IRIS [18]

26 2 0
                                    

🎶There goes my hands shaking
And you are the reason🎶

CHAPTER EIGHTEEN
"The Man"

"HYUNG!"

Napatingin si Yoongi sa lalaking pumasok sa loob ng coffee shop dito sa Busan. Kahapon lamang ay kinumpirma nito na pupunta ito ngayon para tulungan siya.

Lumingon din ang kasama nitong lalaki sa kaibigan na papalapit na sa kanila.

Nakangiti ito gaya ng dati sa tuwing darating ito mula sa pinanggalingan sa kung saan man.

"Kamusta?" Tanong nito sa kanila ng makaupo ito.

"Eto buhay pa, eh ikaw?" Sagot at tanong ni Yoongi.

"Same hyung, how'bout you?" Tanong naman nito sa katabi ni Yoongi na hindi makatingin ng deretso sa mata niya.

Nakayuko lang ito at hinahalo ang kape na nasa harapan lamang nito.

Napansin ni Yoongi na hindi ito umimik kaya naman nag salita na siya.

"Taehyung.." Nag angat siya ng ulo at tumingin kay Yoongi.

"Tinatanong ka ni Hoseok!" Sabay nguso nito sa kaibigan na titinitignan lamang silang dalawa.

Ibinaling niya ang ulo at tumingin kay Hoseok na naka ngiti parin.

"Mukhang okay na siya.." Ani ni Taehyung sa isipan niya.

"Okay lang din naman ako." Sagot niya at ngumiti na halata namang pilit lang.

"So anong meron bakit nandito kayo sa Busan? Dadalawin ba natin sina Jimin?" Tanong ni Hoseok para hindi ipahalatang nawiwirduhan siya sa katabi ni Yoongi.

"Weird na siya dati pa!" Sa isip ni Hoseok.

"Actually Hope hindi eh!" Alinlangang sagot ni Yoongi.

Napakunot ang noo ni Hoseok at sumenyas sa waiter na kuhanan din siya ng kape tulad ng kay Taehyung.

Cappucino parin ang gusto niya kasama ang redvelvet cheese cake.

"Eh ano?" Tanong niya.

Napabuntong hininga na lamang si Yoongi bago kinuha ang folder na naglalaman ng investigation report ng mga pulis. Kasama na ang police report sa Seoul kung saan siya nagreport na nawawala ang magkasintahang Jin at Namjoon.

Hindi man iyon updated pero alam niyang makakatulong iyon sa kanilang paghahanap.

"Sina Jimin, Jungkook, Namjoon at Jin hyung.. Nawawala silang lahat!" Wika ni Yoongi dahilan para masagot na ang tanong ni Taehyung at Hoseok.

Kung bakit sila kailangan pumunta dito.

Pareho silang clueless sa biglang pagpapaunta nito sa kanila dito sa Busan.

"Paano nangyari iyon?" Tanong ni Taehyung na nababakasan na ng pag aalala dahil ang bestfriend niya ay nawawala pala ng hindi niya alam.

"Maigi pa kung yung pulis na naka assign sa kaso ang tanungin nyo.. Naisstress na ako sa kaso nila!" Sagot na lamang si Yoongi at humigop ng kape sa kanyang tasa.

Sabay namang napabuntong hininga sina Taehyung at Hoseok. Ang tagal na din pala nilang walang contact isa't isa.

Si Hoseok mula ng lumabas sa hospital ay sumama na sa ate niya sa Gwangju para tulungan ito sa clothing line business nito na unti unti ng lumalago.

The Fixer of his Broken Heart || YoonMin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon