PUMIHIT na siya patalikod dito at babalik na sana sa loob nang matigilan siya. Naglalakad palapit sa kanila si Raemart.
He walked like he own the place he's standing. Seryoso ang mukha nitong namumula dahil sa dami ng alak ng nainom. Ganoonpaman ay nakakapaglakad pa rin ito nang hindi nabubuwal.
She looked intently at his eyes. He seemed unalarmed but still has warning-look glares whenever he glanced at Darwin who's standing behind her.
"Kuya," bati niya rito nang makalapit. "I was about to look for you. I want to go home already, Kuya. Can we?" Pasalamat si Janine na hindi siya nautal sa harap ng kapatid.
Ayaw niyang bigyan ito ng ibang interpreatsyon sa pag-iisa nilang dalawa ni Darwin sa bahaging iyon ng mansiyon ng mga Escalante.
Ugali na ni Raemart na itaboy ang mga lalaking umaaligid sa kaniya, lalo na ang nagpapalipad-hangin sa kaniya. Wala naman siyang problema roon. Pabor pa nga iyon sa kaniya dahil hindi na siya mahihirapan pang itaboy ang mga ito.
Si Paulo lang ang gusto niyang maging bahagi ng espesyal na mundo niya. Wala ng iba.
But Darwin does not belong to that group. Wala itong ibang motibo sa kaniya noong lapitan siya nito kanina maliban sa gusto siya nitong kumustahin at samahan.
Walang motibo pero nadaganan ka na kanina? tudyo ng isang bahagi ng utak niya.
Aksidente iyon, depensa ng isa.
Aksidente nga. Pinagtatanggol mo, e, sarkastikong balik ng una.
Hinintay ni Janine na sumagot si Raemart pero nanatili lang itong nakatingin kay Darwin. They way he looked at him is not the same way he looked at the previous guys he shrugged off her way. It's more challenging... and dangerous!
Na-misinterpret nga sila nito!
"Kuya, it's not what you think," agad ay paliwanag niya.
Tumingin sa kaniya ang nakatatandang kapatid. Mata sa mata. She can't look away, dahil ginagamitan naman siya nito ng hipnotismo. Madalas siya nitong gamitan niyon kapag gusto siya nitong patahimikin o may gustong malaman na alam nitong hinding-hindi niya aaminin.
Pilyo itong ngumisi sa kaniya pagkalipas ng ilang segundo. Muli nitong hinarap si Darwin.
"She's my only little sister, Mayor, just to remind you," he said in his most dangerous and serious tone.
Kahit si Janine na madalas ng marinig iyon sa kapatid ay pinagtaasan pa ng balahibo.
But she loudly gasped when he heard light chuckles behind her. Napalingon siya sa binata.
Tinaas nito ang dalawang kamay na tila sumusuko. "Chill, Suarez. I am not hitting on her," anito na may pilyong ngiti saka tumingin sa kaniya. "Am I?"
Pakiramdam ni Janine ay nablangko ang isip ni Janine sa ngising iyon ng lalaki. "Y-yes. Yes, Kuya. We're just talking here," aniya na tila lumabas lang sa bibig niya.
Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit nadadala siya sa mga ngisi ng lalaking 'to?
Mataman siyang tiningnan ni Raemart, na nagpabalik sa ayos ng sistema niya. Lihim siyang nakahinga nang maluwag. Darwin might bad to her system.
"Mabuti na ang malinaw, Janine. You are still young to invest to someone something like love."
"I know, I know. You don't have to bring that up whenever you see me talking with random guys."
"This is for your own good, Janine."
"And, thank you for that. But, seriously, there's nothing to guard here, Kuya."

BINABASA MO ANG
Four O'clock Promise
General FictionNabigyan ng pagkakataon si Janine na mapalapit sa taong apat na taon na niyang minamamahal nang palihim sa tulong ni Darwin. Akala niya sa pagkakataong iyon ay matutugunan na ang pag-ibig niya sa lalaki. But it didn't turn to what she expected. ...