To kill time, nagresume siya sa panonood ng High School Musical, yung third song na ang nagpeplay. Live concert series iyon na naiwan ng Ate niya after mag-migrate nito sa Canada.
She's clinging on the hope na makakaipon ang Ate niya after few months at matulungan siya sa pagbabayad ng balance niya sa university. Hindi naman sa ayaw niya magtrabaho, ang totoo niyan, mas kailangan ng pamilya ang dagdag kita, dahil by January ay paaalisin na sila sa inuupahang bahay.
Selfish mang isipin pero gusto niyang mag-aral kaysa magtrabaho. Delicate kasi ang katawan niya at baka mabigla sa hectic sched kung sakaling makapagtrabaho nga siya. The past few months, pinipilit niyang magexercise at magkaroon ng daily intake ng vitamins na ininsist ng ina niya.
Isang oras na lang makikita ko na uli sila Abby at ang Quesadas.
She barely noticed na tumugtog ang kantang 'You are the music in me' sa live concert ng HSM. Napatigil siya sa pag-iisip. It was the very first song na ginitara ni Seb for her--- in front of everybody inside their class. She smiled, maybe blushed a little, yeah, ikaw ba namang haranahin eh. Kaso, tuwing naaalala niya yun, she can't help but curse.
Ginago siya nito, kahit saang anggulo tingnan, nagmukha siyang tanga.
Anong ibig sabihin ng pagsave mo sa picture ni Neah? She demanded an answer as soon as Seb came back sa roof top.
Nakita niya ang tila pagkawala ng kulay sa mukha nito.
Huh? Ah a--ano, ano yan, wala la-lang yan...
She didn't pressed on questioning him, instead, nagtanong siya about sa nalalapit na regionals ng dyaryo nila.
Yeah, she knows what the picture meant. Hindi siya tanga. June pa naka-save ang picture at December na ngayon, meaning, wala ngang balak burahin ni Seb ang pagmumukha ng best friend niya sa gallery nito.
By 2:30 PM, naghanda na siya para sa meet up nila ng mga kaibigan niya. Bandang alas-kuwatro y media ng makarating sila sa bahay ng magkapatid na Shine at Murphy Quesada.
T'was 6:30 PM nang matapos ang kuwentuhan niya with her barkada, nabanggit niya na hanggang alas sais lang siya dapat dahil sasamba pa siya, pero halos malugmok siya sa takot at nawalan na ng pag-asa nang makita ang oras na nalimutan na niyang icheck. Nagprisinta ang kaibigan niyang si Murphy na ihatid na siya gamit ang sasakyan nito. Buti na lang at naihatid siya nito ng matiwasay at nakaabot pa sa pagsamba nila.
Her thoughts drifted again on Seb. Though, the day was filled with huntahan and asaran with her friends, peste talaga 'tong si Seb kada maaalala niya ang puzzle-like behavior nito.
To spill the beans, matagal na niyang alam ang naging ugnayan ni Seb at Neah. Hinihintay lang niya magkuwento ang lalaki sa tungkol doon pero wala man lang itong mabanggit tungkol kay Neah pag tinatanong niya.
"Uy, Laine! Alam mo na ba yung tungkol dun sa naghahatid-sundo sayo?"
Humahangos na dumating si Maureen sa kaniya kasabay ang tila paghila nito sa braso niya. Meaning, lalabas sila ng room para doon pag-usapan ang issue. Itinabi muna niya ang mga gamit sa kaniyang bag para makapagpahinga si Mau.
"O, hinga ka muna, girl." Untag niya dito at pinaupo muna ang kaibigan sa katabing arm chair niya.
Nag-inhale exhale pa ang babae na tila isang singkwenta anyos na matandang tumaas ang presyon kaka-zumba.
"Ayos, a-ayos na ko wooo!"
Nag-stretching pa ito ng braso na muntik nang tumama sa baba niya.
"Hoy wag kang manakit!"
She chuckled as she gave the look on her face saying, 'tara na' which her friend understood quickly.
BINABASA MO ANG
Leaving On A Jet Plane
Novela JuvenilNasa punto ka na ng buhay mo na, you're being eaten by your problems and nasa bingit na ng depresyon. Hindi ka man obvious na religious, you cling to God where he led you to the worst chapter of your life while slowly finding the best parts of yours...