Matagal nang may pag-ibig si Janine para kay Paulo pero kailanman ay hindi niya ito nilapitan para aminin ang pagsinta dito. Sapat na sa kaniyang mahalin ito sa malayo. Tanggap niya sa simula pa lang na walang katugon ang damdamin niya para sa binata.
Nanatiling lihim iyon sa pagitan nila ng matalik niyang kaibigan. Maging ang nag-iisang kapatid na sobrang lapit nila sa isa't isa ay walang alam tungkol sa bagay na iyon. Akala ni Janine ay mananatili na iyong lihim, hanggang sa siya na mismo ang makalimot na minsan sa buhay niya ay may minahal siyang nagngangalang Paulo.
But Darwin, Paulo's cousin, happened.
Nalaman ni Darwin ang pagtingin niya sa pinsan nito. Hindi man siya nilalaglag sa mismong lalaki ay halos hilain naman nito ang dila niya para umamin dahil sa iba't ibang pakulong ginawa nito para magkalapit sila ng lalaking mahal niya, dahilan din para maging bahagi ito ng araw-araw niyang buhay.
Naiinis man kay Darwin subalit nagpapasalamat siya sa pagkakataong binigay nito para sa nagmamahal niyang puso.
Ngunit bakit 'tila naglaho iyong nagliliparang paru-paro sa tiyan niya tuwing nakikita at nakakasama si Paulo?
Nakawalaka na ba iyon?
Nakawala noong biglang nalusaw siya ng mga matang naniningil ng katuparan ng pangako niya...noon.
What the-- that's her four o'clock promise ages ago!
BINABASA MO ANG
Four O'clock Promise
General FictionNabigyan ng pagkakataon si Janine na mapalapit sa taong apat na taon na niyang minamamahal nang palihim sa tulong ni Darwin. Akala niya sa pagkakataong iyon ay matutugunan na ang pag-ibig niya sa lalaki. But it didn't turn to what she expected. ...