Kabanata 1

20 4 5
                                    

Ex-Crush

Nagplano sina tita at mama na magpipicnic sa dagat. Dito lang naman sa tapat namin kami pupunta, sa kabilang kalsada lang iyon.

"Nak mauna na kayo sa dagat nina Ace at Darius, kunin na ninyo yung banig at mag ayos na kayo doon." utos sa akin ni tita Jilyan.

"Sige po tita, asan po ba yung banig?" tanong ko.

"Nasa taas ata, duon sa kwarto ni Ace, tingnan na lang ninyo doon, sa cabinet atang malaki ko inilagay yun noon." sagot niya sakin. "Sige po tita, nasa kwarto po ba si Ace?"

"Oo nandoon siya, hindi pa bumababa mula kaninang natapos kumain." sabi niya habang inaayos yung mga plato, baso, kutsara at tinidor na dadalhin namin sa dagat. "Sige po tita."

Pagdating ko sa hagdanan ay nakasalubong ko si mama.Napansin kong tiningnan niya ang aking mga damit. "Palitan mo iyang damit mo, yung mga dark ang isuot mo."sabi ni mama sa akin.

Napatingin ako sa damit ko. Oo nga pala white ang kulay ng t-shirt na suot ko. Ayaw niya kase na white t-shirt ang isinusuot ko pag naliligo ako sa dagat. Ewan ko ba.

" Sige po." at dumaretso na ako sa kwarto ko. Binuksan ko yung cabinet kung nasaan ang mga damit ko. Kinuha ko iyong Vneck Grey t-shirt na may print na Calvin Klein at saka ito isinuot.

Paglabas ko ng kwarto ay daretso na ako sa kwarto ni Ace. Narinig kong may kinakausap ito, sigurado akong si Starlyn iyon. Tumatawag siguro.

"Ace? " sabi ko hang kumakatok sa pintuan. Bumukas ito at nakita ko si Ace na nasa tenga ang cellpgone. "Oh Clyde, aalis na ba tayo?" tanong nito sa akin.

"Ah hindi pa, may pinapakuha lang si tita Jilyan dto sa kwarto mo, nandito raw kasi yung banig kukunin ko sana." sagot ko.

"Ah halika pasok." pumasok dn naman ako. "Starlyn teka lang ah, tawag ulit ako mamaya, may hahanapin lang kami ni Clyde." sabi nito sa kausap niya sa cellphon. Tama nga ako, si Starlyn iyon.

"Ang alam ko dito yun eh." sabi niya, pagkatapos binuksan iyong medyo malaking cabinet. Naalala ko iyong sinabi ni tita sa akin, nasa malaking cabinet daw iyon.

"Ah Ace ang sabi ni tita nasa malaking cabinet daw iyon."sabi ko kay Ace." Ahh ganun ba. " binuksan niya iyong malaki at nakita nga namin iyong banig doon.

" Mauna na raw tayo sa dagat at tayo raw ang mag-aayos doon. "sabi ko." Ahh okay,sige magpapalit lang ako. "sabi niya saka ito kumuha ng damit at nagpalit.

Pagdating namin sa sala ay nadatnan namin si Darius na naglalaro sa kaniyang cellphone. Clash of Clans ata iyong larong iyon." Dre! "tawag namin dito. Nagulat ata namin siya dahil muntik na nitong mabitwan ang cellphone.

" Tsk, ano ba naman kayo, nanggugulat. "nagtawanan kami ni Ace." Mauna na raw tayo sa dagat. "sabi ko kay Darius." Sige tara. "sagot naman nito,at agad ding tumayo.

Wala pa ring nagbabago sa dinadaanan namin noon. Madamo ang paligid at marami paring puno.

Tahimik kami ni Ace habang naglalakad samantalang si Darius ay may katawag na ngayon.Hindi ako sigurado pero parang isa yun sa mga girlfriend niya.

Napatingin ako kay Ace na daretso lang ang lakad."Ace diba katawag mo si Starlyn kanina." sabi ko dito. "Ahm oo bakit?" sagot ni Ace.

"Hindi mo na ba tatawagan ulit?" saad ko. "Hindi na muna, mamaya nalang siguro pag nasa dagat na tayo." sabi niya. "Ahh okay."

"Saan nga pala tayo?" tanong ko sa dalawa pero hindi ako pinansin ni Darius dahil may kausap pa ito sa cellphone. "Doon ata sa dati nating pinupuntahan." sagot sa akin ni Ace. "Sa may puno ng mangga?"

Her DiaryWhere stories live. Discover now