Alas-otso pasado na ng umaga. Dapat ngayon, pawisan na siya kakatakbo sa oval, hindi niya ipapahalatang nako-conscious na siya sa lagay ng pawisin din niyang organ, ang kaniyang kili-kili.

Pero, balik siya sa katotohanang di na siya papasok sa university. Hindi naman ganun kasama ang naging experience niya doon dahil nagkaroon siya ng maraming kaibigan.

Her program is Radiologic Technology, a not-so-famous pre-med course at rare lang marinig. She studied her two majors sa unang sem: Anatomy and Physiology at Introduction to Radiologic Tech. Anyway, she remembered how hard and frustrating ang naging pakikibaka niya sa majors, pero everything paid off ng twice na siyang maging highest sa quizzes nila sa Anatomy at prelim exams sa Intro to Rad Tech.

Oo na, alam niyang hindi na yun mahalaga ngayon. Wala nang may pake kung marami na rin siyang achievements na nagawa sa loob lang ng apat na buwan na pagpasok niya. Kaso, namimiss niya yung feeling na may naaaccomplish.

Hindi naman siya studious, nung grade school nga, parang singit baho lang siya sa star section. Hanggang mag-G7 siya, feeling niya ay kolorete lang siya sa, then again, star section na siya din naman ang nagpakana para mapasama siya. Hindi naman kasi siya ganun katalino, pero masipag naman siya lalo pa't nakikipagsabayan siya sa matatalino niyang kaklase, hmm, parang no choice na rin siyang lalo pang mag-effort kahit minsan hindi na na-acknowledge.

Matapos ang pagmuni-muni, lumabas siya sa kwarto at tumungo sa sala slash dining nila. Nag-init siya ng tubig at kumuha ng pinggan. Napansin niya ang kaniyang ina na nagkukusot ng damit.

"Ma, nag-almusal ka na?"

Hindi man lang natinag ang kaniyang ina sa ginagawa ngunit sinagot naman siya nito.

"Hindi pa. Idalwang tasa mo nga yang iniinit mo."

Medyo malabo man yung connection ng pagdagdag ng tubig sa takure, sumunod naman siya.

Nang kumulo na ang tubig, isinalin niya ang kalahati sa tasa niya at nagtimpla ng gatas. Kahit parang hindi na akma sa edad niya ang pag-inom ng gatas, sige lang siya, pampalakas naman yung ng buto. Sa iilang buwang inilagi niya sa university, naging health advocate siya ng di oras dahil na rin sa lessons na natutunan niya sa Anatomy.

Makalipas ang isang oras, nagpaalam ang kaniyang ina na mamalengke ito at pipila sa NFA retail.

Good. Naisaloob niya.

Kukuwentuhan ko muna si Jace, tapos sasamahan ko na rin ng konting iyak.

She diverted her gaze sa kapatid niya. Busy ang bata kakapuknat sa floor mat at napitik niya tuloy ang daliri nito ng marinig ang pagpunit.

Langya, yari na naman ako kay Mama. Oo na, mahalaga ang floor mat kaysa sa sakin!

Tinimplahan niya ng gatas ang nakababatang kapatid at patutulugin na rin niya kesa naman maglikot pa ito or magpuknat ng floor mat or mapuknat na rin ang anit niya kakasaway sa bata.

She fished out for the loaf bread and mayonnaise, yan muna ang kakainin niya hangga't di pa tapos dumede si Jace. Pumasok siya sa kwarto kung nasan ang bata at binantayan ito, madalas pa namang maglaro ito, yung gatas ay pinanliligo sa leeg niya, so, she need to watch over the kid.

Jace, baby. Untag niya dito na nakatingin naman sa kanya.

Grabe ang ganda nung nabasa ko sa page nung Eccendiast.

Umungot lang ang bata na animo'y bored sa pakikinig sa kanya.

Ang post kasi goes like this, Nag-quote, enquote pa siya.

He may love you, he probably does. He maybe thinks about you all the time, but--- Nag-pause siya for dramatic effect.

it does not matter. What matter is, what's he's doing about it. Well, he's not doing anything. And of course, you woudn't do anything as well. If he wants you, he'll do something about it--- to get you.

Bumuntong hininga siya.

Sa tingin ko, sobrang ganda nung message eh. Di ba, gagawa ka talaga ng paraan para magkasama kayo ng taong mahal mo? Siguro, depende na rin sa lalaki yun kesa naman yung babae yung---

Ay, bobo.

Kung anu-ano naman ang sinasabi niya sa bata. She shrugged her shoulders, oo nga pala, di siya nito naiintindihan so go lang siya sa pagdadrama.

Her thoughts drifted to Seb. Nagkakilala sila nung last year na niya sa Senior High. Bagong kaklase nila ito from Davao Oriental, pero ang nagustuhan niya kaagad ay ang fluency nito sa English. She liked guys who loves to read novels and writes excellent essays.

She likes Seb, well, every girl on her class does. Tahimik man ito pero anlakas ng dating. For no apparent reason, naging magkatabi sila sa revised seat plan ng adviser nila at syempre naging close overtime.

She can't put a finger on what they had. Yes, hinahatid siya nito pauwi, nililibre tuwing breaktime etc. but its vague, or maybe masyado pang maaga para hanapan niya ng label kung anong relasyon nila.

July, they started the hatid-sundo scheme. September, texts and calls became predictable. Until November came, may immersion sila sa malapit na grade school and again, nagkasama sila at magkapartner pa.

Early December, first time visit niya sa bahay nito. She chose to wait for him on the rooftop. Naiwan pa ang cellphone sa kakamadali para bigyan siya ng meryenda.

Walang lock, aba't wala atang tinatago. She whispered in delight.

Hinalungkat niya ang gallery, until something caught her eye. Sa pinakadulong row ng pictures, mayroong picture ng isang babae--- ba't nandito yung picture niya?  Aniyang puno ng pagtataka.

And the truth hit her hard. Hindi lang basta familiar ang babae. It was Neah, her best friend.



Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon