Kabanata 2

10 1 0
                                    

School

Mabilis lumipas ang araw. Hindi na ako nakabalik sa dagat mula noong araw na iyon. Hindi ako umiwas kundi dahil sa marami kaming ginagawa at hindi na rin ako pinayagan nila mama na bumalik pa sa dagat kapag wala akong kasama.

School days na sa susunod na linggo,parehas kami ni Ace ng kukuning Strand,ibigsabihin noon ay magkaklase kami. Hindi namin iyon pinag-usapan. Sadya lang talagang nasa iisang Strand lang ang gusto naming kuning kurso pagdating ng College.

Gusto ko mag Teacher, siya naman ay Lawyer, kaya sa HUMSS kami pumunta. Si Darius naman ay Doctor kaya sa STEM siya

Pupunta kami ngayon sa School para kunin ang schedule namin. Kami na rin ang kukuha sa schedule ni Darius dahil linalagnat siya.

Bigla ko nalang naalala si Lia, "Dre,kailan pa nakabalik sina Lia dito?" tanong ko kay Ace habang naglalakad kami papuntang campus.

"Ah,noong 2011 pa, pagtapos niyo maggraduate ng Elementary."sagot niya sa tanong ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Malaki na ba nagbago sa kaniya noong bumalik sila dito?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Ahm sa pagkakaalala ko, pumuti lang siya konti, tapos pumayat din konti." sagot niya ulit sa akin. "Eh bakit ba tinatanonh mo?"

"Ano kase dre, nakita ko siya noong summer sa restaurant malapit dun sa atin." saad ko. Ngayon nasa covered walk na kaming naglalakad.

"Ahh, sila ang may-ari nun." sabi niya.
"Dre, ang laki ng pinagbago niya." sabi ko naman. "Ibang-iba na siya ngayon, halos di ko na siya makilala."

Maraming mga batang naglalakad-lakad sa loob ng campus. Marami rin ang mga batang nakaupo lamang sa malawak na may Bermuda grass.

Yung iba ay napapatingin sa amin.
"Sinabi mo pa dre, kami nga rin eh, d namin siya nakikilala pag iniimbitahan silang pumunta sa bahay." sabi niya.

"Nakausap mo?" tanong niya sa akin. Nasa Senior High building na kami ngayon. "Oo dre. Noong Summer din."sagot ko naman." Ahh" sabay tango niya.

Ano ba problema mo Clyde? Bat mo ba siya naalala tsk.

May nakasalubong kaming grupo ng mga lalake. Tiningnan nila kaming dalawa ni Ace. "Par,musta?" tanong nong isang lalake na maputi at kasing tangkad ko. Nag-apir sila ni Ace. "Okay lang par,kayo?" tanong din ni Ace sa kanila.

Nakatingin ang lalake sa akin, para bang nagtatanong kung sino ako. "Okay lang din naman par, sino nga pala tong kasama mo?" tanong ulit ng lalake habang nakatingin pa rin sa akin.

"Ah, pinsan ko Si Clyde." sagot ni Ace. "Clyde, si Mark nga pala." pakilala niya sa lalakeng kausap niya kanina. "Si Wesley." pakilala niya sa katabi ni Wesley. "Si Cole, at Carl kilala mo naman sila dba." pakilala niya sa dalawang nasa likod, kilala ko sila, sa Racat din sila nakatira "At si Tyler" pakilala niya sa lalakeng naka Jacket sa tabi ng kambal.

"Mga barkada ko." pakilala niya sa akin sa grupo. "Clyde mga Dre." pakilala ko naman sa sarili ko.

Matapos sila nagkamustaan aiy dumaretso na kami sa may faculty kung saan daw kami magpapalista para sa Brigada.Nang matapos na kami magpalista ay pinaglinis nila kami sa may library. Pinalinis nila sa amin yung mga patak ng pinta sa sahig, at inaayos namin yung mga libro.

"Ang gwapo naman ng kasama ni Ace." narinig kong saad ng isang babae na nagaayos din sa kabilang cubicle.Tatlo sila dun, mayroon ding apat pa sa kabilang cubicle na narinig kong pinaguusapan din kami.

Her DiaryWhere stories live. Discover now