Chapter Four

9 0 0
                                    

Happy new year, guys!

**

MAG-ISANG nananghalian si Janine sa loob ng cafeteria. Wala siyang ganang kumain sa labas ng university kasama ang ilang kaklase at hindi rin pumasok si Andy. Nagkaayos din sila agad kinagabihan ng kaibigan. Ganoon naman madalas ang babae; iiwasan siya kapag nakagawa siya ng mali rito pero hindi natatapos ang araw na hindi sila magkabati.

Ngayon, masama ang pakiramdam ni Andy. Inumaga ito sa isang kilalang bar dahil nagkasagutan na naman ito at ang amang sobrang diktador. Ang pagba-bar magdamag ang madalas na outlet nito para ilabas ang sama ng loob.

Isa iyon sa mga hindi gusto ni Janine na pinagbago ng kaibigan. Minsan na kasi itong napahamak sa ginagawa nito pero ang babae, punta pa rin nang punta sa ganoong lugar. Minsan gusto niya na lang gawing personal bar nito ang bahay nila para hindi na ulit nito isasangkala ang kaligtasan sa pagrerebelde sa ama ngunit alam niyang hindi papayag si Raemart. Baka siya pa ang maging beteranong rebelde sa kanilang dalawang magkaibigan.

Nakakalahati pa lang ni Janine ang kinakain nang may biglang umupo sa upuan sa tapat niya. Paglingon niya ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Darwin.

"Can I sit here?" tanong nito saka inayos ang pagkaing dala.

Inirapan niya ito. "Nakaupo ka na lahat, saka ka pa lang magpapaalam?

Ngumiti ito nang malapad. Halos makita na niya ang buong ngipin ng lalaki. "Ang importante, nagpaalam. That's what we called respect, Janine."

Naitirik ni Janine ang mga mata. "Respect, my face, then," ingos niya na lang.

Malakas itong humalakhak. Lumabas ang smile wrinkle nito na mas lalong nagpatingkad ng kaguwapuhang taglay nito. Hindi iyon ide-deny ni Janine. Darwin is undeniably charming and gorgeous. Mas lumalakas ang appeal nito dahil sa magaang aura nito at malinis na puso.

"Kapag ba sinabi kong ayaw kitang makasalo sa pagkain, aalis ka?" pagtataray niya para agapan ang pagwawala na naman ng kaniyang katinuan tuwing nasa malapit si Darwin.

"Not until I'm full," he playfully winked at her.

Pinaikutan niya ito ng mata saka pinagpatuloy ang pagkain. Mas binilisan niya ang pagkain nang kumalam ulit ang kaniyang tiyan. Masyado siyang nagutom sa huling klase para mag-inarte pa sa presensiya ni Darwin.

"Dahan-dahan. Walang aagaw ng pagkain mo, Janine," suway kay Janine ni Darwin.

Hindi niya ito pinansin at panay subo lang. Wala na siyang pakialam sa etiquette na 'yan. Gutom siya basta. Pero bago pa man niya masubo ang huling kutsara ay nabilaukan siya. Sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa niya habang pilit na inaabot ang baso ngunit sa kamalas-malasan ng tipaklong, imbes na mahawakan ay naitabig niya iyon!

Damn that "walang etiquette-etiquette ngayon"!

Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang mainit na paghagod ng palad ng kung sino sa kaniyang likuran. Inabutan siya nito ng isang basong tubig na agad niyang tinanggap at ininom. Nang makabawi ay saka lamang niya tiningala ito. It was Darwin. His deep expressive black eyes were clouded with worry; playfulness and entertainment were gone.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" pakuwa'y tanong ni Darwin sa nag-aalalang boses.

Dahan-dahang tumango si Janine habang sapo-sapo ang dibdib. "I thought that would be my death."

"Masama kang damo kaya hindi ka mamatay sa pagkakabilaok," anito, may ngising-aso sa mukha nito.

Malakas niya itong hinampas sa malambot nitpng tiyan. Mukhang naalarma ito dahil agad itong bumalik sa kinauupuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Four O'clock PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon