IRIS [10]

15 2 0
                                    

??I just want you to know who I am
I just want you to know who I am??

CHAPTER TEN
"Where do broken hearts go?"

TILA may dumaang anghel sa loob ng kwarto ni Hoseok ng pumasok si Jimin. Saktong nandoon si Yoongi at kasalukuyang nag susulat ng kanta.

May pumasok kasi na idea sa kanyang genius na utak kaya kahit nasa ospital ay nagsusulat siya. Pero mas ginanahan siya mag sulat ngayong nakita niya ang dating kasintahan.

Umupo si Jimin sa kabilang dulo ng sofa habang si Yoongi naman ay nasa kabilang dulo din. Dalawang tao lang ang layo nila sa isa't isa. Kapwa sila walang masabi. Ni ang batiin man lang ay hindi nila magawa.

Ganun talaga pag mag ex.

Its either okay na sa inyo na pag usapan ang nakaraan dahil naka move on na kayo sa isa't isa at okay na maging mag kaibigan na lang o ayaw makipag kaibigan sa ex kasi may guilty parin sa paghihiwalay.

"Kamusta ka na?"

At sa wakas ay natanong din nila sa isa't isa, yun nga lang sabay silang nagsalita.

"Okay lang ako hyung. Ikaw?" Tanong ni Jimin.

Hindi naman malaman ni Yoongi ang isasagot. Okay siya ngayon pero yung puso niya hindi.

"Ito maayos na.." Sagot ni Yoongi.

Ngumiti ng palihim si Jimin. Atleast ngayon okay na si Yoongi. Atleast ngayon makakabawi na ito sa career niya.

"Mabuti naman kung ganun hyung. Masaya akong marinig yan.." Masayang tugon ni Jimin at lumingon na kay Yoongi.

Nagkatitigan silang dalawa.

Kapwa tumama na naman sa kanila ang sakit ng nakaraan.

"Eh kayo ni Jungkook, okay ba kayo?" Tanong ni Yoongi.

Mas lalong ngumiti si Jimin ng banggitin ni Yoongi si Jungkook.

Nabatid agad ni Yoongi ang ngiti ni Jimin. Ngiti na dati ay siya ang dahilan pero ngayon ay ibang tao na.

"Okay lang kami hyung. Masaya naman!" Masayang tugon ni Jimin.

"Buti naman." Yun na lamang ang nasagot ni Yoongi.

Wala ng maisip na tanong si Jimin, ganun din si Yoongi.

Wala na silang lakas ng loob para pag usapan ang tungkol sa kanila.

"Eh kayo ni Irene noona, kamusta kayo?" Tanong ni Jimin ng maalala ang babae na kasama si Yoongi noon.

"Do you know her?" Takang tanong ni Yoongi.

"Oo naman!" Sagot ni Jimin.

"Ah. Well, okay lang kaming dalawa. Magkatrabaho din kami!" Paliwanag ni Yoongi.

"Bagay kayo hyung. Girlfriend mo siya?"

Hindi alam ni Yoongi kung paano niya sasagutin ang tanong ni Jimin. Hindi naman niya girlfriend si Irene, lalong hindi din naman niya gusto ito.

"Naku Jimin hindi eh!" Sagot ni Yoongi.

"Ay sorry hyung! Akala ko kasi girlfriend mo siya!!" Ani ni Jimin at natahimik na lamang ng mapansin na hindi komportable si Yoongi sa pinag uusapan nila.

Sa totoo lang, ang awkward ng feeling na nararamdaman nilang dalawa. Hindi naman kasi nila inexpect na magpapang abot silang dalawa sa iisang kwarto na wala man lang katao tao, meron naman talagang tao kaso tulog.

The Fixer of his Broken Heart || YoonMin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon