IRIS [3]

68 3 1
                                    

🎶And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
When sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight 🎶

CHAPTER THREE
"Don't Leave Me"

[Continuation]

(NP. Only Hope by Mandy Moore)

"Jimin!" Gulat na sabi ni Yoongi ng makita ang nobyong umiiyak.

Agad na bumaba si Yoongi sa high stool chair na inupuan niya at nilapitan si Jimin.

"Bakit hyung? Bakit mo sa akin ginawaga ito? Ano ba ang kasalanan ko? Ito ba ang dahilan mo kaya trinato mo ako ng ganito ??" Tanong ni Jimin kay Yoongi.

Hindi alam ni Yoongi ang isasagot kay Jimin. Hindi din niya alam kung ano ang tamang sagot sa tanong ng nobyo o dapat bang sagutin niya ang mga tanong o may sagot nga ba ang mga tanong nito. Dahil kahit pagbalibaliktarin niya ang mundo, maging normal man si Taehyung, maging si Yeontan man si reader, nasaktan na niya ito at masasaktan pa niya kapag tumagal pa lalo ang pag lilihim niya dito.

"Jimin mag eexplain ako!" Yun lang ang tanging nasabi ni Yoongi.

Kitang kita niya kung paano pinupunasan ni Jimin ang luha na dumadaloy sa mga magagandang mata nito na puno ng sakit. Gusto niyang punasan ang bawat luha pero bawat hakbang niya ay lumalayo ito sa kanya o di kaya ay umiiwas.

"B-bkit hyung? P-palagay mo ba hindi ko ma-maiintindihan ang gusto mo? P-palagay mo b-ba pipigilan kita?" Tanong ni Jimin.

Nakaramdam ng awa si Yoongi para sa kasintahan. Tama naman ito, ano nga ba ang dahilan niya para itago dito ang disisyon niya na dapat ay sabay nilang pinagusapan at dinidisisyunan. Alam niyang hindi siya pipigilan ni Jimin sa pangarap niya pero ang gago lang talaga ni Yoongi, nagawa parin niyang pumirma kahit ang kapalit nun ay ang tatlong taon na relasyon nila ni Jimin.

"Hindi sa ganun--" Sasagot sana si Yoongi pero hindi na niya nagawa pa ituloy dahil kasunod nun ang katotohanang sinayang niya.

"GANUN YUN HYUNG!! ITINAGO MO SA AKIN ANG TOTOO TAPOS SASABIHIN MO NGAYON SA AKIN NA HINDI GANUN YUN? ANO BA AKO SA BUHAY MO HYUNG? BOYFRIEND MO PA BA AKO? BAHAGI PA BA AKO NG BUHAY MO? MAHAL MO PA BA AKO??" Sigaw ni Jimin.

"Kasi hyung.. Kung hindi na.. Mag hiwalay na lang tayo.." Dagdag pa ni Jimin na halos pabulong na niya sinabi pero sapat lang para marinig ito ni Yoongi.

Biglang gumuho ang mundo ni Yoongi sa sinabi ni Jimin. Ayaw niyang mawala ang kasintahan pero mukhang disidido na ito sa pakikipag hiwalay sa kanya, kahit biglaan lang ang lahat.

Kasalanan naman niya kung bakit naging ganito silang dalawa ngayon. Kung matagal na niyang sinabi ang totoo hindi sanasila aabot sa puntong ito, kung saan kapwa silang dalawa nasasaktan. Isama mo pa ang masasakit na salita ni Jimin na lalong nag papahina sa loob niya. Naduduwag siya, gustuhin man niyang lumaban pa pero parang wala siyang lakas ng loob para ilaban pa ang dahilan niya kay Jimin.

"Jimin!! please jagi wag! Ayoko mawala ka sa akin!!" Pakiusap ni Yoongi dito pero ang hinila lang din ni Jimin ang kamay niya.

"Pagod na ako Yoongi hyung.. Sapat na sa akin lahat ng narinig ko.. Hindi mo pala kayang igive up ang pangarap mo para sa atin.. Ako h-hyung.. Kaya kong igive up ang lahat ng m-meron tayo para sa pangarap mo k-kasi ganun kita kamahal eh.." Deretsong sagot ni Jimin na ikinahinto naman ni Yoongi sa pag hahabol sa kamay nito.

The Fixer of his Broken Heart || YoonMin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon