Naginginig ang kamay kong nag maneho papuntang hospital.
Hindi naman naging mahirap sakin ang mag drive ng mabilis dahil nag raracing naman ako dati. Ang mahirap lang ngayon ay ang mga stop light at maliligalig na taong hindi tumatawid sa tamang tawiran.
Sa sobrang pag mamadali, Lakad takbo ang ginawa ko papasok ng hospital. Alam kong madami dami na akong nababangga dahil sa pag mamadali ko. Madami na ako natulak dahil sa pag haharang nila sa daanan ko. Pati ang mga trolley na gamit ng mga nurse ay nababangga ko na rin sa pag mamadali.
"nurse Alxander Ford. Anong room niya?" malakas na sigaw ko sa nurse na nakabantay sa nursing station.
"nasa O.R pa po siya maam"
"Sige salamat."
Nag patuloy ako sa pag lakad takbo hanggang sa marating ko ang O.R. Agad na hinanap ng mata ko si Tristan. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil kilalang kilala ko silang lahat sa Phinix.
"Tristan ano ang nangyari?"
"sinugod kasi kame ng Red blood nung paalis na kame sa chamber. Nasa labas sila nag hihintay samin. Hindi kame nakapag handa kaya wala kaming kahit anong panlaban kundi sarili lang namin. Pasensya Zoe. Hindi namin naprotektahan sila Alex."
"sinong nasa hospital ngayon?"
"sila Alex at Liam lang ang nasa O.R. Yung iba po nasa E.R na at ginagamot"
"bakit nasa O.R sila?"
"Si Alex napalo ng baseball bat sa ulo. Si Liam naman, napalo ng kahoy"
"sino ang may gawa non sakanila? Bigay mo ako ng specific name."
"wala pa kaming lead kung sino mismo."
"sige. Mag papunta ka sa chamber ng taong wala sa chamber kanina na alam mong magaling mangilala para makilala natin kung sino ang gumawa nito sakanila. Malinaw?"
"sige"
"o sige. Puntahan-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil lumabas ang isang doctor.
"sino ang pwede kong makausap para kay Mr. Alex?" tanong ng doctor. Inayos ko muna ang sarili ko at humarap sa doctor na umasikaso kay Alex
"ako Doc."
"How are you related to Mr. Alex?"
"Girlfriend Doc"
"sorry but you can't-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil nag salita na ako.
"my name is Zoe Gail Savannah. Anak ni Drake Sanches Savannah. Ngayon, kung hindi mo ako hahayaang malaman ang lagay ng Boyfriend ko ngayon, papatawag ko ang daddy ko at tatanggalin kita sa trabaho. pwede din kitang ipa-block sa kahit anong hospital at hindi ka na makakapag trabaho. Kahit gumawa ka pa ng sarili mong hospital."
"hindi ko maaaring idetalye sayo ng buo ang kalagayan ni Mr. Alex. Masyadong kumplikado ang lahat ng tungkol sakanya. Sa ngayon, ang masasabi ko lang ay commatose siya. Hindi natin alam kung kailan siya gigising o gigising pa nga ba siya."
Muntik na akong matumba sa narinig ko. Buti na lang at katabi ko si Tristan para alalayan ako.
"Masyadong malakas ang pag kakapalo ng baseball bat sa ulo niya. Yun na lamang muna ang masasabi ko sayo. Pakitawag na lang ako kung dumating na ang magulang ni Mr. Alex para maipaliwanag ko ng maayos sainyo."
"sige Doc. Salamat." hindi ko na nakayanang mag salita kaya si Tristan na lang ang sumagot.
Hindi ko hahayaang ganito ka na lang Love. Babalikan ko ang mga taong gumawa nito sayo. Hindi pwedeng nakalatay ka sa hospital habang sila ay nag sasaya. Mag hahanda sila.
YOU ARE READING
The Art of Destiny
RandomWill you be blinded by love? Are you willing to accept his excuses and reason for leaving you? Do you love him enough to listen? Are you brave enough to face Him? Are you ready to face the one who once broke your heart?