Chapter 2
Kath's POV
"BOOOGSH"
OA naman nung tunog eh. Nadali ko lang namang braso ng kasalubong ko eh! Di nga siya nag react eh, pero parang kilala ko yun eh! Sa Face and name lang naman. Sino kaya yon. Kilala ko talaga yun eh! Pramis! Mahanap mamaya sa Facebook. Hahahaha, oo hahanapin ko sa facebook, ang gwapo kasi eh. HAHAHAHAHAHA
*Sa bahay*
Dating gawi, Baba ng service, Ligo, Bihis, Suklay, Buksan computer, Facebook.
Pagbukas ng facebook...
"ETO YUN EH!" Sa isip ko lang yan sinabe. HAHAHAHA
Oh, friend ko pala siya.. Siya nga yun! Di ako nag kakamali! Siya yung nakabunggo ko kanina na manhid at di manlang ata namalayan nabunggo ko siya. O baka wala lang rin siyang oras para mag salita pa.
Anyway, makapagstalk nga muna sakanya.
Hmmm, Daniel Padilla eh? Gwapo naman ng pangalan. Titingin pa nga ako sa ibang pictures, wait lang...
Oh shit, may skills sa photoshop oh! Nice one. At dahil FC ako, joke lang. Siya kaya tong FC, sa naalala ko kasi siya nag request sakin. Eh bakit ba? Pachicks ako eh, ayaw kong ngang mag request, tiga accept lang ako no. =))
Hmmm, *Pindot ng Like* *Pindot ng Like* *Pindot ng Like* *Pindot ng Like* .........
Daniel messaged you
OMAYGULAY chinat niya ako. wait... chill lang! kahit gwapo yan chill ka lang kath, excited eh. Buksan mo kaya muna! Baka GM lang yan. Wait, wala namang nag G-GM sa facebook diba? Mahirap kaya yun. Walang send to many dito no. Hahaha. Wait, mabuksan na nga!
Daniel Padilla: hi, kilala mo ba ako?
Hanep! Hindi ba dapat ikaw tinatanong ko nyan, eh ikaw kaya nag add sakin -_________-" Baliw ata to eh. Pero naks, napansin ako! Hahahaa eh sino ba hindi mapapansin, eh nag flood kaya ako sa noti nya. Ay shocks, oo nga no. Napaghalataan siguro akong stalker! Lintek na yan! Ang bobo ko nakalimutan ko yun isipin, aish. Bahala na, makapag reply nga.
Kathryn Bernardo: Hello. Uh, kilala kita by name and face eh. Pero first time natin mag-usap. Hahaha.
Ay ang tanga mo Kathryn! Malamang first time duh! Tatanungin ka ba niyan kung kilala mo siya kung nakapagusap na kayo dati? Malamang hindi diba? Ay tanga, tanga forever!!!
Daniel Padilla: Ah ganun ba? Hahaha. Hello! Ano nga pala basa mo sa pangalan ko?
Baliw ata to eh, pati pag basa sa pangalan niya tinatanong sakin? Baliw baliw baliw!
Kathryn: Uh, ano ba dapat? DUH-NYEL? Ano ba? Tama ba? Hahaha.
Daniel: Hahaha oo tama, hindi deynyel ah.
Hahahaha, 2 oras na pala kami mag ka-chat. 7 na pala eh. Makakain na muna, nagugutom na ako. Hep! Di ako laging gutom ah! Wag niyong paniwalaan si Julia! Kanina pa kaya ako kumain mga 3 pa yun eh! Anong oras na oh 7 na! 4 na oras na akong hindi nakain. Kaya gutom ako.
Kathryn: Uy, alis lang ako saglit ah. Kain lang ako. Gutom na ako eh, hahahaha.
DUHNYEL: Ay sige, eat well. Ay pero aalis na ako eh. Mag o-off na ako, text nalang? :)
HARUUUUUH! Mga da moves ni kuya ah, kunwari aalis para makuha number ko. Haba naman ng hair ko! Bibigay ko ba o hindi? Papakipot pa ba ako? Hmmmm...
----------
Isang maikling maikling update lang ulit. Hehehe. Princess and I na kasi eh. And tinatamad na ako mag type. Baka bukas or sa wednesday nalang ulit. Kung hindi bukas or sa wednesday, baka thursday, pwede rin friday. Bahala na. Pero this week. :) Sorry
Thank you sa mga nag babasa, thank you talaga!
BINABASA MO ANG
Just an Option.
FanficHanggang kailan kaya ako mag hihintay mahalin mo ako? Hanggang kailan ko kakayanin kumapit sa taong may ibang hawak? -- Not one of those cliche stories of a bad boy and a normal girl, this one is different.