Escort
Tumunog ang cellphone ko, dahilan kung bakit ako nagising. Four-thirty na pala,unang araw na ng pasukan.
Bumangon ako at dumaretso na sa kusina..
"Good morning." bati ko kina papa, mama, tita at tito na nasa lamesa na, naguusap-usap. Binati rin nila ako pabalik.
"Tita si Ace po? Di pa ba gising?" tanong ko kay tita Jilyan..
"Hindi pa ata, ikaw na nga gumising, ginising ko na kanina yun eh hanggang ngayon di pa bumababa." sagot naman niya sakin...
"Sige po." sagot ko saka ako umakyat at ginising na si Ace...
"Ace bangon na!" mahinang sigaw ko sa labas ng pintuan ng kuwarto niya.
"Oo na sandali lang." inaantok pa niyang sagot sakin...
"Baka malate na tayo niyan Ace." dagdag ko.
"Hinde, sige na susunod na lang ako." sigaw niya sa loob.
Bumaba na ako pagkatapos at saka ako humarap sa lamesa.
"Kumain ka na, baka malate na kayo sa school." sabi sakin ni mama.
"Si Ace gising na?" tanong sakin ni tito. "Opo tito susunod na yun." sagot ko naman.
Pagkatapos kong kumain ay dumaretso na ako sa kwarto para maligo.
Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis yata ng tibok ng puso ko. Para bang nakikirapkarera sa pitik ng kamay ng orasan sa kwarto ko.
Siguro ay kinakabahan lang ako dahil first day of school. Myla sa binta ng aking kwarto ay may nakikita akong mga jeep na may estudyante. Eto na yun, pasukan na nga.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako. Hindi pa ako mag-uunjform sa ngayon kasi hindi pa natatahi yung uniform namin ni Ace.
Pagbaba ko, nakabihis na rin si Ace. Kumakain na lang siya.
Inilagay ko ang bag ko sa likod at saka naglakad palabas ng bahay. Dumaretso ako sa sasakyan kung saan naghihintay si papa.
Dumating si mama para bigyan ako ng baon ko. Hindi na raw kami magbabaon ng tanghalian dahip meron naman daw silang tindang tanghalian sa loob ng campus. 200 pesos lang ang ibinigay sa akin ni mama,ganun din kay Ace. Para sa akin sobra ang baon ko, hindi ko ito magagastos sa isang araw lamang, kaya ang natitira sa baon ko ay iniipon ko pambili ng gitara.
Mahilig ako mag gitara, yun lang ang ginagawa ko noon sa Manila kapag wala akong ginagawa sa bahay. Hindi ko na dinala yung gitara ko dito, ibinigay ko na lang sa kaibigan ko na mahilig din duon.
Lumabas na si Ace at umalis na kami sa bahay.
Pagdating namin sa school marami na ang estudyante na nagkalat. Halos lahat naka uniform, kami na mga Senior High lang siguro ang hindi.
"Ano una nating subject?" tanong sa akin ni Ace. "General Mathematics ata" sagot ko.
"Math nanaman, mababaliw nanaman ako sa pagsolve niyan"
"Haha bakit ikaw lang? Tayo kamo" nagtawanan kami.
Tumunog ang bell kaya naglinya na kami. Dito ko nakita na ang dami pala ng mga estudyante rito.
Kumanta kami ng lupang hinirang at Cagayan Hymn pagkatapos ay umakyat ang isang babae sa kinaroroonan ng flag pole at nagsimulang magsalita.
"Good morning students!" sigaw nito.
"Good morning ma'am!" bati naman ng mga eatudyante.
YOU ARE READING
Her Diary
Teen FictionThis story is just an imagination of the author. The names of the characters are only based on the names of some of the author's friend. The places are true and it is the hometown of the author.This story is the first story written by the author. Th...