Chapter 1

269 5 1
                                    

Chapter 1 

December 3.

"Okay class, pwede na kayong umuwi."

Nakakainis 'tong hinayupak na teacher na to. Sabi nya 5 mins. extension lang daw. Eh uwing uwi na kaya ako no! Naging 15 mins, ay nako naman! Kung hindi lang talaga to teacher, nasapak ko na to eh. Okay, so ang dami ko namang sinasabe. Eh ni hindi pa nga ako nakakapag pakilala sainyo. 

Sino nga ba ako? Syet, may amnesia ata ako? Hahaha joke lang, ang harot ko naman, ang dami ko namang alam. Eto na papakilala na nga eh. 

Ako nga pala si Kathryn. Ayun na yun. Yun lang. Hahahaha joke lang ulit! Ako si Kathryn Chandria Bernardo, isang Grade 8 student ng SCL University. Oo, Grade 8. Arte eh no? Pwede namang 2nd yr. highschool. Pero gusto nila Grade 8 eh, kasi hanggang Grade 11 dito eh. Ibig sabihin 5 taon ang highschool. Oo, limang taong paghihirap! Okay, balik sakin. Isa akong Grade 8 student, hindi matalino, pero hindi bobo. Tama lang. Madiskarte, hindi maarte at higit sa lahat, minsan tamad.

Lagi akong mag-isa sa bahay. Di ko alam kung bakit. Hahaha charot lang. Ang parents ko kasi, laging wala sa bahay. Masyadong busy sa business namin. Pero okay lang sakin yun, kasi alam kong ginagawa nila yun para mapagaral ako, mapakain ako at maiangat ang pamilya namin sa kahirapan. Lul, ang dami kong sinasabe eh nag mamadali nga pala ako papunta sa service ko at baka maiwanan na ako. Harot kasi ng teacher namin sa Math eh, ang daming dada eh wala ngang pumasok sa isip ko eh! 

"Julia, dalian mo naman! At baka maiwan na tayo nila Kuya Boyet." Ako.

"Saglit naman, Kath! Madaling madali lang eh? Hintay, di ka iiwan nun. Alam mo naman yung mga yun eh, hindi naalis ng wala ka." Julia. 

Oo, tama ang nabasa niyo, hindi sila naalis ng wala ako. Close kasi kami ng driver ng service namin eh, pati na rin yung bus mother. Yep, may bus mother kami. Siya mostly ang nag hahanap ng mga sakay, at tiga bukas at sarado ng pintuan ng service. 

Pababa na kami ni Julia ngayon. At kahit nag mamadali kami, eh sa gutom ako eh. Dadaan muna ako sa canteen. 

"Juls, saglit! Canteen muna tayo! Gutom na ako oh!" Ako.

"Lagi ka naman gutom kath eh! Sige na nga!" Juls.

Gaga talaga tong bestfriend kong 'to. Lagi daw akong gutom, hindi kaya!!! :( 

Yeah, si Julia. Ang isa sa mga bestfriend ko. 5 kami actually, eh pero si Julia lang kasi ang kaservice ko kaya siya ang kasabay ko ngayon. 2 years na kaming mag kakilala, pero new student siya dito. Pag bili namin ng fries, pumunta na kami sa service area. 

Hay salamat, andyan pa service ko. Akala ko iiwan na ako, kahit alam kong di nila kayang gawin yon. Hahaha. Ayun papunta na kami ngayon ni Julia sa service namin ng biglang...

"Boooogsh!"

-------------------------------------------------------------

Para san kaya yung tunog na boogsh? :> :> Baka bomba =))

Ahihi, hi guys! Eto na chapter 1. 

Comment and Vote please :) :) :) 

Just an Option.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon