TAPOS na ang klase ni Janine para sa araw na iyon. Balak niya na sanang umuwi para makapagpahinga pero hinatak siya ni Andy papuntang soccer field.
Gusto raw nitong makakuwentuhan pa siya ngunit alam niya ang totoong dahilan nito -- those good-for-nothing soccer players from Foreign Department.
Hindi siya judgmental. Wala lang talagang alam ang mga lalaking iyon kundi gamitin ang "fame" nila para maghakot at magtuhog ng mga babae. Halos kalahati sa members ng team na iyon ay kaliwa't kanan ang girlfriends, sa loob at labas ng university.
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit may mga babaeng pumapayag na ibaba nang ganoon ng mga lalaking iyon ang dignidad nila? May ganda at talino naman sila. Bakit sila nagtitiyaga sa mga walang kuwentang lalaki?
"Ano ba kasing mayroon sa mga lalaking iyan at gustong-gusto niyong panoorin? Mukhang yabang lang ang alam ng mga iyan, o. Baka nga pati grades nila ay kung hindi bagsak, pasang-awa," aburidong singhal ni Janine kay Andy.
She tried to have a conversation with her friend, pero mukhang hindi naman ito nakikikinig sa kaniya. Halos maglaway na ito sa kakatanaw sa anim na kalalakihang naglalaro sa field, hindi kalayuan sa kanila.
Nilingon siya ni Andy. "Their abs and manliness. Can't you be supportive, Janine? I was enjoying my teenage life here. Loosen up, too!" Nangingislap pa ang mga mata nito.
She rolled her eyes, with disgust on her face. "I'd rather have a boring "teenage life" than admiring such bunch of jerks, Andy."
Napapalatak ang kaibigan niya. "Saan ba napunta ang pagka-girly mo noong high school tayo? Sa pagkakatanda ko ikaw ang nangungunang tumitili kapag may bagong guwapong dating sa eskwelahan natin, mapa-higher or lower year pa sa atin!"
"I was still childish back then, okay? Akala ko maganda sa babae ang halos maglaway sa isang lalaki. Time teaches me maturity, as well sa self-respect."
Tama ito. Noong high school sila ay halos kalahati ng boys sa academy nila ay "crush" niya. They were all cute, charming, and admirable. She can not see anything about them that would turn her off. Umiyak pa siya noong nabalitaan niyang isa-isa ng nagka-girlfriend ang mga crushes niya.
Ngayong naalala niya ang mga kagagahan niya noong hayskul, siya mismo ang nadidiri sa mga logics niya noon.
"Well, time teaches me how to be matured yet gaga," kinikilig na tugon ng kaibigan sabay kindat sa kaniya.
Tumili ito nang may isang player na naka-goal. Pasimpleng naitakip ni Janine sa mukha ang natural na tuwid na tuwid na buhok nang tumingin sa direksyon nila ang mga ito at ilang nanonood din.
"Can't you tame your fan girl side, Andy? Nakakahiya ka!"
"Ngayon alam mo na kung anong kahihiyan ang binigay mo sa akin noong high schooler tayo tuwing tumitili ka sa mga katotoyan sa campus. Mas nakakahiya ka kaya. Wala kang pinipiling sitwasyon at oras."
"Nasaan na ba iyong tahimik at introvert na Andrea Heart Valecia na binu-bully namin noon? Mas gusto ko pa yata iyon maging kaibigan kaysa sa 'yo!"
"Malamang nag-upgrade. She's too outdated to be a millennial." She grinned.
Andy used to be introvert way back in high school. Wala itong ibang alam noon kundi ang magbasa ng libro, umupo sa designated chair, o mag-recite sa klase. Napaka-inactive nito noon na madalas nilang magkaka-batch na i-bully. Sa girls, siya ang pumapangatlo. Dianne was first and Rhianne from the other section was the second.
But when they entered college, Andrea changed. A lot. Madaldal na ito, outgoing, at mas malaki na ang circle of friends kaysa sa kaniya. She tried to mock her like before but she seemed not affected anymore. Binara pa siya!
BINABASA MO ANG
Four O'clock Promise
Художественная прозаNabigyan ng pagkakataon si Janine na mapalapit sa taong apat na taon na niyang minamamahal nang palihim sa tulong ni Darwin. Akala niya sa pagkakataong iyon ay matutugunan na ang pag-ibig niya sa lalaki. But it didn't turn to what she expected. ...