Birthplace
Linilibang ko ang aking mga mata sa pagtingin sa mga magagandang bahay at tanawin na aming nadadaanan.
Paglagpas namin ng tulay ng Gonzaga alam kong malapit na kami sa aming pupuntahan. Exited na ako na umapak muli sa lugar kung saan ako lumaki. Naalala ko ang aking kabataan, samasama kaming magpipinsan na pumunta sa dagat noon upang maligo roon. Umaakyat kami ng bundok at tumatambay sa patag na lupain sa taas nito. Kita namin ang ganda ng dagat at ng mga bahay na nakapaligid dito.
"Clyde sabihin mo kay Ace na nandito na tayo sa Casambalangan." utos sakin si papa.
Ang bilis naman ng oras, hindi ko man lang namalayan na nasa Sta. Ana na kami. Pero masaya ako at nanakarating kami ng maayos.
Inilabas ko ang aking cellphone at itinext si Ace gaya ng sabi ni papa.
Ako:
Ace nandito na kami ngayon sa Casambalangan.Hindi ko inaasahan ang agarang pagreply nito sa akin. Siguro ay hinihintay niya talaga ang text galing sa amin.
Ace:
'kay, hihintayin namin kayo. Gosh exited na akong makita ka ulit dre.Hays, hindi pa rin siguro siya nagbabago.
Si Ace nga pala ay pinsan ko, bestfriend ko rin siya simula noong bata pa kami. Sabay kaming lumaki ni Ace dito sa Sta. Ana, iniwan ko lang siya noong lilipat na kami sa Maynila dahil doon ako pagaaralin ni papa noon ng High School. Si mama ang may gusto noon dahil sa walang magbabantay sa aming lolo na naiwan sa Maynila. Ang mga kapatid ni mama ay nasa abroad isa lang ang naiwan sa Maynila upang bantayan ang aming lolo. Nalaman ni mama na hindi na raw masyadong nakakagalaw si lolo at hindi raw kaya ng bunsong kapatid nina mama na bantayan siya, kaya napilitan kaming lumipat roon.
Noong nakaraang taon namatay ang aming lolo, sobra ang pag iyak ni mama dahil sa nangyari. Sobrang pagod si mama sa mga araw na iyon dahil ilan lang ang tumutulong sa kanila. Lagi siyang puyat dahil sa pagbabantay kay lolo, ayaw niya itong iwan. Hindi umuwi ang kanilang mga kapatid dahil hindi sila pinayagan ng kanilang mga amo. Sobrang naawa ako kay mama sa mga araw na iyon.
Noong nakaraang buwan, nagtapos na ako ng 4rth year High School. Napagdesisyonan nina mama at papa na bumalik kami rito sa Sta. Ana at dito ko na ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Huminto ang aming sasakyan at nakita ko si Ace na nag-aabang sa paglabas ko. Nakita ko rin sina Tito Herbert, Rogue, tita Marga at tita Jilyan na nagaabang sa paglabas nina papa at mama.
Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at lumabas na roon. Mukha agad ni Ace ang bumungad sa akin.
"Clyde, how's the trip?" tanong sa akin nito.
"Okay lang, pero inaantok ako, hindi ako dinalaw ng antok noong nasa daan kami." sagot ko sa kaniya.
"Ganun ba, tara sa loob nang makapagpahinga ka muna, may hinanda si mama na meryenda." ani nito.
Tumango ako at kinuha na ang bag ko sa van saka ako sumunod sa kaniya.
Nagmano ako kina tito at tita pagpasok ko sa bahay. Bahay ito ng lolo at lola namin. Ipinamana ito ng lolo namin kay papa dahil siya ang bunso sa mga magkakapatid. Dto muna tumira sina Ace dahil walang magbabantay dto at dahil na rin sa hindi pa sila nakakapagpatayo ng sarili nilang bahay noon. Ngayon ay ginagawa na ang kanilang bahay, kaya any day soon ay lilipat na sila roon. Malapit lang naman ang bahay nila sa amin, sa kabilang kalsada lang iyon.
"Ang laki mo na Clyde ah, may nobya ka na ba?" tanong sa akin ni tito Herbert ang papa ni Ace.
"Wala pa po tito." nakangiti kong sagot sa kaniya.
YOU ARE READING
Her Diary
Teen FictionThis story is just an imagination of the author. The names of the characters are only based on the names of some of the author's friend. The places are true and it is the hometown of the author.This story is the first story written by the author. Th...