Slam Book

7 0 0
                                    

Your POV

Nakapanumbaba lang ako sa desk ko. Wala nang gana ang mga teacher na magturo, patapos na rin kasi ang taon. Sa susunod na pasukan junior year na ako! pinapanood ko na lang ang mga estudyanteng gawin ang mga gusto nilang gawin kasi wala namang teachers na nakabantay, maski sila free na din sa gusto nilang gawin.

"hello, pa sign naman nito." nakangiti niyang nilapag sa mesa ko ang isang parang slam book. Maganda ang pagkakadesign niya dito, simple pero isang beses mo pa lang tignan makukuha na agad ang atensyon mo.

Kinuha ko naman ito. "Para saan naman to?" nagtatakang tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko na ksalukuyang nakabankante kasi nasa labas yung katabi ko.

"Wala lang. gusto ko lang malaman kung anong gusto mong sabihin sakin bago maghiwalay hiwalay para sa bakasyon" sabi niya. tinitigan ko siya na parang ang weird ng pinapagawa niya. si Xiumin? Magpapasign ng slam book? That's so girly. Mga babae lang kadalasang gumagawa nito, pero iba siya ah.

"alam mo, wala naman akong gustong sabihin sayo. At saka may isang taon pa naman tayo para magkasama as classmates." Sagot ko.sigurado akong classmates pa rin kami next year sa senior year namin. Pareho lang naman kami ng specialization eh.

"Please... please... do this for me. Let's just say na remembrance na lang" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. anong sinsabi nito?

"Remembrance? I don't think it's necessary" bored na sabi ko. Lumungkot ang expression ng mukha niya.

"special ka sakin kaya ikaw ang gusto kong unang magsulat dito." Parang nakaramdam ako ng awa sa sinabi niya. hindi naman siya awa talaga parang natouch lang ako. o...kay! Magkaiba yun. Forget it.

"ano bang meron, Xiumin?" parang may nasesense akong hindi maganda sa hinihiling niya eh.

"Hindi na kasi ako dito mag aaral next year, kinukuha na ako ng biological parents ko sa US, at doon nila ako gustong tumira at mag aral." Nagulat ako sa sinabi niya. so nahanap niya ang totoo niyang parents. ngumiti ako ng pilit sa sinabi niya.

"Hindi ako mag s.sign diyan" sabi ko saka tumakbo palabas. Dumiretso ako sa school garden at doon hinayaang bumagsak lahat ng luhang kanina na nagbabadyang tumulo. Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang sikip na ng pakiramdam ko.

Umiyak ako ng umiyak hangga't sa gusto ko. Sa sobrang sama ng nararamdaman ko parang balewala na sakin kung anong mangyari sakin. Ang gusto ko lang ay maglabas ng sama ng loob. Wala namang pumupunta sa lugar na ito kasi bawal kaya kahit magwala man ako dito walang makakakita.

"Bakit kasi kailangan mo pang umalis! Nakakainis ka Xiumin! Kung kelan naman gusto ko ng aminin sa sarili kong gusto na kita saka ka naman aalis na lang bigla bigla!" nasabi ko sa sobrang sama ng loob ko. Pinagbububunot ko din yung mga damong nasa harap ko saka itatapon sa malayo, na hindi naman talaga napupunta sa malayo dahil magaan lang ito.

"wag ka na umiyak, heto panyo oh." nagulat ako sa nagsalita.

"Xiu...Xiumin?" nanlaki ang mga mata ko. "na...narinig mo ba lahat ng sinabi ko?" parang tinamaan ako ng hiya ng makita ko siya. Aish. Sana naman hindi niya narinig. Nakakahiya!

"hindi naman. Kakapunta ko pa lang dito, nakita kasi kitang umiiyak eh." Nakangiti niyang sagot.

"si...sigurado ka?" kasi kung narinig niya yun, baka umiwas na ako sa kanya habang buhay. Pero hindi ko pala magagawa yun kasi siya pala ang unang mang iiwan.

Tumango siya. "bakit ka ba umiiyak? Mamimiss mo ako no?" may halong pang aasar sa boses niya. naramdaman kong uminit ang mukha ko.

"hi...hindi ah. Akin na nga yan" sabi ko saka hinatak sa kamay niya yung slam book na kanina niya pa pinipilit na sagutan ko. Kinuha ko sa bulsa ko yung ballpen, lagi akong may dala nito sa bulsa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slam BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon