lang maiinis sa kanya ng iba pang babaeng kaklase dahil ang pinapangarap nilang lalaki ay napunta sa isa pang lalaki na pinapangarap din ng iba.

Nagmamadaling bumaba si Jimin habang hila hila niya si Yoongi. Doon sinalubong siya ng kanyang bestfriend na si Taehyung at ang manliligaw nito na si Hoseok. Masaya sila sa naging resulta ng pag paplano ni Yoongi na mapasagot ang kaibigan nito.

"Congrats bestfriend.. Sa wakas kayo na.. Wag makalimot gumamit ng--" Natatawang wika ni Taehyung na hindi na pinatapos pa ni Jimin.

"Taehyung ano ba!!" Sita ni Jimin na halata naman sa mukha niya ang pag labas ng pula sa pisngi niya dahil sa kahihiyan at the same time ay kilig na nararamdaman.

The Fixer of his Broken Heart || YoonMin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon