CHAPTER ONE: Meet Ryan.

60 1 0
                                    

Chapter One: Meet Ryan.

Ryan's POV

*Tik-Ti-La-Ok*

Bangon sa kama, Unat-unat.

Haay. Bagong umaga na naman.

"Oh anak, gising ka na pala. Halika na at kumain na tayo." Pag-aaya sa akin ni Nanay.

Teka, haynako. Si nanay talaga oh.

"Nay, tatlo na naman ang platong nilagay mo sa mesa." Napatingin si Nanay sa mga platong inihanda niya.

"Naku ryan pasensya na. Nasanay kase akong tatlo ang inihahanda kong plato. Nakalimutan kong, wala na pala ang kuya mo dito." Nalungkot bigla ang aura ni Nanay. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Nay, 'wag po kayong mag-alala. Nasa mabuting lugar po si kuya." Nagsigh lang si Nanay.

"Oh tara na. Baka lumamig pa itong pagkain natin."

Umupo na ako sa malakahoy naming upuan.

Siya nga pala. Ako si Ryan Damasco. Ryan na lang itawag niyo saken. 17 years old. Engineering ang course ko.

General Santos ang aking tirahan.

Ang aking itay, yumao na. Si inay naman, eto. Buhay na buhay pa. Meron akong kuya.

Si kuya Randy. Kaso, wala siya dito.

Nasa manila siya.

Simula ng gumraduate na siya ng kolehiyo, lumuwas na siya ng Manila para makipagsapalaran.

Balak na rin akong kunin dito ni Kuya.

Kaso, iniisip ko si Nanay.

Medyo sumama kasi ang loob ni Nanay nung iwan kami ni Kuya. Pano na lang ako? Bunso pa naman ako.

- - - - - - -

"Ok lang kami ni Nanay dito kuya. Ikaw? Ok ka lang rin ba dyan?" Kausap ko ngayon si kuya sa cellphone. Padala niya 'to nung unang sweldo niya para may magamit daw kaming pantawag.

"Ayos lang ako dito yan. Nag-aaral ka ba ng mabuti diyan?" Kuya.

"Oo naman kuya! Matatas nga ang grade ko eh!" Narinig kong tumawa ng kaunti si kuya.

"Ikaw talaga yanyan oh. Ahm, bunso?"

"Bakit kuya?"

"Nakapagdesisyon ka na ba?" Matagal bago ako nakasagot.

- - - - - - -

Kinabukasan.....

"Nay pwede ba kitang makausap?" Sabi ko habang naglalaba si Nanay.

"Osige. May sasabihin ka bang importante?" Huminga muna ako ng malalim.

"Susunod na po ako kay kuya sa Manila." Napatigil si Nanay sa paglalaba. Tumingin siya saken ng seryoso.

"Anak, iiwan mo na din ako?" Tumulo ang luha sa kaliwang mata ni Nanay.

"Nay hindi ganun yun. Para sa atin rin 'tong gagawin ko. Kagabi, nakausap ko po si kuya sa cellphone. Ang sabi niya, pag-aaralin niya daw po ako dun." Lalong umiyak si Nanay. Niyakap ko siya.

"Sabi pa niya Nay, pag nakapagtapos na ako doon, pwede na kitang kunin dito." Tila iyak pa rin ang sagot sa akin ni Nanay. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Nanay.

- - - - - -

Tuesday.

Ngayon na ang luwas ko papuntang Manila.

Pumayag na lang si Nanay dahil wala na rin siyang magawa. Para na rin sa akin 'to. Sa amin.

"Mag-iingat ka anak ha. 'Wag kang magpapagod masyado. Mag-aral kang mabuti." Sabi ni Nanay habang emosyonal. Nanay talaga oh.

"Opo nay. 'Wag niyo rin pong papabayaan ang sarili niyo dito. Ate marsi, kayo na po ang bahala sa Nanay ko ah." Ako. Si ate marsi, ang pamangkin ni Nanay.

"Ako na bahala yanyan." Ate marsi.

"Sige na nay. Aalis na po ako." Nagbeso na ako kay Nanay.

Umandar na ang taxing sinasakyan ko papuntang airport. Excited na akong makapunta sa Manila!

First time kong makakapunta doon! :)

My Kuya's Fiance (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon