IRIS [5]

42 4 0
                                    

??When everythings made to be broken
I just want you to know who I am??

CHAPTER FIVE
"Anpanman"


ABALA si Jungkook sa pag aayos ng gamit sa bagong dance studio ni Hoseok. Mag bubukas kasi ito ng branch ng dance studio sa Busan kasama ang isang kaibigan na galing sa Seoul. Mahilig din naman sumayaw si Jungkook tulad ng mga hyung niya pero mas gusto niyang kumanta at mag perform sa entablado kaysa bumalik sa pag sasayaw.

Nasa kalagitnaan ng pag aayos si Jungkook ng makatanggap siya ng text mula sa isang tao na nakausap niya nung isang buwan, ang taong nakisuyo sa kanya na iabot ang ilang malalaking kahon sa kapit bahay niya.

"Mister Jeon, paki tignan naman si Park Jimin yung kapit bahay mo na inabutan mo ng kahon nung nakaraang buwan. Baka hindi na naman lumalabas ng bahay niya o kumakain. Salamat." -Kim Taehyung

Pamilyar kay Jungkook ang pangalan ng nag text sa kanya. Sakto naman na alas singko na ng hapon, oras na para umuwi. Dahil may papasukan pa siyang part time na trabaho na malapit lang sa bahay niya. Buti na lamang ay kilala ng personal ng Hoseok hyung niya ang may ari ng restaurant kaya nakapasok agad siya. Bagong bukas din kasi ang restaurant na iyon kaya tumatanggap sila ng mga part timer dahil tuwing gabi ay marami ang kumakain doon. Patok talaga sa lugar nila ang mga kainan na may touch of western and korean dishes.

May sampung minuto pa ang inantay ni Jungkook bago naka sakay ng bus pauwi sa tinutuluyang apartment. May kalayuan din kasi ang naturang lugar at aabutin pa ng tatlumpung minuto ang biyahe niya pero aabot naman siya sa call time ng susunod niyang trabaho. Hindi na bago kay Jungkook ang ganitong sistema. Halos araw araw niya na itong ginagawa simula ng ihatid siya ng pinsan dito sa Busan. Simula kasi ng maaksidente siya ay minabuti na lamang niya na bumalik ng Busan at doon ituloy ang pangarap niya, ang kumanta at maging direktor.

Huminto ang bus na sinasakyan niya sa tapat ng Busan Train Station at saktong pag lingon niya ay nakita naman niya ang pamilyar na mukha ng lalaki na papasok sa entrance ng estasyon. Agad naman siyang bumaba doon kahit hindi siya sigurado sa plano niya. Ang sundan ito ay hindi magandang ideya lalo na at hindi naman sila mag kakilala sa personal ng taong susundan. Isa pa hindi siya sigurado kung ang lalaking iyon ang kapit bahay niya, pero kasi ito ang lalaking tinutukoy sa text ng Kim Taehyung kanina at tanging lakas lang ng pakiramdam niya ang sinusunod niya.

"PARK JIMIN!!!" Sigaw ni Jungkook ng makita ito na nakapila sa ticket booth papuntang Seoul.

"PARK JIMIN!!!" Sigaw na naman ni Jungkook.

This time ay nilingon na siya nito at rumehistro sa mukha niya ang kaba ng makitang iba ang itsura nito kaysa nung nakita niya itong kausap ang land lady ng apartment na tinutuluyan nila.

"Saan ka pupunta?" Hinihingal na tanong ni Jungkook ng maabutan niya si Jimin. Buti na lamang ay huminto ito sa pangalawang tawag niya kaya hindi na siya mahihirapan pa na habulin ito hanggang sa loob ng tren.

"Sino ka? Bakit kilala mo ako?" Takang tanong ni Jimin.

Imbis na sagutin ang tanong ng nakakatanda ay hinila na lamang niya ito papunta sa bakanteng bench na malapit sa lobby ng estasyon. Wala namang palag si Jimin sa ginawa ni Jungkook. Alam niyang mali ang sumama sa hindi niya kilala pero pakiramdam niya ay magaan ang loob dito. Nag pahila na lamang siya dahil alam niya sa sarili na kapag pumalag siya ay sasakay siya sa tren at babalik sa Seoul para hanapin ang taong bubuo ulit sa pag katao niya. Ang taong minahal niya ng higit pa sa buhay niya, walang iba kundi ang taong nag lihim at pinagkatiwalaan niya, si Min Yoongi.

The Fixer of his Broken Heart || YoonMin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon