Zoe Gail
Kinabukasan
Nakaupo ako sa office ko habang nag babasa basa ng ibang documents dahil mag sisimula na ang klase at hindi na ako palaging naandito.
Ninanamnam ko pa ang masarap na pag kakaupo ko ng biglang pumasok si Kia
"Hoy bumangon ka diyan" malakas na bungad niya sakin pag katapak na pag katapak niya sa teritoryo ng office ko.
"naka bangon na ako. Nakaupo lang"
"oh edi umayos ka ng upo"
"tsss. Ano nanaman yon?"
"shopping tayo dali"
"ayoko. Tinatamad ako"
"judeng ka Zoe. Dalian mo na. Sa daming beses na kitang niyayang mag shopping hindi mo pa ko sinagot ng ganyan nuon."
"Jusme Kia nasa office tayo. Paka formal ka naman"
"formal? Sorry Gurl. Hindi ko alam yon. Sa conference room ko lang naaalala yan."
"ewan ko sayo"
"dali na-Ay" napapahiyang napahinto siya ng biglang pumasok ang secretary ko.
"Good morning Maam Zoe, good morning Maam Kia."
"hmm.. Good morning. Bakit?" nakamgiting bati ko kay Samantha.
"bibigay ko lang po yung statement ng secretary ng president ng Gwarren"
"statement? So hindi tuloy meeting ko with them?"
"yes maam"
Tssss. Pahirap talaga tong mga to eh.
"ahh. Sige akina"
"eto po Maam" sabe niya atsaka inilagay sa mesa ko ang document.
"sige salamat"
"ay tsaka po pala maam, your dad and your mom will arrive sooner to discuss with you your new school"
"ahh. So you dont have the name of school yet?"
"yes maam. Daddy at mommy niyo na lang daw po ang magsasabi sainyo"
"nung tumawag sila, nasan na sila?"
"paalis pa lang daw po"
"sige. Bilhan mo na lang ako ng doughnuts and milk tea or iced coffee"
"yes maam"
"sige. You may leave" lumabas naman agad siya ng pinto.
Napatingin ako kay Kia dahil naramdaman ko ang paningin niya sakin. Bahagya pa akong nagulat ng makita kong masama ang tingin niya sakin. Hindi lang masama. Masamang masama.
Problema neto? I
"Anong muka yan?"
"ano yung narinig ko?"
"Schedule ko? Appointments? Meeting?"
"duh. Ofcourse I know. What I mean is, anong lilipat ka ng school?"
"oo. Lilipat ako ng school"
"but why?" tanong niya na lumapit pa para umupo sa harap ng table ko at inilapit ng sobra ang mukha niya
"lumayo layo ka nga Kia. Ambaho mo hahaha" malakas na tawa ko.
"ay ang kapal ng muka Zoe. Mas mayaman ka lang pero mas mabango ako."

YOU ARE READING
The Art of Destiny
De TodoWill you be blinded by love? Are you willing to accept his excuses and reason for leaving you? Do you love him enough to listen? Are you brave enough to face Him? Are you ready to face the one who once broke your heart?