Chapter One

36 1 0
                                    

Ito ang unang nobelang nasulat ko simula noong hindi ko na makilala ang mga salita mula noong 2016. Basta na lang nawala lahat, e. Sumasali pa ako sa mga online WriCons tapos bigla na lang nawala 'yong mga mahikang kasa-kasama ko sa pagkatha. Ang sakit lang sa parte ng isang taong gusto magbahagi ng kuwento.

Ngunit hindi ko sinukuan ang pagsusulat tulad ng hindi ito sumuko sa pagkatok sa akin. And after two years, I've finally found myself picking up my pen. Literal. Sa papel pang-grade 4 ako unang nagsulat. Mga plots, name of characters, conflicts, and ending of every characters.

Hindi ako makakabangon muli kung hindi ako nakapasok sa mundo mo, Miss . Ang mga nobela mo ang unti-unting bumangon sa akin, ang muling naghikayat sa aking magsulat. That's why I dedicated this chapter to you, Ms. CD. Ang panulat mo ang bumukas sa madilim na silid na kinalalagakan ko.

Hindi man ito makaabot sa 'yo, masaya pa rin akong naging bahagi ka ng muli kong pag-ambag sa literatura. <3

- Xiao Hua

-----


Malalim na napabuntong-hininga si Janine pagkatapos makipag-usap kay Andrea sa cellphone. Naiinggit siya rito. Masaya ng nagpapahinga sa silid nito ang kaibigan habang siya ay pinagtitiisan ang ingay sa kabahayan na iyon.

She loves parties. Kahit anong klaseng party iyon, basta alam niyang hindi siya mapapahamak sa mga kasama, ay hindi niya iyon tinatanggihan. She can skip studying all night for social events, lalo na kung ang kasama niya ang nakatatanda at nag-iisang kapatid na si Raemart.

Ngunit kapag may kinalaman na ang pangalang Natasha Escalante ay agad niya iyong tinatanggihan. Di bale ng magkaugat siya sa kuwarto kakaaral basta huwag niya lang makita at makasama sa iisang lugar ang babae. But tonight is different.

Nasa birthday party siya ng babae!

It was all because of her older brother. Hindi siya nito tinigilan hanggang sa hindi siya napapapayag na maging date nito sa party.

Tatlong buwan na ring nililigawan ng kapatid ang babae. Akala niya noong una ay flavor of the month lang ito. Sanay naman siyang nilalabas-labas lang nito ang mga babaeng nali-link dito. Pero nagulat na lang siyang noong nakaraang buwan, habang nanonood sila ng bagong pelikula sa sinehan, ay inamin nito sa kaniyang seryoso na ito sa dalaga. Hindi nito inamin na mahal na nito si Natasha pero mukhang malalim na ang relasyon ng dalawa.

And that makes her blood boils. Hindi siya pinanganak sa panahon ng mga ito pero hindi siya bulag para hindi makita ang totoong kulay ni Natasha. She's just using her brother to save her face from a fail-relationship with some Robi. Biglang nawala raw ang lalaki at pagkalipas ng ilang linggo ay nalaman na lang nitong may binabahay na babae ang lalaki. And her brother being soft-hearted towards women, he spare time for her to help her from moving on. Nakakainis, bakit hindi nito makita ang totoong kulay ni Natasha?

Bumuga ng marahas na hininga si Janine. Looks like she have to work hard now to shrug the woman off her brother. Kailangan niya iyon pagplanuhan nang mabuti bago isagawa para siguradong walang magiging aberya sa gagawin niya.

Mula sa kinauupuang high stool sa kusina ay tumayo siya at naglakad palabas. May nakasalubong siyang waiter na may dala-dalang alak. Kinuha niya ang dalawang baso at pinag-isa ang laman saka naglakad palabas ng mansiyon.

Malaki ang buong kabahayan ng mansiyon. Western-style at homey sa pakiramdam. Hindi mabigat sa dibdib na tumapak sa bahay na iyon. Pero mas gusto niya ang garden.

Paglabas pa lang ng entrada ay bubungad na ang iba't ibang klaseng bulaklak. Bawat kanto ng pahabang flower garden na iyon ay may ilaw. Ganoon din sa water fountain na napapalibutan din ng mga halama't bulalak. Kitang-kita sa magagandang paglaki nito na busog ito sa alaga at pataba.

Four O'clock PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon