E

6 0 0
                                    

"bigyan mo ako ng mga information tungkol kay Jaxx Warren na sobra kong magagamit" utos ko kay Tristan habang nakaupo siya sa office ko.

"Sige" sagot niya at nag halungkat sa bag na dala niya. " Zoe wala ka bang laptop dyan?"

"bakit? Sabe ko diba mag dala ka ng laptop?"

"naiwan ko ata"

"Naiwan mo? Ilang beses kita pinalalahanan ah?"

"yun nga. Pero alam mo na, pag gwapo, minsan nagiging makakalimutin"

"oh eh bakit mo nga naiwan laptop mo? Gwapo ka ba ha" pang aasar ko sakanya

"aray naman Zoe. Tagal mo ng nakikita tong mukang to hindi mo pa din nakikita ang tunay na ibig sabihin ng Gwapo?

Binitawan ko ang ballpen at papel na hawak ko at hinarap siya.tinignan ko ng maigi ang muka niya mula sa kinauupuan ko kaya inangatan niya ako ng kilay.

"ANG PANGET MO" madiin ang pag kakasabe ko sakanya.

Hahahahahahaha.!

"tanong mo dun sa secretary ko. Tatanong mo lang ha? Wag mong liligawan."

"tignan natin Zoe" nakangising sabi niya habang nag lalakad palapit sa pinto.

"Tsss. Tristan wag ka muna mang babae pwede ba!?"

"nako Zoe. Alam mo naman yang sekretarya mo eh kapag nakikita ako eh halos tumulo ang laway at malaglag ang eyeballs sa kakatitig sakin eh"

"Tristannnnn....!!! " Malakas na sigaw ko sakanya.

"oo na. Chill lang. Ang init agad ng ulo mo eh" sabe niya atsaka tumayo "bakit kasi ayaw pa gumising ni bossing eh." sabe niya at agad ko naman siyang tinignan ng masama.

Oo. Ayokong maaalala ang sitwasyon ni Alex ngayon. Natatakot akong sobrang galit ang maramdaman ko pag nag kita kame nung Jaxx Warren na iyon. Ayoko din masyadong isipin ang lagay ni Alex. Baka hindi ako makapag focus dito kay Jaxx Warren.

Kinuha ko ang tissue sa table ko at ibinato sakanya na agad naman niyang naiwasan.

"Letse ka Tristan!!!!" malakas na sigaw ko nung palabas na siya sa office.

Nag twitter na muna ako habang hinihintay si Tristan.

"oh buti naman mabilis ka nakabalik"

"oo naman. Kakausapin ko pa sana secretary mo kaso may kausap. Sabe pa nga niya i ho-hold daw niya yung line para makausap ako" iiling iling na sabi niya.

Tinignan ko naman siya ng may pag tataka dahil sa mga sinasabe niya

"ako na nga ang pumigil sakanya dahil mukang Busy na busy siya"

"busy yon. May meeting ako bukas eh."

"ahh. Kaya pala."

"o sige na mag hanap-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nag ring ang phone ko "wait lang Tristan. Natawag si Daddy. Sagutin ko muna."

"sige"

"Hello Dad? Napatawag ka" tanong ko kay daddy pag ka sagot ko ng tawag.

"are you busy?"

"no. Why?" tanong ko.

"where are you?"

"nasa office dad. Kasama ko si Tristan. May inaasikaso lang."

"okay stay there and prepare. May meeting tayo pag ka dating ko."

"yes dad. By the way dad, what should I bring? And tungkol saan ang meeting para mapag handaan ko na"

The Art of DestinyWhere stories live. Discover now